Kerstein

111 3 0
                                    


Sa wakas ay binitawan na rin niya ang kamay ko matapos niya 'kong hilahin papalabas ng bahay namin. "Bakit mo 'ko hinila? Ang sakit kaya!" Iritable kong sabi.

"Sorry, masakit pa ba?" Agad niyang kinuha ang kamay ko at sinuri ito. Naramdaman ko na naman na nag-iinit ang mukha ko. Hinawakan lamang niya ang kamay ko pero para akong pinapaso.

"Okay lang ako, medyo mahigpit lang ang pagkakahawak mo kanina." Napayuko ako sa kahihiyan. Ayokong makita niya ang pamumula ng pisngi ko. "Bakit mo ba kasi ako hinila?"

"May pag-uusapan kasi tayo." Seryosong sabi niya. "Maaga pa naman kaya doon muna tayo sa parke."

Nakasunod lang ako sa kaniya, nauuna kasi siya sa paglalakad. Pinagmamasdan ko ang likuran niya at parang ang seksi-seksi at ang macho-macho niya. Naramdaman ko na naman na parang may mga bulate sa tiyan ko na hindi mapakali. Kinakabahan ako! Dahil hindi ako mapalagay sa nakikita ay yumuko na lamang ako habang naglalakad.

"Aray!" Daing ko nang mabunggo ako sa isang matigas na bagay. Pagtingala ko, bag pala ni Harold iyon.

"Tumingin ka kasi sa nilalakaran mo," natatawang sermon ni Harold.

"Ewan ko sa'yo!... Ano ba'ng gagawin natin dito?" inis na tanong ko.

"'Di ba sabi ko mag-uusap tayo?" napa-isip ako sandali. Ang tanga pala ng tanong ko. Sinabi na nga pala niya iyon.

"A-anong pag-uusapan natin?" Umupo ako sa pinakamalapit na upuan sa pwesto namin.

Agad naman siyang sumunod at umupo sa tabi ko. "Nabasa mo na ba iyong diary ko?"

Nanlamig ako bigla sa tanong niya. Bakit ba namin pag-uusapan iyon? "H-hindi pa..." Nauutal na sambit ko.

"Bakit ayaw mo pang basahin? P-para naman alam mo na hindi kita niloloko. Para malaman mo na seryoso ako sa 'yo." Sunod-sunod na sabi niya.

"M-mamaya ko na b-basahin. Mauuna na 'ko,"

Bago pa man ako makatayo ay hinawakan niya ang kanang braso ko. "Alam kong hindi ka na liligawan ni Chris," napalingon ako sa sinabi niya,

"Paano mo nalaman?"

"Alam ko na rin na may gusto ka sa 'kin. Gusto rin naman kita... bakit ayaw mo pa 'ko sagutin?"

Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Ano ang isasagot ko? Hindi ko ito napaghandaan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Hindi pa ako handa." tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa braso. Ayoko munang pag-usapan ito. Malamang nabasa na niya 'yung sinulat ko. Oo, mahal ko siya, pero hindi naman sapat na dahilan iyon para sagutin ko na kaagad siya. Ni hindi pa nga ako sigurado kung totoo ba 'yung nararamdaman niya.

Diary? 'Yung diary nalang niya ang babasahin ko, para malaman ko na rin kung ano ba talaga ang nangyayari kay Harold.

***
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng classroom namin. Masyado akong lutang at hindi namamalayan kung ano ang ginagawa ko.

"Kumusta, Kerstein?" Nabigla ako sa pagdating ni Angel.

"Okay lang naman,"

"Tulala ka yata?" Tanong niya at parang may tinitingnan sa likuran ko. May hinahanap ba siya? "Nasaan si Harold? Bakit hindi mo siya kasama?"

Sabi ko na nga ba at may hinahanap siya. "Nagmamadali kasi ako para makapagreview pa rito." pagsisinungaling ko.

"Ah... sabi niya kasi sa'kin na susunduin ka niya. A, bahala na nga. Sige, pasok na 'ko," bigla siyang umalis pagkasabi niya no'n.

Isa lang ang naibulong ko, ang weird.

Natapos ang klase namin. Mabuti at nakasagot ako ng tama sa exam kanina. Pinilit kong ialis ang tensyong nararamdaman ko kanina para makapag-focus sa exam ko. Ngayon ay bumalik na ulit ang kabang nararamdaman ko nang makasalubong ko si Harold.

Ayokong magsinungaling sa sarili ko, mahal ko talaga siya. Kaya lang kasi may mga bagay na gumugulo pa rin sa isipan ko.

Lumapit siya sa akin. "Sabay na tayong umuwi, o kung gusto mo punta muna tayo sa park?" sabi nito.

Ipinangako ko sa sarili ko na babasahin ko na ang diary niya pagkauwi ko galing school. "Uuwi na ako. Marami pa akong gagawin na assignment." Sabi ko nalang kahit na wala akong assignment ngayong araw.

"Gano'n ba? Tara, hatid na kita."

Naglalakad kami nang tahimik. Halos 'di makabasag pinggan.

"Kain muna tayo ng fishball," aniya sabay hila sa kamay ko. Hindi man lang niya hinintay na sumagot ako. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya hindi na ako tumanggi. "Kuha ka lang, libre ko 'yan." dagdag niya.

Kahit gusto kong kumain ng marami ay pinigilan ko ang sarili ko. Kumuha ako ng paper plate at naglagay ng halagang sampung pisong fishball. Nakakahiya naman kasi sa kaniya. Alam ni Harold na favorite ko itong fishball, dahil mga bata pa lang kami ay ito na ang kinakain namin ng sabay.

"Naks, ang sweet..."

Napaubo ako bigla. Agad naman akong inabutan ni Harold ng palamig. Nang mahimasmasan ako ay hinarap ko ang nagsalita. "Ano ka ba, Chris? Gusto mo ba akong patayin?" bulyaw ko rito.

"Pfft! Sorry. Na-carried away lang ako." Natatawang sambit niya. Binalingan niya si Harold na alalang-alala sa akin. "Tol, kumusta?"

Hindi ito pinansin ni Harold. "Okay ka na ba, Kerstein?" may pag-aalala sa tono nito.

"Oo, salamat."

"Pre, bakit kasi bigla kang nagsasalita riyan?" baling niya kay Chris.

Nagkibit-balikat lang ito at kumain ng fishball na hawak niya. Ang bilis. Meron kaagad siyang hawak? Parang kanina lang siya dumating.

Narinig kong nag-'tsk' si Harold. Mukhang magkakainitan dito kaya naman nagpaalam na ako kay Chris. "Mauuna na kami."

"Sige. Ingat. Sorry ulit," sabi niya. Tinanguan ko lang siya bago umalis. Sumunod naman sa akin si Harold.

"Dito na 'ko, salamat sa paghatid at sa fishball." Nasa tapat na kami ng gate namin.

"Wala 'yon. Anytime pwede kitang ihatid kung gusto mo." Nakangiti niyang sabi. Lumabas tuloy ang pantay-pantay niyang ngipin. 'Di tulad ng sa akin na may sungki.

"Sige."

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Nagpunta muna ako sa kusina para sabihing dumating na ako. Nandoon kasi si Mama na abalang nagluluto ng hapunan. 

Umakyat na ako sa kuwarto ko at ini-lock ang pinto. Lumakad ako papalapit sa side table ko at binuksan ang drawer nito. Kinuha ko mula roon ang itim na kuwaderno--ang diary ni Harold. Huminga muna ako nang malalim bago ito buksan.

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon