Harold

104 4 0
                                    




Natulala lang ako sa  hawak ko. Ito yung diary ko ah! Matagal ko na itong hinanap nasa kanya lang pala. At ano yung sinabi niya kanina? Mahal ko lang siya dahil kaibigan ko siya? Paano niya nasabi iyon? 'Wag mong sabihing binasa niya ito? Pero kung nabasa niya nga ito, dapat alam niya na mahal ko siya at gusto ko siyang ligawan.


"Kerstein!" Tinawag ko siya kung kailan nakalayo na siya. "Bopols mo Harold! Bakit 'di mo habulin?" Para akong siraulong kinakausap ang sarili. Epekto nga naman ng pag-ibig.


Gusto ko malaman kung nabasa nga niya ito. Dahil kung oo eh malamang alam na niya ang sikreto ko at malamang din na alam na rin niya na liligawan ko siya. Pero bakit iba yung inasal niya kanina? Hay, hindi ko ma-explain! Bakit ba kasi ang hirap paamuhin ng mga babae?


Tumakbo ako sa tinakbuhan ni Kerstein para sana habulin siya. Malayo-layo na rin ang natakbo ko nang matanaw siya sa di kalayuan. Nakita kong may lumapit sa kanya. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Chris iyon. Nag-usap muna sila saglit. Kita ko 'yun base sa mga galaw nila. Mayamaya pa ay sabay silang umalis. Bakit? Si Chris na ba ang pinili niya, dahil tingin niya ay mahal ko lang siya bilang isang kaibigan?


Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo. Napatingin ako sa hawak ko at may napansing papel na nakaipit sa pahina nito. Binuklat ko ito. "Kay Kerstein ito Ah!" Sabi ko sa sarili. Isa itong sticker na tinkerbell. Mahilig siya sa fairy na iyon. Maliit na babaeng may pakpak, dilaw ang buhok at kulay green ang suot. Ewan ko ba pero cute na cute siya rito.


"Shit!" Naibulalas ko nang mabasa kung anong entry nakaipit yung sticker niya. Naalala ko na naman yung sinabi niya. "Salamat pala sa pagmamahal kahit na alam kong hanggang kaibigan lang iyon."


Dahil ba dito kaya niya nasabi iyon??


Kailangan ko ipaliwanag ang lahat. Kailangan din niyang mabasa ang lahat ng entry na nakasulat dito. Wala naman na akong maitatago sa kanya. Kaya para saan pa ang hiya ko diba?


Sana lang pakinggan niya ako.








.....


Naglalakad ako papunta sa bahay nila Kerstein nang may makasalubong akong dalawang babae. Nag-uusap sila. 'Di ko naman sadya na mapakinggan ang pag-uusap nila. Ang lakas kasi.





"Alda, ang sweet nila 'no?" sabi nu'ng isang babae sa kasama niya.


"Oo nga eh! Sana may manligaw rin sa'kin na ganu'n ka-sweet." Sabi nu'ng Alda.


"Pero alam mo, kilala ko yung lalaki eh!"


"Talaga Tracy? Sino yun?" Sabi nu'ng Alda. Tracy pala pangalan ng kasama niya..





'Di ko alam pero may naguudyok sa'kin na pakinggan yung pag-uusap nila. Lumapit pa ako ng konti para madinig sila. Nasa unahan ko sila naglalakad kaya binagalan ko yung lakad ko.


"Si ano 'yun. Si Chris. Di ba kilala mo rin 'yun?" Sabi nu'ng Tracy.


"Oo. Sabi ko na nga ba kilala ko iyon eh. Si Chris nga."


"Sino yung kasama niya?"


"Kerstein pangalan nu'n."


"Pa'no mo nakilala?"


"Classmate siya ng pinsan ko. Siya din yung naguidance dahil sa nangyaring gulo sa canteen noon."


Magkasama pala sila? Naikuyom ko ang mga palad ko. Si Chris na ba?


"Tanda mo pa 'yun? Tagal na nu'n ah."


"Hmm. Ang sweet talaga nila sa park kanina."


Pagkasabi nila kung saang lugar sila Kerstein nandoon ay mabilis akong tumalikod para puntahan sila Kerstein. Naninikip ang dibdib ko. Parang sasabog. Kailangan niya munang malaman kung ano ang laman ng diary ko bago siya mamili sa aming dalawa.

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon