Tuesday na at ngayon ang laban ng mga University sa cheering squad at basketball. Patapos na ang klase namin ngayon at mamaya'y sabay nalang kami ni Chris pupunta sa Arena kung saan gaganapin ang laban. Nauna na kasi doon sila Harold at Angel. Excuse sila sa klase dahil mga representative sila ng University namin.
Tumunog na ang bell. Nagmadali na akong mag-ayos ng gamit. Nakapagtext na rin ako kay Chris sa baba na raw kami magkita. As usual.
"Kerstein!" Nakita ko na agad si Chris. Ang lakas ba naman ng boses niya kaya yung ibang estudyante na kasabay ko bumaba ng hagdan ay nakatingin sa kaniya. Loko talaga!
"Grabe ka naman makasigaw!"
Tinawanan lang niya ako. "Tara na para makahanap tayo ng magandang puwesto."
"Tinext din ako ni Harold sabi niya meron daw siya naka-reserve na upuan para sa ating dalawa." panigurado daw kasi ay maraming taong manonood mamaya dahil sa apat ang university na maglalaban.
"Ayos 'yan!" Tumango-tangong pagsang-ayon ni Chris.
--
"Sa tabi lang po kami, manong!" Pagpara ni Chris. Bumaba na kami ng jeep. Nandito na kami sa destinasyon namin. "Saan ba raw tayo hihintayin?"
Tiningnan ko ang cellphone ko tinext si Harold para malaman ko kung saan ba kami magkikita. Ilang saglit lang ay nagreply na siya. "Sa gate 2 daw tayo pumasok. Abangan na niya raw tayo."
Hinanap pa namin iyong gate 2 kasi dito kami ibinaba sa gate 4 kaya umikot pa kami ni Chris. Pagkapasok namin ay nakita agad namin s Harold na nag-aabang doon. Naka-basketball shorts na siya at t-shirt ang pang-itaas.
Pagkalapit namin sa kaniya ay agad niya akong sinalubong ng yakap. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa ulo ko. Napaka-sweet talaga niya kaya lalo akong na-iinlove.
"Naghihintay na si Angel saloob. Una kasing maglalaban ang cheering squad per team kaya nagpe-prepare na sila roon." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako papasok. Nakasunod lang sa amin si Chris. "Dito kayo maupo at kailangan ko na rin bumalik sa team."
"Sige. Galingan mo mamaya ha?"
"Para sa'yo." Kinindatan pa niya ako bago umalis.
Malapit lang naman ang puwesto namin sa bleachers nila.
"Kinikilig ka na naman." Nagulat pa ko sa pagtusok ni Chris sa tagiliran ko. Kahit kailan talaga ang lakas mang-asar!
"Che!" kunwari'y inis ko pero nagtawanan lang kaming dalawa.
--
Natapos na ang dalawang squad ng cheering magperform. Tinawag na ang university namin kaya talagang nakatutok kami sa panonood. Nakita na namin si Angel siya ang nasa gitna. Kumaway siya saamin ni Chris nung makita niya kami. At itong katabi ko ay todo kaway rin.
"Ayaw pa kasing sabihin kay Angel." Pang-aasar ko rin sa kaniya.
"Ha? Anong sasabihin?"
Medyo pasigaw na kami mag-usap dahil sa ingay ng paligid.
"Na gusto mo siya!"
Hindi niya ako sinagot pero hindi rin niya itinanggi. "Manood ka na nga lang. Mag-uumpisa na oh!"
Noon sa'kin ang bilis niya umamin, pero ngayon kay Angel totorpe torpe ang loko!
Nag-umpisa na silang magcheer. Si Chris naman ay hindi matigil ang pagpalakpak. Napaka-supportive. Ang smooth ng mga galaw nila. Sabay-sabay ang kilos. Parang mga anino lang sila ng isang tao kung gumalaw. Nakita namin si Angel na tumayo sa kamay ng isang lalakeng kasama nila sa cheering. Ang galing!
"Ang galing talaga ng Angel ko!"
Napataas ang kilay ko sa narinig. "Angel ko? Angel mo? Eh hindi mo nga maamin sa kaniya na gusto mo siya e!"
"Wag ka maingay diyan!" Suway niya sakin.
Aba't! Ang sarap batukan nito. Wag daw maingay eh maingay nga rito sa Arena.
Mas lalong lumakas ang palakpakan nung natapos na ang performance nila Angel. Napatayo pa itong katabi ko kaya natawa ako. Siyempre ginaya ko na rin siya. Tumayo rin ako habang pumapalakpak. Si Angel ay kumaway pa sa amin bago nila lisanin ang gitna ng court.
--
Umpisa ng ipakilala ang mga basketball team. "LETS GIVE AROUND OF APPLAUSE TO OUR THIRD TEAM, SANTIAGO UNIVERSITY!" sabi ng announcer. Naghiyawan ang mga tao sa Arena. 'Yung iba ay may mga banner pa ng campus namin. At yung iba naman may mga lobo pang itinataas at iwinawagayway. San nila nakuha 'yon?
"Ayan na si Harold mo!" Rinig kong sabi ni Chris kaya napalingon ako ulit sa harap ng court.
Isa-isa na silang pinakilala. Kumaway sakin si Harold at nag-flying kiss pa siya sa akin.
"Naks naman si lover boy!" Natatawang pahayag ni Chris.
Alam ko sa mga oras na ito ay ang pula-pula na ng mukha ko sa kilig. Pero nagbago iyon dahil sa mga babae sa likod namin. "Kyaah! Nag-flying kiss si number 16 sakin!" Ang assuming ni ate!
"Sa akin iyon, girl! Kyaaah!" Sabi nung isa pang assumera!
Nilingon ko sila pareho. Hindi namin sila schoolmates base sa uniform nila. Agad ko ring binawi ang tingin sa kanila at pasimpleng umirap.
"Ang lalandi!" Inis na bulong ko.
"Uy, kalma!" Bulong din ni Chris sakin. Narinig pala niya 'ko.
"Psh!"
--
Nag-umpisa na ang laban. Ang kalaban ng university namin ay ang Imperial College. Kasali sa first 5 si Harold. Pag hagis ng bola ay napunta agad iyon sa team namin.
Dini-dribble ni Harold ang bola. Tumakbo na siya at nilagpasan ang mga humarang sa kaniya. Nakita yatang alanganin kaya ipinasa niya iyon sa kasama niya. Napunta r'on ang atensyon ng mga player kaya naging free ulit si Harold na lumayo roon. Ibinalik sa kaniya ang bola. Pagkakuha niya rito ay umatras siya para sa 3 points at shoot!
"3 POINTS FOR NUMBER 16 GONZALES!"
"KYAAAH!" Hiyawan ng mga tao rito.
"Kyaaah! Sabi ko sayo magaling siya e! Ang gwapo gwapo din! NUMBER 16 I LOVE YOU NA!"
Napapikit ako ng mariin. Kalma self. Kalma. Inhale. Exhale.
"Huwag mo na lang pansinin. Alam mo na kapag mga gwapong katulad namin ay normal na 'yan." Pagpapakalma sakin ni Chris. Hindi ko na pinansin yung pagbubuhat niya ng sariling bangko. Gwapo rin naman kasi siya. Gaya ng sabi niya ay hinayaan ko nalang ang mga nasa likod namin. Hindi ko nalang inintindi kahit na marami pa silang isinisigaw.
2nd quarter ay lumabas muna ng court si Harold. Kita kong pawis na pawis na siya. Inabutan siya ni Angel ng tubig at yung towel na kinuha sa hawak niyang bag na sa tingin ko ay bag ni Harold. Hindi na ako nakakaramdam ng selos sa kanila dahil alam ko naman na magkaibigan lang sila.
Napatingin sa gawi ko si Harold at nginitian niya ako. Napaka-smiling face talaga kahit kailan!
Ang score ay 36-28 at leading ang university namin.
--
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Fiksi RemajaPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
