Bakit ganito ang nararamdaman ko? Everytime na lumalapit siya sa akin I felt so angry, bakit? Nakakainis!
Tapos na ang klase namin nang hindi ko siya nakikita, you know who's I'm talking about. Siguro may praktis na naman sila ng basketball. Hindi ko pa rin alam kung paano ko isasauli itong diary niya. Hawak ko ngayon ito. Ayoko ng basahin dahil natrauma na ako nang huling beses ko itong buksan. Bawat pahina feeling ko winawasak ang puso ko, pinipira-piraso ito ng bawat salitang nakapaloob dito.
Mahal kita!
Mahal kita!
Mahal kita!
ARGGH!! Bakit ba paulit ulit na nagre-replay sa utak ko ang text niya nu'ng isang araw? Nakakabanas na. Alam ko namang binibiro na naman niya ako. Pero bakit parang sineseryoso ko? Naguguluhan na ako! Oo I admit, hindi lang crush ang tingin ko sa kanya kun'di mahal ko na siya. Inlove na ako sa bestfriend ko. Hindi naman iyon masama diba? Ahh, nababaliw na ako!... Para akong tanga na nagsasalita mag-isa habang naglalakad.
Mahal kita!
Mahal kita!
Ayan na naman, paulit ulit nalang...
"Kerstein," Nagulat ako sa kumalabit sa akin.
"AY! MAHAL KITA!" Gulat na naibulalas ko.
Nagtaka ako dahil bigla siyang ngumiti ng malaki. "Talaga?" Di makapaniwalang sambit ni Harold. Yep, si Harold nga ang nasabihan ko. For all people sa kanya ko pa nasabi yun although totoo na mahal ko siya pero di pa dapat niya malaman. 'Di ko naman sadya iyon pero parang oo.
"H-Hindi 'no!" Maang ko. Nabigla lang naman ako kaya ko nasabi iyon. "M-May kinakabisado kasi ako. Tapos bigla ka nanggugulat d'yan." Pagpapalusot ko. Sana effective.
"Hmm..." sabi niya at tinitigan pa ako sa mata yung tipong tinitingnan niya kung nagsisinungaling ako sa kanya. "'Wag ka mag-alala mahal din kita." dagdag niya sabay kindat.
Hindi ako nakapag-react kaagad sa sinabi niya. Bigla ba naman siyang tumakbo pagkasabi niya nu'n. Tingin niyo maniniwala ako sa kanya kung ganyan ang pinapakita niya? Kahit naiinis ako sa mga birong pinagsasabi niya pero sa kaibuturan ng pagkababae ko I mean, ng loob ko e kinikilig ako. Kulang pa ang pagsigaw para mailabas ang kilig ko.
Nakatulala pa rin ako sa dinaanan ni Harold. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala sa mga sinasabi niya sa akin. Gusto kong maniwala pero may parte sa isip ko na nagsasabing 'wag kong paniwalaan si Harold.
Napaigtad ako nang may kumalabit ulit sa akin. Bakit ba ang hilig nilang kalabitin ako?
"Hey! Bakit mag-isa ka na naman? The last time I saw you mag-isa ka nu'n then ngayon, mag-isa ka pa rin?" Sabi ni Chris. Oo nga 'no. Kapag nakikita ako ni Chris e palagi akong mag-isa? Tapos kapag magkasama kami ni Chris dadarating naman si Harold. At magkakaroon na naman ng world war III.
"Hindi. May kasama ako, look!" sabi ko sabay tinuro ang left side ko na kunwari'y may tao.
"Joker ka na ngayon ah."
"Hindi. Tao ako." Walang ganang sagot ko. Ewan ko. Pero palaging kumukulo ang dugo ko kapag kaharap ko si Chris o nadadala lang ako ng galit ko kay Harold? Everytime na magkikita kami ni
Chris ay palaging nagkakaroon ng misunderstanding between me and Harold kaya siya ang napagbubuntungan ko ng galit."Mainit ata ang ulo natin?" naramdaman niya atang bad vibes ako ngayon kaya naging seryoso ang facial expression niya.
"Wala 'to. Pagod lang siguro ako." sabi ko para tigilan na niya ako.
"Ganun ba? Tara. Hatid na kita sa inyo." Pagprisinta niya.
"S-sige." Pagpayag ko. At kung talagang nang-aasar ang tadhana, tulad ng sinabi ko kanina ay biglang susulpot si Harold.
"O pare, bakit bumalik ka ata?" Tanong ni Chris.
"How many time do I need to tell you na don't call me pare dahil hindi kita kumpare." Cold na sabi ni Harold kay Chris. Ayan na naman ang sinasabi ko na kapag nagkikita silang dalawa e may world war III na magaganap.
"Bakit lahat ng tao ngayon badtrip?" Natatawang sabi ni Chris.
"Kasi nakita ka." Diretsong sabi ni Harold.
"A-Ahh. Bakit ka nga pala bumalik?" Singit ko at pumagitna sa kanilang dalawa. Mahirap na.
"May nakalimutan kasi ako." Sabi niya.
Tiningnan ko muna si Chris na alam ko naiinis na. "Ano yun?" tanong ko.
"Ikaw." Sabi niya sabay haltak sa'kin. Hindi na ako nakapagpaalam kay Chris dahil bigla akong hinila ni Harold. For the nth time, kinilig ako sa ginawa ni Harold. Ako daw ang nakalimutan niya?
"Huy, bakit ba ganun ang pakikitungo mo kay Chris? Wala namang ginagawang masama yung tao sa'yo eh." Sabi ko sa kanya nang makarating kami sa bahay namin.
"Nagseselos ako." Sabi niya. At for the nth time again, napanganga ako sa sinabi niya. "Sige na. Pumasok ka na sa loob niyo. Aalis na ako." Mabilis na sabi niya at mabilisang umalis sa harapan ko.
Bakit ba ganito ang kinikilos ni Harold ngayon? Naguguluhan na ako sa kanya.
