Chris

141 8 0
                                    



Nakakainis talaga itong si Harold. Palagi nalang sumusulpot kapag magkasama kami ni Kerstein. Akala ko noong una ay wala siyang gusto dito. Pero kalaunan ay napapansin ko na nag-iiba ang pakikitungo niya kay Kerstein. May karibal na ba ako? Oo. Gusto ko si Kerstein. Matagal na ito kahit noong may gf pa ako gusto ko na siya. Kakaiba kasi siya. Sa pag-uugali, sa kilos, pananalita. Basta kakaiba. Hindi siya maarte katulad ng mga nagiging girlfriends ko. Hindi sa pagmamayabang pero marami na akong naging gf. Lahat maaarte at sobrang selosa kaya walang nagtatagal sa'kin.


Pero si Kerstein. Siya talaga ang babae na seseryosohin ng isang lalaki dahil nga sa ugali niyang natural. Kapag galit siya, hindi yan mahihiyang ipakita sa'yo na nagagalit siya. Kapag kausap mo naman siya, hindi yan mahihiyang magsalita ng kung ano-ano. Natural lang siya. Kapag kasama mo naman siya, hindi yan mahihiyang ipakita sa'yo kung ano ang kilos niya. Minsan nga para siyang lalaki kung kumilos. Hindi siya maarte. Natural lang.


Kaya ngayon, liligawan ko siya kahit si Harold pa ang hadlang. Bestfriend lang naman sila hindi siya tatay. Kung sakaling may gusto naman siya kay Kerstein, may the best man win nalang. Hindi ako susuko dahil si Kerstein lang ang babaeng bumihag sa puso ko. Siya lang ang babaeng susuyuin ko. Yung mga exes ko kasi isang text lang kami na. Isang kindat lang kami na. Yung iba pa nga sabihan mo lang ng I love you hahalikan kana. Hindi nila alam gusto ko lang ng fling. Pero kay Kerstein, seryoso na ako. Siguro kung magiging kami siya pa lang ang kaisa-isang babaeng magpapatino sa'kin.


***


Kanina Nakita ko si Kerstein naglalakad mag-isa. Parang wala siya sa sarili dahil nakatulala siya. Mabuti nalang at walang sasakyang dumadaan. Lalapitan ko na sana siya nang biglang sumulpot si Harold. Dumaan siya sa tabi ko pero hindi niya ako napansin dahil dire-diretso lang ito.


"Kerstein." Sabi niya at kinalabit ni Kerstein sa balikat.


"AY, MAHAL KITA!" Sigaw ni Kerstein. Napatulala lang ako dahil sa sinabi niya. Mahal niya si Harold?


Tiningnan ko ang reakyon ni Harold at ngumiti lang ito ng nakakaloko. May gusto din ba siya kay Kerstein? Bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko? First time 'to ah! Kung kelan naman magseseryoso na ako saka pa magkakaganito?


"Talaga?" Narinig kong sabi ni Harold. Nasa likuran lang nila ako mga 7 feet away kaya medyo dinig ko ang usapan nila. 


"H-Hindi 'no!.. M-May kinakabisado kasi ako. Tapos bigla ka nanggugulat d'yan." Sabi naman ni Kerstein. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang sinabi niya. Mabuti nalang at wala siyang gusto kay Harold. May pag-asa pa ako.


"'Wag kang mag-alala mahal din kita." Narinig kong sabi ni Harold bago ito kumaripas ng takbo. Naikuyom ko ang mga palad ko. So, may gusto pala siya sa bestfriend niya? Di bale wala namang gusto sa kanya si Kerstein. May pag-asa pa ako.


Nang mawala na sa paningin namin si Harold ay agad na akong lumapit kay Kerstein. Katulad ng ginawa ni Harold ay kinalabit ko rin siya sa balikat. "Hey! Bakit mag-isa ka na naman? The last time I saw you mag-isa ka nu'n then ngayon, magisa ka pa rin?" Panimula ko. Pero sa totoo lang palagi ko siyang nakikitang mag-isa. Ayaw niyang makihalubilo sa ibang tao.


"Hindi. May kasama ako, look!" pamimilosopo niya. At tinuro ang side niya na akala mo'y may tao. Isa din iyan sa mga nagustuhan ko sa kanya, napaka-prangka niyang magsalita kahit maiinis ka ay okay lang sa kanya.


"Joker ka na ngayon ah." Biro ko.


"Hindi. Tao ako." Walang ganang sagot niya. At dahil doon ay naramdaman ko na badtrip talaga siya.


"Mainit ata ang ulo natin?" Tanong ko sa kanya.


"Wala 'to. Pagod lang siguro ako." Sabi niya. At mukha nga siyang pagod dahil lugmok ang mukha niya at nakasimangot pa ito.


"Ganun ba? Tara. Hatid na kita sa inyo." Pagpresinta ko.


"S-Sige." Pumayag siya. Yes. Pagkakataon ko na itong pumorma sa kanya.


Pupurma palang ako nang biglang bumalik itong si Harold. Panira talaga. "O pare, bakit bumalik ka ata?" takang tanong ko.


"How many times do I need to tell you na don't call me pare dahil hindi kita kumpare." Cold na sabi niya. Bakit ba ang init ng ulo nito sa'kin? Nagseselos ba siya? Siguro.


"Bakit lahat ng tao ngayon badtrip?" Natatawang sabi ko. Biro ko lang naman iyon pero mukhang sineryoso ng kumag na ito.


"Kasi nakita ka." Kabanas talaga itong lalaking ito. Sarap upakan. 


Uupakan ko na sana itong lalaking ito kaya lang pumagitna sa amin si Kerstein. "A-aah. Bakit ka nga pala bumalik?" Pag-uulit ni Kerstein sa tanong ko kanina.

Tama. Bakit ba kasi bumalik ito? Panira eh. 


"May nakalimutan kasi ako." Sabi nito.


Hindi na ako kumibo at hinintay na lamang ang sasabihin niya. Tumingin sa akin si Kertein bago bumaling ulit kay Harold. Tsk. Kabanas talaga itong lalaking 'to.


"Ano yun?" Tanong ni Kerstein.


"Ikaw." Sagot ni Harold sabay hinaltak si Kerstein. Wala na akong nagawa kundi ang tingnan sila sa malayo. 


Totoo ngang may gusto si Harold sa kanya. Ngayon kilala ko na ang karibal ko. May the best man win nalang. Hindi ako titigil hanggang walang napipili si Kerstein sa pagitan namin.


____

A/N: Time check.. It's 7:44 am. Wow. 4 o'clock ako nagising para lang mag-update sa two story ko. Madaling araw lang kasi free itong laptop namin. Enjoy reading guys!!!... I need your feed back.. :)


Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon