Kerstein

174 9 0
                                    


Bakit ganun magsalita si Harold? Alam kong niloloko na naman niya ako dahil hindi lang ito ang unang beses na sinabihan niya akong mahal niya daw ako. Naaalala ko pa nu'ng first time na sabihin niya ang word na yun ay 1st year high school palang kami. Naniwala ako sa kanya dahil at first, gusto ko na siya nang mga panahong iyon. Tapos sasabihin niyang mahal din niya ako syempre pinaniwalaan ko siya at dumating yung time na pinagti-tripan ako ng mga kaibigan niya at sinasabing assuming ako at easy to get dahil sinabihan lang ako ni Harold na mahal niya, naniwala naman daw ako. Nasaktan ako ng bongga dahil du'n. Kaya ipinangako ko sa sarili na kapag sinabi iyon ni Harold ulit ay hindi na ako maniniwala sa kanya unless, patunayan niya.

Pinaulit-ulit ko pang basahin ang conversation namin kahapon dito sa cellphone ko. Di pa rin ako makapaniwala na sasabihin ito ni Harold. Sabi naman niya seryoso daw siya, pero may doubt pa rin na gumugulo sa isip ko. Parang may bumubulong sa akin na "hindi yan seryoso sayo" kaya nagdadalawang isip ako na maniwala sa kanya.

Nakaupo lang ako dito sa tapat ng room namin kung saan ko napulot ang diary ni Harold. Isa pa pala yung diary niya, iniisip ko kung paano ko isasauli sa kanya iyon. Paniguradong magagalit yun sa akin dahil nga binasa ko ang mga entry niya. Nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa dibdib ko kapag naalala ko ang huling entry niya na nabasa ko. Masakit kasing isipin na for all those years na naging magbestfriend kayo, eh kahit minsan ay hindi ka niya minahal ng higit pa sa kaibigan. Alam ko naman na ako lang ang lumagpas sa limit namin bilang magkaibigan dahil minahal ko siya higit pa roon. Pero kahit alam ko nasasaktan pa rin ako. Ang hirap ng ganito!

Bakit ko ba siya nagustuhan? Siguro ay dahil siya lang ang palagi kong kasama, happy or sad moment. Masaya siyang kausap, isa pa maaalalahanin siya. Palagi rin siyang pumupunta sa bahay para lang makipagkwentuhan o manood ng movies kasama ako. Mabait din siya at may respeto sa babae. And to make the story short, nagkagusto ako sa bestfriend ko dahil sa kanya ko nakita ang ideal man ko. Ang lalaking pinangarap kong makasama sa pagtanda. Until one day napulot ko nga itong diary ni Harold at dahil curios ako kung ano ang nilalaman nito ay binasa ko. Bawat entry nasasaktan ako, nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib feeling ko hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Hanggang sa huling entry na nabasa ko ay nasabi ko sa sarili na h'wag ko nang tapusin dahil masasaktan lang ako kapag ipinagpatuloy ko pa.

Humugot ako ng malalim na paghinga dahil pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin sa katawan. Nanlalamig din ang katawan ko, niniyerbyos ako bigla.

"Bakit nag-iisa ka dito?" Tanong ng classmate ko na kadarating lang at tumabi sa akin.

"Nagpapahangin lang ako." Sagot ko.

"May assignment ka na ba sa Math?"

"Hmm, ginawa ko kagabi."

"Pakopya naman, kulang kasi sagot ko e." Sabi ni Shiela, isa sa mga kaclose ko sa room.

"Teka lang," Binuksan ko ang backpack ko para kunin ang notebook ko sa math. Hindi ko alam nakatingin din pala si Shiela sa ginagawa ko.

"Ano 'to?" Tanong niya sabay kuha sa maliit na notebook na kulay itim. Yun yung diary ni Harold!

"W-Wala yan akin na yan," At akmang kukunin ko sa kanya pero nilayo niya sa akin.

Binuksan niya ang first page. "My Diary" basa niya. "Nagsusulat ka pala ng diary?" dagdag niya.

"Hindi yan sa akin!" At buti nahablot ko sa kamay niya. Phew, muntik na yun ah! Walang pwedeng makaalam na diary ito ni Harold. Sikat kasi siya sa school dahil nga player siya ng basketball team ng school namin. Kapag nalaman ito ng iba ay tiyak kong pagtatawanan siya.

"Kung hindi yan sa'yo, kanino?" Kilala ko na itong si Shiela kapag hindi mo sinabi sa kanya kaagad ay hindi ka niya titigilan hanggang 'di ka umaamin.

"Sa.. sa.." Ano ba bakit wala akong maisip na palusot?

"Sa?"

"Sa.. sa crush ko! Tama! Diary ito ng crush ko!" sabi ko sa kanya dahil wala akong maisip. Pero totoo naman iyon dahil crush ko si Harold at walang nakakaalam nu'n.

"Crush mo? Sino?" Napataas ang kilay niya.

"Secret."

"Sino nga?" Pangungulit na naman niya.

"Secret nga, sige ka at hindi kita pakokopyahin." Panakot ko sa kanya (croos finger) sana tumalab.

"Sige 'di na kita kukulitin, pakopya na ako."

"Oh, heto. Balik mo nalang sa akin mamaya bago mag math."

"Okay"

Umalis na siya sa tabi ko. Nag-iisa na naman ako, hindi ko kasi feel sumama sa iba yung makipag-bonding sa mga girls. Ewan ko ba, sinasabihan nila akong emo dahil palagi akong nag-iisa. Pero isinasawalang kibo ko nalang. Hindi naman kasi totoo.


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon