Kerstein

103 4 0
                                    


Ganu'n na ba ako kadaling basahin? I mean, nakikita nila kung ano ang iniisip ko? Nagulat talaga ako nang sabihin ni Chris iyon. Obvious ba talaga ang ikinikilos ko sa iniisip ko? Hayst. Ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Natatakot ba si Harold na baka maging kami ni Chris kaya niya sinabing liligawan nya rin ako? Pero hindi naman talaga ako mahal ni Harold. Sige. Oo mahal niya ako pero bilang isang kaibigan lang, 'Yun ang sinabi niya sa diary niya. Hindi ko na kasi iyon binasa dahil sobra akong nasasaktan sa bawat entry nu'n. Siguro ibabalik ko na kay Harold iyon. Naguguluhan lang kasi ako kapag naaalala ko yung diary niya.


"Huy! Tulala ka na naman? Nandito na tayo."


"Ha?" Inilibot ko ang tingin ko. Nandito na pala kami sa bahay 'di ko na napansin. Walking distance lang naman ang school namin sa bahay namin kaya naglalakad na lang ako pauwi. Exercise na rin.


"Salamat ah!"


"Wala yun. Sige magpahinga ka na. 'Wag mo na kaming isipin. Alam kong nahihirapan ka sa pagpili sa'min ni Harold. Pero kahit sino pa sa aming dalawa ang pipiliin mo. Hindi magbabago ang pagtingin ko sa'yo." Mahabang sabi niya.


"Teka," Tatawagin ko pa sana siya para linawin yung mga sinabi niya. Pero, he just up his hand and wave it to the air. Natameme lang ako sa ginawa niya. What was that for?


"Buti naman at nakaramdam siya."


"Ay kabayo!" Nabigla ako sa nagsalita.


"Hahahah. Lagi na lang ba kita nagugulat?"


"Harold, pwede ba 'wag kang magsasalita basta-basta? Pwede?" Sabi ko sa kanya at ang loko tinawanan lang ako. Pasalamat ka talaga mahal kita. Say what?


"Okay. Okay. Basta para sa'yo. Alam mo namang mahal kita eh!" Sabi niya sabay wink sa'kin. At bakit ganito ang puso ko? Parang may nagfi-fiesta sa loob. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Naku Harold 'wag kang ganyan. Kinikilig ako!


OMY! Bakit ganito na ang nararamdaman ko? Totoo na ba talaga ang mga pinagsasabi niya hindi na joke tulad dati?


"P-Pwede ba tigilan mo ako sa mga biro mo!" Nauutal na sabi ko.


"Hindi naman ako nagbibiro ah! Mahal kita Kerstein. Mahal na mahal. Kaya please lang 'wag si Chris ang piliin mo." Nakita ko sa mga mata niya na nagsusumamo ito. Totoo talaga ito? Walang biro?


Mahal din naman kita Harold. Gusto ko sabihin iyan pero natatakot ako. Baka mamaya kasi may kasunod pang 'Joke lang!' sa huli kaya nanahimik nalang ako. Hindi ko siya kinibo. Kahit gustuhin ko mang magsalita ay 'di ko magawa. Feeling ko naputulan ako ng dila.


"Maniwala ka sa'kin, mahal talaga kita. 'Di ko alam kung kailan o paano nangyari basta naramdaman ko na lang ito."


Tahimik pa rin ako. I don't know what to say. Gusto ko siyang yakapin pero may bahagi sa isip ko na nagsasabing pakinggan ko lang siya. Unti-unti ay lumalapit ang mukha niya sa'kin. Hahalikan ba niya ako? Bakit ayaw gumalaw ng katawan ko?


3 inches nalang ang layo ng mukha niya sa'kin. 'Di ko alam kung may sariling pag-iisip ang mata ko dahil kusa itong pumikit. Hinihintay ko nalang na may lumapat sa labi ko pero imbis sa labi ko ay naramdaman ko na lumapat ang labi niya sa noo ko. Disappointed?


Niyakap niya ako pagkatapos. "Mahal na mahal kita Kerstein," Bulong niya. Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Why? Dahil natutuwa ako na mahal niya ako. Pero what about the diary? 'Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.' Napamulat ako nang maalala ko iyon.


Tinulak ko siya bago sabihing, "May ibabalik pala ako sa'yo." Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang diary niya. Lagi ko itong dala incase na maalala kong isauli sa kanya.


"Ano?" Tanong niya.


"Asan na ba 'yun?" Bulong ko. "Ah ito." Sabi ko nang makita na yung diary niya. "Nakita ko pala ito sa school. Ayan isasauli ko na. At isa pa, salamat pala sa pagmamahal kahit na alam kong hanggang kaibigan lang iyon."


Iniwan ko na siya pagkatapos kong sabihin iyon. Nasasaktan lang ako. MAhal nga niya ako pero hanggang kaibigan lang. Ayokong mag-assume dahil alam kong sa huli ay ako lang din ang masasaktan.


-----


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon