Entry #31

149 11 0
                                    


Dear Diary,

Yung masaya sanang lunch kanina naging disaster. Dumating kasi itong si Asungot (chris) at ayun tumabi kay Kerstein ako naman sa harap nila nakaupo kung alam ko lang di sana kanina doon na ako umupo sa tabi niya di ko naman akalain na magpapakitaitong si Chris. Habang kumakain kami dumating yung syota ni asungot at hinila ang buhok ni Kerstein akala siguro nilalandi yung boyfriend niyang mukhang paa ko. Di hamak naman na mas pogi ako du'n. Nakakainis nga yung babae e bigla na lang mananabunot gusto ko ngang patulan pero syempre babae yun kaya inawat ko nalang sila. Buti nalang at napigilan ni Chris yung syota niyang warfreak nakalmot pa ako. Sinabi ko rin doon sa babae na tigilan na ang girlfriend ko which is Kerstein. Kaya ko sinabi iyon para tigilan na niya at hindi pag-isipan na inaagaw ang syota niyang mukhang paa ko. Nakakainis yung mga ganun yung tipong susugod ka pero mali ang hinala mo. nakakaasar diba?

Sinabihan ko na ulit si Kerstein na lubayan na si Chris at ganun din si Chris. Pumayag naman si Kerstein pero si Chris, malabo. Sinabihan ko nga na kapag may mangyaring masama ulit kay Kerstein dahil sa kanya ako na makakalaban niya. Ayokong may nananakit sa bestfriend ko babae man yan o lalaki.

Mahaba itong naisulat ko ngayon Diary, ang dami kasing nangyari kanina mas mahaba pa dito kung iisa-isahin ko kaya shortcut nalang hehehe.


It's me

Harold


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon