Harold

82 3 0
                                    



Paulit-ulit kong binabasa ang nakasulat sa papel na hawak ko. Simula ng umalis si Kerstein ay hindi pa ako umaalis sa pagkakaupo sa kama ko. Hawak-hawak ko ang papel na naiwan niya sa akin. Ang papel na naglalaman ng nararamdaman niya para sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba ang lahat ng nababasa ko? Mahal niya rin ako?

Dear Diary,

Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Harold ang nararamdaman ko. Natatakot kasi ako sa maaari niyang isagot. Baka isipin niya na assuming ako. Diary, matagal ko ng gusto si Harold...mahal ko na pala siya. Nagsimula ito noong mga bata pa kami. Siya lang kasi ang palagi kong kasama kaya nasanay na akong nandiyan siya sa tabi ko. Simula ng mapalapit siya kay Angel ay nabawasan ang oras niya sa'kin. Alam kong selfish ako dahil gusto ko, sa akin lang ang oras niya, ako lang ang kasama niya, sa akin lang siya. Hay! Ang hirap nito. Si Chris naman ay nagpaubaya na. Ayaw raw niya akong nahihirapan kaya hindi na niya ako kinukulit. At sabi pa niya na mahal daw ako ni Harold. Pero hindi naman ako naniniwala dahil nabasa ko sa diary niya na mahal lang niya ako bilang kaibigan. KAIBIGAN. Ang sakit lang! Ako kasi, mahal siya higit pa sa isang kaibigan. Paano ko ba sasabihin sa kan'ya ang nararamdaman ko? Paano ko ipapakita sa kan'ya na mahal ko siya... Kung palagi niyang kasama si Angel? Gusto kong maniwala sa kan'ya na mahal niya rin ako pero paano? Kung paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko na kaibigan lang ang tingin niya sa'kin. Naiiyak ako kapag naaalala ko iyon. Masakit talagang magmahal, lalo na kung hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa'yo.

-Kerstein

Binasa na nga niya 'yung diary ko, hindi pa tinapos. Napapangiti na lang ako habang binabasa ulit ang sulat niya. Pang-limang beses ko na yata itong binasa. Kung may makakakita man sa'kin ngayon, baka isipin nila na nasisiraan na ako ng ulo. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Oo na, paulit-ulit na 'ko.

Itinupi ko ulit itong papel at inilagay sa drawer ko. Nakaramdam na kasi ako ng antok. Bukas, aagahan ko ang gising para sunduin si Kerstein. Tutal naman nagparaya na si Chris kaya ako na lang ang maghahatid at magsusundo sa kan'ya. Uumpisahan ko na ang panliligaw ko.

**

"Tita, good morning!" Masiglang bati ko sa magiging future mother-in-law ko. Yeah. Totohanin ko na ito!

"Good morning din. Ang aga mo yata?" Takhang tanong niya. Sino ba namn ang hindi magugulat eh, alas sais pa lang ng umaga nandirito na ako. Samantalang eight o'clock pa ang pasok namin.

"Si Kerstein po pala?" napakamot ako sa batok ko. Nate-tense ako!

"Naku, tulog pa. Ang aga mo naman kasi. Hala at akyatin mo na iyon. Ikaw na ang gumising para makapag-asikaso na siya ng maaga." at ipinagtulakan na nga ako sa loob.

Mabait talaga itong si Tita. Tinuturing na rin niya akong anak. O 'di ba, puwedeng-pwede na talaga kami.

Nakatapat na ako sa kuwarto niya. Kinakabahan ako! Shet! Hingang malalim, Harold. Para akong sira. Kinakausap ko ang sarili. Dahan-dahan kong iniangat ang kanang kamay ko para sana katukin  si Kerstein sa loob.

Nagulat ako nang biglang bumikas iyon. Para akong naninigas sa kinatatayuan ko. Bumungad sa akin si Kerstein na kakamot-kamot pa sa ulo. Binaba ko agad ang kamay ko na nakataas sa ere at binati siya, "Hi" pigil-pigil ko ang gustong kumawalang halakhak dahil sa itsura niya ngayon; gulo-gulo ang buhok at humihikab pa.

Tila yata natauhan siya at dali-daling isinara ang pintuan sa pagitan namin.

Ilang sandali pa'y bumikas ulit ang pinto. "Harold anong ginagawa mo diyan? Dapat sa baba mo na lang ako hinintay." Patay-malisya niyang sabi.

"May sakit ka ba?" alalang tanong ko at akmang hahawakan ang mukha niya na agad naman niyang tinapik ang kamay ko.

"B-bakit?"

"Namumula kasi iyong mukha mo. Baka may sa-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang unahan niya ako.

"Wala 'to! Tara na nga sa baba."

Mabilis ang paglalakad na ginawa niya hanggang makarating kami sa kusina. "O, mabuti at nagising ka na. Si Harold lang pala ang makakapagpagising sa'yo." Natatawang sabi ni Tita.

"Ma, gising na 'ko ng dumating si Harold."

Hanggang ngayon ay hindi pa niya ako kinikibo. "Halika Harold, kumain ka muna bago kayo pumasok." Alok sa akin ni Tita. Hindi pa kasi ako umuupo simula nang dumating kami sa kusina ni Kerstein. Samantalang siya ay nangangalahati na sa kaniyang kinakain.

"Tita, mauna na po kami." paalam ko sa mama ni Kerstein nang makitang bihis na siya. "Tara na," hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at hinila na siya papalabas ng bahay nila. Marami pa akong dapat malaman at marami pa rin akong dapat sabihin.

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon