Kerstein

105 5 0
                                        







Dinala ako ng mga paa ko sa park. Ewan ko pero dito ako napatakbo. Gusto ko lang naman na lumayo muna kay Harold. Pagkatapos kong ibalik sa kanya yung diary niya. Masakit man isipin pero kailangan tanggapin. Hanggang kaibigan lang ako sa kanya. Wala ng ibang meaning ang pagmamahal niya. Para lang iyon sa isang kaibigan.


Mahal ko siya, oo. Pero kahit na alam kong hindi niya ito kayang suklian, minamahal ko pa rin siya. Martyr na kung martyr, gano'n ako e. Naupo ako sa isang bench malapit sa akin. Nakaramdam ako ng pagod eh.


Napabuntong hininga ako. Sobrang dami kong iniisip. Ilang minuto rin akong tulala sa kawalan. Napatingin ako sa gilid ko dahil may napansin akong nakatayo doon. Tiningnan ko siya. Si Chris lang pala.


"Mag-isa ka na naman?" Bungad niya sa akin.


'Di ko siya pinansin. Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa malayo. Ang dami pa ring gumugulo sa isip ko. Ayokong makasakit. Napatingin ulit ako sa kanya nang umupo siya sa tabi ko. "May gusto sana ankong sabihin sa'yo." Umpisa niya. Binalik ko ulit ang tingin ko sa malayo. Hinihintay ko lang na magsalita siya. Wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Naguguluhan pa rin ako sa sitwasyon ko.


"Alam kong nahihirapan ka." For the nth time napalingon ulit ako sa kanya.


"Huh?" Tanging nasambit ko. Ano ba ang gusto niyang iparating sa akin?


"Nahihirapan ka sa pagpili sa amin ni Harold. Pansin ko naman na gustong-gusto mo siya eh."


"A-Ano bang ibig mong sabihin?"


"I give up." Sabi niya ng nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Natulala lang ako sa sinabi niya. "Ipinapaubaya na kita sa kanya. Ayokong maging hadlang sa inyo, dahil pansin ko rin na gusto ka ni Harold. Hindi lang pala gusto, mahal ka na niya. Bago pa ako pumasok sa buhay mo." Dagdag niya. 'Di ko alam pero naluluha ako. Tears of joy ba ito?


Tumawa siya ng mapakla. Alam kong hindi totoo ang tawa niya dahil kita kong may namumuong luha rin sa mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Ganoon naman talaga dapat di ba? Kapag mahal mo ang isang tao, handa mong gawin ang lahat ng bagay maging masaya lang siya. Kahit pa, ang ipaubaya ito sa iba." Hindi na siya makatingin sa'kin. Alam kong nasasaktan din siya.


Pinunasan ko ang pisngi ko bago siya yakapin sa likod. "Sshh. Bakit umiiyak ka? Ginagawa ko nga ito para maging masaya ka, hindi para maging malungkot." Narinig kong sabi niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. "Tandaan mo, kapag sinaktan ka ng kumag na iyon, babawiin  kita."


Tumango lang ako sa kanya. Feeling ko naputol ang dila ko. Hindi ako makapagsalita. 'Di ko na namalayan na nakaharap na siya sa akin. Ito ang unang beses na nayakap ko siya. Laking pasasalamat ko sa taong ito dahil naiintindihan niya ako. At hindi siya nagsasawang intindihin ako.


"Wag ka nang malungkot. Sabihin mo na ang nararamdaman mo para sa kan'ya."


"K-Kaibigan lang naman ang tingin niya sa a-akin." Nauutal na sabi ko dahil sa pag-iyak.


"Hahaha." Napaangat ako ng tingin sa kanya dahil bigla itong tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nangunot ang noo ko dahil doon.


"Bakit tumatawa ka?"


"W-wala. Sa'n mo pala nakuha 'yang sinabi mo? Na kaibigan lang ang tingin niya sa'yo?" Natatawa pa ring sabi niya.


"Sa... sa diary niya." Napayuko ako nang sabihin ko iyon. Alam kong sikreto lang dapat iyon. Pero wala na talaga akong maisip na dahilan.


"Pfft.. Diary? May diary si Harold? Hahaha!" At tumawa na nga siya ng tuluyan.


"'Wag ka maingay! Secret lang 'yon ehh.." Saway ko sa kanya. Baka kasi may makarinig eh.


"Hahaha! Okay. Okay. Tatahimik na." Sabi niya na may pagsaludo pa ng kamay.


Napabuntong-hininga na lang ako.


"Pero may diary talaga siya? B-" Tiningnan ko siya ng masama kaya 'di niya natapos kung anuman ang sasabihin niya.


Pagkatapos ng eksenang iyon ay wala na ulit nagsalita sa amin. Hanggang sa nag-yaya na akong umuwi.


Habang naglalakad kami pauwi ay hindi rin matigil ang kakadaldal nitong kasama ko.


"Lulubusin ko na ito."


"Yung ano?" Takhang tanong ko.


"Itong paghatid ko sa'yo pauwi ngayon."


"BAkit naman?"


"Kasi one day, hindi ko na ito pwedeng gawin pa."


"Bakit naman?"Tanong ko ulit.


"Siyempre, si Harold na ang gagawa nito. DAhil magiging boyfriend mo na siya."


"Ngek!"


"Hahaha! Oo nga. "


Napapangiti ako sa ideyang iyon. Mangyayari kaya 'yong iniisip niya?


"Sira." Yun lang ang tanging nasabi ko. "Sige. SAlamat pala sa paghatid." Paalam ko sa kanya. Nasa tapat na kasi kami ng bahay namin.


"Sige. Basta tandaan mo yung sinabi ko sa'yo ah. Bye!"


"Opo. Bye!" Huling sabi ko bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin.


Paano ko nga ba haharapin si Harold? Sana nga totoo yung sinabi ni Chris na mahal ako ni Harold, higit pa sa isang kaibigan.





________


Ate Cess Note: Sana ay maibigan ninyo ang kabanatang ito. Ngayon lang kasi ako sinipag sa paggawa ng kabanatang ito. Sana po ay subaybayan pa ninyo ang nalalapit na pagtatapos nito.

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon