Dear Diary,
Niligawan ko na si Angel pero busted ako. Ito ang unang beses kong manligaw busted naman. First crush ko at sana first girlfriend ko naging BATO pa. May syota na pala siya. Bakit ba hindi ko natanong sa kanya kung may boyfriend na siya. Di sana hindi ako nasasaktan ng ganito.
Ang masakit pa nga doon Diary pinakilala pa niya sa akin ang syota niya at napag-alaman kong leader pala iyon ng isang fraternity. Kaya nga ay iniiwasan ko na si Angel ngayon. Binalaan na kasi ako ng boyfriend niya. Nakakatakot.
Tama nga si Kerstein, na hindi ko pa lubos na kilala si Angel. Dapat pala naniwala na ako sa kanya noon pa. Dapat iniwasan ko na siya noon pa.
Sorang sakit tuloy..
It's me
Harold
