Entry #21

184 8 0
                                    


Dear Diary,

Bakit may mga mapanirang tao? Sinisiraan nila ako sa bestfriend ko sabi nila ayoko na daw makasama siya at naiirita raw ako tuwing umaaligid siya sa akin. Sobrang sama nila Diary, hindi naman totoo iyon eh. Sabi sabi lang nila yun para lumayo sa akin si Kerstein palibhasa may gusto sa kanya ang naninira sa akin si Chris. Malaki ang inggit niya sa akin dahil close kami ni Kerstein kaya kung ano anong kwento ang ginagawa niya para lumayo ang loob sa akin ni Kerstein.

Hanggang ngayon Diary hindi pa ako pinapansin ni Kerstein. Kapag lumalapit ako sa kanya ay lumalayo siya. Bakit gan'on Diary? Dati, okay lang naman sa akin na hindi ako kinakausap ni Kerstein pero ngayon parang ayaw ko nang malayo siya sa akin. Kakausapin ko ulit siya bukas. Sana makinig na siya.


It's me

Harold


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon