Nakakainis talaga minsan itong si Chris walang preno ang bibig! Hindi ko na nga siya pinansin at hinayaan ko lang siya sumabay sakin.
Totoo naman mga sinabi ko sa kaniya kanina. Ang dami kayang tumitingin sakin, iyong mga tingin naman nila akala mo nasa court ako at nililitis. Mga mapanuri ganun! Eksena naman kasi ni Harold tapos di pa niya binitawan ang kamay ko. Hanggang loob ng canteen kasi hawak pa rin niya ang kamay ko. Nakakahiya man pero kinikilig ako. Siyempre halos i-announce na niya sa mga estudyante dito na may nagugustuhan na siya at alam ko naman kung sino 'yun. Ako kaya 'yon! Gusto ko isigaw 'yan kanina doon sa babaeng katabi ko sa hallway na kung tumili akala mo kinurot sa singit.
Kakarating lang namin dito sa gym at naupo malapit sa puwesto nila Harold. Dito niya kami itinuro pagkakita niya sa amin ni Chris. pinagmasdan ko ang paligid ng gym. At halos maokupa ang mga upuan sa itaas dahil sa dami ng estudyante ang nandito.
Hindi ko alam pero hindi ako mapakali sa puwesto ko. Kinakabahan ako. Wala naman nangyayari pero bigla akong kinabahan. Ano ba iniisip mo Kerstein?
Tuloy tuloy lang 'yung laro nila hanggang matapos ang practice nila Harold. Nung tumunog na ang buzzer ay tapos na rin ang laban nila. 'Yung team kasi nila ay nahati bale naging magkalaban sila sa practice. 2nd quarter lang naman iyong laban dahil nga mapapagod sila lang sobra kapag apat na game ang ginawa nila e practice lang naman ito.
Namatay ang ilaw kaya napasigaw 'yung ibang estudyante na nandirito. Brownout ba? Pero hindi e. Bukas 'yung aircon naririnig ko 'yung tunog nito.
"Chris ano ang nangyayare?" Bulong ko kay Chris. Humawak ako sa braso niya kasi medyo kinabahan ako. Kahit hindi naman nakakatakot.
"Hindi ko rin alam." Sagot niya sakin. Tapos isa isang bumukas ang ilaw sa itaas nakatutok 'yon sa basketball court. Nakita namin doon ang grupo ni Angel ang cheering squad. Nag-umpisa na sila sa kanilang performance. Ang galing hindi mo aakalaing practice lang ito. Napaka-smooth ng galaw nila. Lahat sila magaling. Sabay-sabay ang galaw na akala mo iisang ta lang sila.
Aliw na aliw ako sa panonood sa kanila pati itong katabi ko maya't maya ang komento at pagpuri kay Angel. Magaling naman talaga siya kaya nga hindi ko masisi si Harold nung nagkagusto siya kay Angel noon. Natapos 'yong performance ng cheering squad pero hindi pa sila umalis sa gitna. Nag-form sila ng bilog at nagkumpulan. Nag-uusap ba sila? Tapos biglang lumuwag ang bilog nila at nadoon si Harold sa gitna. Kelan pa siya nakarating doon? Magic? Kasali ba siya sa performance ng cheering squad? Nangunot ang noo ko.
Nag-umpisang gumalaw sila Angel ng paikot. Magkakahawak ang kamay nila habang umiikot dahan-dahan. Tapos biglang may tumugtog. Napalingon ako sa paligid kasi biglang nagtilian ang mga estudyante dito. What is happening? Part ba ng peformance nila ang magpakilig?
Nahawi na ang grupo nila Angel at nakita ko na ng maayos si Harold at may hawak pa siyang gitara. Nakaharap siya sa direksyon namin ni Chris. Naguguluhan ako sa nangyayari ngayon. Part pa rin ba ito ng gagawin nila sa laban? Ngumiti siya nang magtama ang paningin naming dalawa. Gusto ko rin tumili dahil sa kilig. Pero bang meron?
"It took one look
And forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you"
Nag-umpisa na siyang kumanta at hindi na rin naalis ang tingin ko sa kaniya. Infairness maganda ang boses niya! Papuri ko sa isip. Nakangiti lang din ako habang nanonood sa kaniya.
"There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out"
Ngayon ko lang siya narinig kumanta at ngayon ko lang nalaman na marunong din siya maggitara! Matagal na kami magkakilala pero itong mga talents nya ay hindi ko alam. At hindi ko rin inalam!
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Novela JuvenilPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
