Nakaalis na sila Kerstein at naiwan nalang kami ni Angel dito na magkasama. Dahil sa mga sinabi niya kanina ay mas lalo akong humanga sa babaeng ito. Bibihira sa panahon ngayon ang babaeng conservative. Kaya pala ganon ang reaksyon niya kanina sa may sinehan. Parang mga tanga naman kasi yung couple na nasa harapan namin o kung couple nga ba talaga sila. Tama bang sa sinehan maghalikan? Madalim doon pero dahil nasa harapan namin sila ay kitang kita namin sila. Horror pa man din ang palabas. Dapat sa pinakasulok sila pumwesto kung ganon lang din pala ang gagawin nila.
Tahimik si Angel ngayon. O baka dahil tahimik lang din ako? Wala kasi ako masabi. Parang nahiya ako bigla sa kaniya dahil sa sinabi ko kanina.
"Angel, hatid na kita?" putol ko sa katahimikan.
Nilingon naman niya ako at tumango lang sakin. Ang awkward!
"Sige dito na ang bahay ko. Salamat, Chris!" Tinuro niya ang brown na gate sa gilid namin.
"Kita nalang tayo sa monday. Hindi ako makakanood ng practice nyo bukas. May lakad kasi kami nila mama."
"Naku, okay lang 'yon!" Hinampas pa niya ang balikat ko. Hindi naman malakas tama lang para mabago yung awkwardness sa paligid.
"Sa monday nalang ha? Alis na ko. Wag mo ko mamiss ha?" Biro ko pero ang isip ko ay tinatalo ako. Baka ikaw ang makamiss?
"Sira! Hahaha! Sige na. Bye!" At pinagtulakan na niya ako.
Ang lawak pa ng ngiti ko at kumaway pa sa kaniya papalayo. Mas una kasing madadaanan ang bahay nila kapag galing SM. Pero kapag sa school ay bahay namin ang malapit.
--
Nakarating ako sa bahay at cellphone ko agad ang hinanap ko. Hindi ko kasi nahawakan ito maghapon. MAsyado akong nalibang sa paggagala namin at pagtitig sa kaniya.
Unang bumungad na text message ay kay Kerstein.
From Kerstein:
May gusto ka kay Angel no? Yiieee Bagay kayo!
Natawa ako sa text niya. Ganon na ba ako ka-transparent at nakita niya? Ibig sabihin kita rin ni Angel ang nararamdaman ko sa kaniya? Imposible naman. Napailing nalang ako at nireplyan si Kerstein.
To Kerstein:
Hahaha halata ba ko masyado? :D
Binuksan ko naman yung text ni Angel sakin.
From Angel:
Salamat sa time mo! :*
Nanlaki pa ang mata ko at naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Shet! Bakit may kiss?
Bago ko pa mareplyan si Angel ay tumunog ulit ang cellphone ko. Tumatawag si Kerstein sakin. Agad ko iyong sinagot. Mamaya ko nalang rereplyan si Angel.
[Alam mo bang bagay kayo?] 'yan agad ang bungad niya sakin pagkasagot ko ng tawag.
"Wag ka naman maingay diyan!" Suway ko sa kaniya. Ang lakas kasi ng boses.
[Ako lang naman mag-isa rito sa kuwarto kaya okay lang kahit sumigaw pa ko!]
Inilayo ko pa ang cellphone sa tenga ko dahil sa pagsigaw niya. Pasaway talaga 'to. Pero kanina ang tahimik lang niya.
"Oo na. Basta wag mo nalang ipagsabi sa iba."
[Hala! Pano si Harold?]
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong meron kay Harold?" tanong ko.
[Si Harold ang may sabi sakin niyan. Sabi niya lalake siya at alam niya daw 'yon.] paliwanag pa nito. [So, anong balak mo?]
Napaisip naman ako ako. Ano nga bang balak ko? "Hindi ko pa alam." Wala pa kong naiisip na gagawin.
[May practice sila bukas manonood ka?]
"Hindi. May lakad kasi kami nila mama. Ikaw ba?"
[Hindi na ko pinapaalis ni Harold ng bahay. Pupunta nalang daw siya rito pagtapos ng practice nila.] Narinig ko pa siyang nagbuntong hininga sa kabilang linya. [Sige Chris, ibababa ko na 'to. Nagtext kasi si Harold baka tumawag siya at hindi ako makontak haha] Paalam niya.
"Sige. Bye." Hindi na niya narinig ang sinabi ko dahil ibinaba na niya agad ang tawag.
Nagbalik ako sa text ni Angel at nireplyan na rin siya.
To Angel:
Anything for you :*
Nilagyan ko rin ng kiss para fair.
Natapos ang hapunan namin at same routine lang naman. Naligo na muna ako bago humiga sa kama. Dinadalaw na rin ako ng antok. Kanina ko pa sinisilip yung cellphone ko pero wala pa ring reply si Angel. Baka nakatulog na rin 'yon kaya nama ipinikit ko na rin ang mga mata ko dahil kanina pa ko nakakaramdam ng antok.
--
Tiningnan ko ang wall clock dito sa bahay ng tita ko 1pm na pala. Wala pa rin text si Angel. Nag-good morning na nga ako sa kaniya kanina at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin text niya sakin. Baka naman walang load? Pasahan ko kaya? Napaigtag ako sa gulat dahil may kumalabit sakin. Nilingon ko ito, yung pinsan ko lang pala.
"Kanina pa kita nakikita na tumitingin tingin dyan sa cellphone mo, may hinihintay ka bang tawag?"
Nandito kami sa bahay ng pinsan kong si Angelica. Birthday kasi ng kapatid niyang bunso kaya pumunta kami nila mama rito.
"Wala naman." Pagsisinungaling ko sa kaniya. Hindi kasi ito titigil ng kakatanong kapag sinabi ko ang totoo.
"Okay." Kahit mukhang hindi siya naniniwala ay hinayaan nalang niya ako. "Nga pala, sabi ni mama doon na ko mag-aaral sa University nyo sa sunod na pasukan." Nakangiting sabi niya sakin.
"Okay." Walang ganang sabi ko. Hindi rin naman ako interesado.
Ininum ko 'yung juice na hawak ko at hindi na siya pinansin. Pero na samid ako sa sunod na sinabi niya. "Doon daw ako titira sa inyo." Naubo ako sa pagkasamid kaya agaran niya akong inabutan ng tubig at hinimas himas ang likod ko. "Okay ka lang?" May pag-aalala sa tono ng boses niya.
Mahina kong hinawi ang kamay niya na nasa likod ko. "Ayos na 'ko." Inubos ko yung tubig na inabot niya sakin at kinuha naman niya ang baso sa kamay ko pagkatapos ko uminom. "Seryoso ba talagang sa bahay ka titira?" Pagkumpirma ko pa.
Tinanguan lang niya ako. Hindi na ako nagsalita pa. Baka magbago pa ang desisyon nila may 2 months pa naman bago matapos ang klase at graduating na rin kami sa high school.
--
Nakahiga na ko sa kama dito sa kuwarto ko. Matutulog na sana ako nang may mag text sakin. Agad ko naman kinuha ang cellphone ko at napangiti ng makitang si Angel ang nagtext.
From Angel:
Sorry now lang nakapagreply. Busy kasi sa practice kanina. Malapit na ang laban kaya dapat pulido na lahat para bukas ay makapagpahinga kami bago ang laban.
To Angel:
Okay lang. Busy rin ako kanina.
Anong busy, Chris? Kanina ka pa nga di mapakali at silip ng silip sa cellphone mo kung nagtext na ba si Angel sayo!
From Angel:
Good night na pala. Napagod talaga ako sa practice. See you tom! :*
To Angel:
Goodnight!
Nakangiti ako na nakatitig sa text niya sakin. 10minutes ko pa yata itong tinitigan. May kiss na naman kasi yung text niya. Kahit gusto ko pa titigan nang matagal itong cp ko ay hindi ko na nagawa dahil kusa ng pumikit ang mga mata ko.
--
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Fiksi RemajaPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
