Kerstein

197 10 0
                                    


Hindi ko na kaya pang basahin ang diary niya. Bawat lipat ko ng pahina ay parang may tumutusok na karayom sa puso ko ang sakit, sobra. Mahal ko na ba talaga ang bestfriend ko?


Nananahimik ako sa bahay kanina ng sumulpot itong si Harold. Nag-yayang lumabas, ewan ko ba dito kung anong sumagi sa isip niya at biglaan nalang gustong lumabas. Kaya heto kami at nakaupo sa park malapit sa lugar namin. Dito lang pala niya gustong pumunta sinama pa ako.

"Anong gagawin natin dito?" Iritableng tanong ko sa kanya. Nakakainis naman kasi. Nabwisit na nga ako sa diary niya at heto pa, dinala niya ako dito tapos tutunganga lang pala! Hayst.

"Wala lang, gusto ko lang pumunta dito." Tamo to' gusto lang pala niya pumunta dito tapos isinama pa ako.

"Gusto mo lang pala pumunta bakit isinama mo--" I did not finish my sentence when he said...

"Gusto lang kita makasama."

Natameme ako sa sinabi niya. Seriously? Gusto niya ako makasama? Nag-iba na ba ang ihip ng hangin at nagkaganito ito?

O baka naman gusto na niya ako. OMG!... Pero hindi eh, ang huling basa ko sa entry niya ay yu'ng sinabi niya na kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

"Bakit natahimik ka d'yan? Masama bang makasama ang bestfriend mo?" '


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon