Entry #6

327 14 0
                                    


Dear Diary,

May practice ng cheering si Angel kanina hindi talaga ako umalis ng court at pinanood ang practise nila. Tinext ko si Kerstein para samahan ako manood kaya lang ang dami niyang excuses. Napapaisip nga ako. Ngayon nagkaroon ako ng isa pang kaibigan na babae e mawawala naman ang kauna-unahang babae na naging kaibigan ko. Tinatanong ko siya kung may nagawa akong mali kaya siya umiiwas palagi niyang sagot "Hindi naman kita iniiwasan.. Marami lang akong ginagawa." Kahit wala naman siyang ginagawa yung palagi ang dahilan niya. Hindi ko siya kasabay umuwi at nagpapasalamat ako dahil sumabay sa akin si Angel kanina. Malapit lang pala yung bahay nila sa amin tatlong kanto lang ang layo. Magandang pangitain na ito para mas lalo pa akong mapalapit sa kanya. Ano sa tingin mo Diary?


It's me

Harold


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon