Harold

81 4 0
                                    

"Ang ingay mo naman!" Suway ko sa kaniya. Napaka-ingay talaga nitong babaeng 'to.

"Hahaha! Sorry naman," natatawang sabi niya, Kahit kailan talaga ito. Napailing na lamang ako. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito nagustuhan noon. When in fact na napakakulit at may pagkakalog din pala kapag nakasama mo na.

"Bakit ba kasi hindi mo pa sabihin?" Napatingin ako sa kan'ya. "Umamin ka na kasi," dugtong niya pa.

"Nato--"

"Natotorpe ka? Hahaha!" Hinampas pa niya ang braso ko. Sadista talaga 'to. "Hindi na uso ang ganiyang istilo ngayon. If you love her, fight for her. Tell her na you love her."

"How can I tell her?" Takte. Napapa-english ako!

"Simpleng pag-amin hindi mo magawa? Come on, mauunahan ka pa ng iba. Ikaw rin," psh! Tinakot pa ako.

"Tinatakot mo ba ako?" Pero nakaramdam ako ng takot. Totoo.

"Hahaha! Nagsasabi lang ako ng totoo. Who knows 'diba?" Pagkasabi niya no'n ay iniwan na niya akong tulala.

Sira talaga 'yung babaeng 'yon. Tama bang takutin ako? Bakit ba kasi natotorpe ako? Wengya! Kay Angel noon 'di naman ako ganito. Pero bakit kay Kerstein?

'I-text ko kaya siya.' Kanina pa 'ko nagdadalawang isip kung magte-text ako kay Kerstein at sabihin na ang totoo.

Kasalukuyan akong nakadapa sa kama ko ng tumunog ang cellphone ko. Naramdaman ko ang butil-butil na pawis na namumuo sa noo ko. 'shit, si Kerstein tumatawag!' Kinakabahan ako! 'Teka, anong sasabihin ko?' Ang daming bagay ang naiisip ko. "Takte!" Sinagot ko na ang tawag niya bago pa ito mamatay.

"H-hello." Nanginginig ang boses ko. Sana hindi niya mahalata.

"Hello, Harold? Kukunin ko lang sana 'yung notebook ko na hiniram mo. May gagawin kasi ako."

"Yun ba? Isa-sauli ko na lang bukas pagpa--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

"A, hindi. Kukunin ko na ngayon." Sabi niya. Ngayon na pala niya kukunin. What? Ngayon? "Ahm... tatlong bahay na lang ang layo ko sa bahay niyo. Tumawag lang ako para sabihin na papunta na 'ko." pagpapatuloy niya.

Naknang! "S-Sige. Hintayin kita."

'Di ko na siya tinapos magsalita at ibinaba na ang tawag. Agad akong pumunta sa salamin para sumulyap kung okay ba ang damit ko, o kung may dumi ba sa mukha ko.

Ilang saglit lang ay umakyat si Mama para sabihing nasa baba na si Kerstein. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Ganito ba talaga ang feeling kapag magsasabi ka na ng feelings mo? Para akong bakla sa ginagawa ko!

"K-kanina ka pa?" Ang tangang tanong. Obvious naman na kadarating lang niya. Nate-tense ako!

"Hindi. Kadarating ko lang. Nasaan na pala 'yung notebook ko?"  Oo nga pala, naiwan ko pa sa taas. Nata-tanga na ako sa sobrang kaba.

"Sandali lang. Kukunin ko muna sa taas." Paalam ko sa kaniya. Bakit ba kasi hindi ko pa dinala kaninang pagbaba ko?

"Sige."

Halos liparin ko na ang kwarto ko sa taas sa sobrang pagmamadali. 'Saan ko nga ba nailagay iyon?' Napakamot ako sa batok ko. "Alam ko dito ko lang nailagay 'yon." bulong ko sa sarili habang iniisa-isa ang mga notebook na nakapatong sa lamesa ko.

"Nandiyan ka lang pala." Para akong tangang  kinakausap ang notebook.

Pag-angat ko ng notebook ni Kerstein ay may nalaglag na nakatuping papel. "Ano 'to?"

Dahil sa kyuryosidad ay binuksan ko iyon. Papel siya na nakatupi sa apat at may nakasulat.

Tila hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Totoo ba itong nakikita ko?

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon