Dear Diary,
Ngayong araw ibubuhos ko ang oras ko sa bestfriend ko. Alam na din niya na broken hearted ako at ang tanging sinabi niya ay "I told you, hindi mo pa siya kilala." Ang tanga ko kasi. Hindi ako nakinig sa bestfriend ko na 8 years ko nang kasama.
Iniisip ko nga kung napagdaanan na ba niya ang napagdaanan ko ngayon? Ano din kaya ang naramdaman niya? Ang alam ko kasi never pa siyang nagka-boyfriend dahil wala pa siyang ipinapakilala sa akin or so I thought? Ah basta! Aalis kami ngayon may friendly date kami.
Babalitaan kita mamaya, Diary.
It's me
Harold
