Kerstein

154 8 0
                                    


Nabigla ako nang umamin si Harold sa'kin. Gusto RAW niya ako! Hindi ko talaga alam kung seryoso ba talaga siya. Dati sa text lang niya ito sinabi and now, sa personal na. Sa bibig niya mismo ko narinig na gusto niya ako. Siyempre kinikilig ako. Gusto ko rin siya matagal na. Ilang beses ko na bang nabanggit dito? Ahh basta, marami na. Pero sa kanya ay hindi ko pa inaamin. Mutual na kaya ang feelings namin?


Isa pa pala sa iniisip ko, Si Chris. Pumunta siya sa bahay namin at nagpaalam kay mama na manliligaw raw siya sa'kin. Gaano ba ako kabait noon at dalawa na ang manliligaw ko? Ang haba na ng hair ko. Hindi pa man officially nanliligaw si Harold sa'kin pero nafifeel ko na doon na rin papunta iyon. O sadyang assuming lang ako?


Alam ko naman sa sarili ko na si Harold ang gusto ko simula pa noon. Pero ayoko namang masaktan si Chris. Sino ba ang pipiliin ko? Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko at tamang soundtrip lang. Naguguluhan pa ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Bakit ba kasi nagsabay pa sila? Sinabayan ko ang kanta na tumutugtog ngayon. Bagay kasi sa'kin ito. Tamang-tama.


  -Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari-


Tama, isa lang dapat ang piliin ko sa kanila. Hindi ko sila pwedeng pagsabayin.



-Alam mong narito ako
Lagi para saiyo
Mahal kita ng labis
Ngunit iba ang iyong nais-


Palagi akong nasa tabi ni Harold kahit na alam kong may gusto siya kay Angel. Sinubukan kong umiwas at mag give way sa kanila. Pero hindi ko talaga kayang matiis si Harold.


-At sya'y narito alay sakin wagas na pag-ibig
Nalilitong litong litong lito-


-Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O, sya bang kumakatok sa puso ko-

-Oh, anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?
Nililitong litong litong lito... -a

-Sinong pipiliin ko...
Mahal ko o mahal ako?-


Nalilito talaga ako, dahil si Chris. Palagi siyang nand'yan sa tabi ko. Palagi niya akong pinapasaya. Kahit palagi ko siyang binabara, inaaway, kung minsan nasasaktan ko pa physically. Hinarap niya si mama at buong tapang na sinabi na liligawan niya ako.  Hindi naman nagalit si mama. Natuwa pa nga siya dahil nagpaalam ito sa kanya.


-Kahit di ako ang mahal mo
Kung mananatili ako sayo
Ay baka matutunan mo rin
Na ako'y iyong ibigin-

-At kung sadyang sya'y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin sya-


Palagi akong nasa tabi niya. Kahit ngayon na alam kong hanggang kaibigan lang ako sa kanya. Friend zone kumbaga. Kahit nasasaktan na ako kapag binabalewala niya lang ako, palagi pa rin akong nand'yan sa tabi niya. Kahit na binibiro niya ako sa mga salita niya, kahit kinikilig ako e hindi ko pinapahalata dahil alam kong hindi siya seryoso. 


Kabaliktaran naman ang lahat ng ito kay  Chris. Wala ako palagi sa tabi niya. Ngayon alam ko ng may gusto siya sa akin. Ligaw portion na nga. Kahit na nasasaktan ko siya ay hindi niya ako iniiwan. Alam kong seryoso ang mga sinasabi niya pero ginagawa kong biro. Hindi ako kinikilig. Kung minsan pa, nagagalit ako. What if siya ang pagbalingan ko nitong nararamdaman ko para kay Harold? Magiging masaya kaya ako?


-Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O, sya bang kumakatok sa puso ko-

-Oh, anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?
Nalilitong litong litong lito... -

-Sino pipiliin ko?

Ang nais ko ay maranasan ang umibig...
At masuklian rin ng pag-ibig-

Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O, sya ba... (o, sya ba...)

Oh, anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?

Nalilitong litong litong litong litong litong lito...

Sinong pipiliin ko?

Mahal ko o mahal ako?  -


Nalilito na ako. Sino ba sa kanila? Si Harold na mahal ko, o si Chris na mahal ako?


_____

A/N: Click niyo po yung video maganda yan.. :)


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon