Dear Diary,
Sinubukan kong kausapin si Kerstein ngayong araw pero biglang umepal si Chris sa pagitan namin at sapilitang isinama si Kerstein sa canteen. Ang sama talaga ng ugali nu'n. Gagawin niya ang lahat mapansin lang ni Kerstein. Kaya heto lugmok ang mukha ko habang isinusulat ito dahil naaalala ko na naman ang eksena kanina kung paano hawakan ni Chris ang kamay ni Kerstein para isama sa canteen. Bakit kailangan pa niyang hawakan sa kamay di ba? Tingin mo Diary, nagseselos ba ako? Para sa akin, nagseselos ako dahil gusto ko ako lang ang kasama ni Kerstein wala ng iba.
Normal lang naman iyon di ba?
It's me
Harold
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
JugendliteraturPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
