Dear Diary,
Bakit ganun? Naging close ko na nga si Angel pero lumalayo naman sa akin si Kerstein. Napansin ko iyon ng makasali na ako sa team. Bigla siyang naging cold sa akin. Ayaw niya bang maging kaibigan ko si Angel? Hindi naman niya alam na may gusto ako kay Angel eh. Tulad nga ng sabi ko dito ko lang sinabi na may gusto ako kay Angel wala ng iba kaya nga super ingat ang ginagawa ko sayo Diary. Sinubukan kong kausapin si Kerstein pero puro tango at iling lang ang sinasagot niya sa akin, naninibago tuloy ako. Bakit nga kaya?
It's me
Harold