Ngayon na ang araw ng graduation namin. Tinitingnan ko ang sarili sa salamin at napangiti. Nakaayos na rin ako suot ang puting toga. Naka mini-dress ako sa loob nito dahil kakain daw kami sa labas pagkatapos ng graduation.
"Kerstein bilisan mo na at nandito na si Harold!"
Narinig kong kumatok si mama sa pinto ng kuwarto ko. "Opo tapos na."
Agad kong dinampot ang maliit na bag na dadalhin ko. Cellphone lang naman ang laman nito, face powder at liptint. Binilisan ko ang lakad para mahabol si mama na pababa na ng hagdan.
"Nandiyan na si Harold kausap ang papa mo." Oo pala. Umuwi si papa galing abroad. Sobrang na-appreciate ko ang pag-uwi ni papa. Gusto raw umattend sa graduation namin.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
Tumayo sila pareho pagkakita nila sa amin ni mama.
"Tumawag na 'ko ng taxi sa labas. Bilisan niyo na." sabi ni papa at tinungo na niya ang pinto palabas.
Naiwang nakangiti si Harold sa sala habang nakatingin sa'kin. "Ang ganda mo naman." Ngiting bati niya sa akin ng makalapit ako sa kaniya. Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko. Nahiya naman ako dahil nandito pa si mama sa harap namin. Tiningnan ko si mama at nakangiti lang siya sa aming dalawa ni Harold. Botong-boto talaga siya sa amin.
"Ano palang pinag-usapan niyo ni papa?" Curious na tanong ko sa kaniya at hindi na pinansin ang papuri niya sakin.
"Boys talk. Father and son." Sabay kindat niya sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at tinawanan niya naman ako. "Ano nga?" Pangungulit ko pa.
"Wala yun! Sa aming dalawa nalang ni papa 'yon." Natatawang sabi niya.
Tumahimik nalang ako dahil alam kong wala naman akong mapapala kung kukulitin ko siya. Knowing Harold, hindi niya talaga sasabihin kapag sinabing secret.
"Huwag ka nang mag-isip pa riyan." Pagkuwang bulong niya sakin. Naramdaman yata niyang nanahimik ako rito. Sakay na kami ng taxi na tinawag ni papa kanina. Sa passenger seat si papa at napapagitnaan ako ni mama at Harold.
"Nasaan na pala sila Elizabeth,Harold?" Pagtukoy ni mama sa parents ni Harold.
"Papunta na rin daw po sila." Baling ni Harold kay mama pagkatapos niya tumingin sa cellphone niya. Katext niya siguro ang mga magulang niya.
Only son lang si Harold at katulad ko ay only daughter lang din ako. Hindi na kami nagkaroon pareho ng kapatid dahil na rin siguro parehong nasa abroad ang mga tatay namin. Kaya naging close kaming dalawa dahil na rin pareho kaming walang kapatid.
Nakarating na kami dito sa campus. Nakita namin ang mga magulang ni Harold na naghihintay sa amin. Nilapitan namin sila at humalik si Harold sa mama niya at nagmano sa papa niya. Nilapitan ko rin sila, niyakap ako ng mama ni Harold at hinalikan sa pisngi. Si Tito naman ay nginitian ako matapos ko magmano sa kaniya. Tiningo namin ang malawak na stadium. Doon gaganapin ang graduation naming mga high school.
Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Chris na kasama ang parents niya at pati si Angel na kasama ang lola niya. Magkakasama ang mga ito na tila nag-uusap. Kaya napaisip din ako kung ano ang status nitong dalawa. Hindi ko na iyon inintindi dahil baka mali ang iniisip ko at tanging magkaibigan lang silang dalawa.
"Angel!" tawag ni Harold sa kaniya. Agad naman napukaw nito ang atensyon nila Angel kaya nakangiti nila kaming sinalubong.
"Hi!" Masayang bati ni Angel sa amin. "Hello po tita, tito." Bati pa nito sa mga magulang namin at magalang na nagmano. Gano'n din ang ginawa namin ni Harold sa mga magulang nila.
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Teen FictionPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
