Nagising ako sa malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. Si Mama pala ang kumakatok. "Kerstein! Umaga na! Hindi ka ba papasok?!" Sigaw niya sa labas ng kwarto ko. Teka! Anong oras na ba? Napatingin ako sa alarm clock ko na nakapatong sa side table, sa tabi ng kama. 7:00 am na pala. 8:00 o'clock ang pasok ko. Waah! Ayokong ma-late!"Opo Ma, papasok po ako!" Sigaw ko pabalik at bumalikwas ng bangon. Patakbo akong dumiretso sa banyo at sinimulan ang ritwal ko sa umaga. Mabilisan ang ginawa kong pagligo. Triyenta'y minutos ay bihis na ako. Agad akong bumaba para magpaalam na aalis na ako. "Ma, papasok na po ako." Sabi ko at didiretso na sana papalabas ng bahay ng may magsalita.
"Pfft. Wala tayong class ng umaga dahil may meeting ang mga teachers." Napahinto ako sa pagbukas ko ng pintuan nang marinig ko iyon. Nga pala, may meeting sila sa umaga. Hayst! Nagmadali pa naman ako tapos wala palang klase! Bulyaw ko sa isip.
Humarap ako sa nagsalita. Kilala ko naman kung sino iyon. Sa tagal ba naman naming magkaibigan hindi ko pa ba mamememorize ang boses niya? "Ano palang ginagawa mo dito Harold?" Kunwari'y mataray kong sabi.
"Ang sungit mo naman. Sinusundo lang kita. Para sana sabay tayong pumasok."
"Nasaan ba si Angel?" Tanong ko pa. Deep inside, ayaw ko talagang itanong iyon dahil nga naiinis ako. Nagseselos ako eh!
"Bakit nasali sa usapan si Angel?" Kunot noo niyang sabi.
"Siya kasi palagi mong kasama. Naninibago lang ako." Pagdadahilan ko. Totoo naman iyon. Simula ng hindi niya ako pansinin, si Angel na ang palagi niyang kasama. Si Angel na ang palagi niyang kasabay pumasok. Si Angel na ang palagi niyang kasabay umuwi.
"Tita! Aalis na po kami!" Paalam niya kay Mama. Nasa Kusina kasi si Mama kaya medyo pasigaw ang sabi niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Makulit itong si Harold. Siguro ito na rin ang tamang oras para sabihin sa kanya na gusto ko siya.
Nauuna akong maglakad sa kanya. Ayoko siyang kasabay. Parang bigla akong nakaramdam ng hiya. "Kerstein! Hintayin mo naman ako!" Sigaw niya dahil malayo na ang agwat namin.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko. Sino pa ba ang gagawa no'n kun'di siya lang. "Sabi ko, hintayin mo 'ko. Kulit," Naramdaman ko'ng uminit ang pisngi ko.
"Bi-Bitiwan mo nga ako!" sabi ko at nagpupumiglas sa pagkapit niya sa braso ko.
Pero sadyang malakas talaga ang mga lalaki. Humigpit lang ang kapit niya sa akin. "Napa'no ka ba? Sabi ko sabay tayo. Psh! Lika na nga!" Nagulat ako nang hilahin niya ako. At ang lalong nagpainit ng pisngi ko ay ang HHWW namin. Shucks! Bakit kailangan pa namin maghawak ng kamay?
"H-Harold," Utal kong sabi.
"O?" Sagot niya ng hindi man lang lumilingon sa akin.
"Y-Yung k-kamay ko."
This time, tumingin na siya sa akin. At talagang nang-aasar pa si kupido dahil nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis. "Ito ba?" Tanong niya sabay taas ng kamay naming magkahawak. "Ayaw mo kasi ako hintayin kaya mas maganda na ito para sabay tayong maglakad." Sabi niya at kumindat pa ang loko! Juiceko! Harold! Ano ba ang trip mo ngayon? Gusto kong itanong iyan sa kanya pero nahihiya ako. Baka kung ano pa ang sabihin niya sa akin.
Pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante dahil sa magka-holding hands kami. Gusto ko ng lumubog sa sobrang hiya. "Yiiee, kayo na ba?" Nagulat ako sa nagsalita sa likuran namin. Kakapasok lang kasi namin sa gate ng eskwelahan namin. Si Angel pala ang nagsalita.
"Hi-Hindi no!" Tanggi ko.
"Hahaha!"
Nagtaka ako ng tumawa si Angel. Bakit ang weird ng mga tao ngayon? "Pupunta na ako sa room ko." Paalam ko at kumawala na sa pagkakahawak ni Harold sa kamay ko. Diretso ko lang tinungo ang daan papunta sa direksyon ng klase ko. Hindi ko na sila nilingon pa dahil nahihiya na ako ng sobra. Pero isa lang ang narinig ko sa sinabi ni Harold. "Ang ingay mo naman."
Ano ba ang problema nila? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanila?
______
CessNote: Ako ma'y naguguluhan din. Pfft!
