Angel

3 0 0
                                        

Nagkita kami ni Chris ngayon dito sa SM dahil meron akong project na bibilhin. Nag-volunteer naman siya na sumama kaya hinayaan ko na. Para naman hindi rin ako maboring dito habang nag-iikot.

Napadaan kami sa arcade at na-curious dahil ang daming tao sa may live karaoke. "Hindi ba kaboses ni Harold iyon?" tanong ko kay Chris na nandoon din sa kumpulan ang tingin.

"Oo, tsaka si Kerstein."

Nagkatinginan kaming dalawa at parang nag-usap sa mata dahil sabay kaming tumango at pinuntahan ang kumpol ng tao para makumpirma kung tama nga ang hinala naming dalawa.

Pagkalapit namin ay nagkatinginan ulit kami ni Chris. Tama nga ang hinala namin dahil iyong dalawang kaibigan namin ang kumakanta sa harapan. Para silang may sariling concert at wala silang pakialam sa paligid nila. Magkatitigan lang silang dalawa. 'Yung mga tao naman magkadaop pa ang mga kamay na akala mo'y nanonood ng romantic movie. Hindi mawala ang mga ngiti ng mga nanonood.

Infairness sa kanila. Pareho silang magaling kumanta at ang choice ng kanta tugmang-tugma sa kanila! Nakakakilig nga naman talaga.

Natapos na ang kanta nila at may pa kiss kiss pa 'tong si Harold sa kamay ni Kerstein. Talagang nang-iinggit sila ng audience nila ah?

Umalis na sila doon sa harapan kaya sinundan na namin sila kung saan sila dadaan. "Ehem! May pa-concert pala kayong dalawa rito hindi niyo man lang kami sinabihan?." Agaw ko sa atensyon nila.

Natigilan silang dalawa. Hinarap nila kami at hindi nakatakas sa paningin ko ang makahulugang mga tingin nila sa amin ni Chris.

"Anong tingin 'yan?" Taas kilay kong tanong. Inilingan lang ako si Harold kay napatingin ako kay Kerstein na tahimik pa rin. "May binili lang akong project ko rito at sinamahan lang ako ni Chris." Paliwanag ko pa.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanilang dalawa. Pero ginawa ko pa rin.

"Tara na Kerstein." Narinig kong sabi ni Harold.

"Hep!" Pigil ko sa kanila. Hahakbang na kasi sila para iwan kami. "Tutal nakita na rin namin kayo rito ay bakit hindi tayo manood ng movie?" Pagyaya ko sa kanila.

"Kayo na ba?" Napanganga ako sa tanong ni Harold.

Sinara ko agad ang bibig ko ng makabawi. "H-hindi! Bawal na ba manood ng movie ang magkakaibigan?" Pagkumbinsi ko pa. "Bawal ba, Chris?" Baling ko kay Chris at siniko ko ng bahagya.

"Hindi naman." Napipilitang ngiti niya sa amin.

"O pano? Tara na?" Nagtaas baba pa ang kilay ko para lang pumayag itong si Harold. Hindi na naman siya umimik kay binalingan ko si Kerstein, "Payag ka 'diba? Please?"

Nagkatinginan pa silang dalawa ni Harold bago siya tumango. Buntong hininga lang ang tanging sagot ni Harold. Halatang napilitan.

Nginitian ko si Chris at sinundan lang namin ang dalawa na nauuna ng maglakad sa amin. Magka-holding hands sila habang naglalakad kaya medyo lumayo kami ng distansiya sa kanila mga tatlong hakbang ang layo namin.

Nakarating kami sa movie house at pinili ko ang horror. Hindi naman sila tumanggi kaya heto kami at nakapuwesto na sa bandang gitna. Naghihintay nalang kami na mag start ang palabas. "Ito pala inumin mo." Inabot sakin ni Chris yung hawak niyang softdrinks. Popcorn lang kasi ang bitbit ko kanina. Hati na kaming dalawa rito. Ang puwesto namin ay si Chris, ako, Kerstein at Harold. Magkakatabi lang kami ng upuan. Namatay na ang ilaw at nag-uumpisa na ang palabas.

Nasa kalagitnaan na kami ng palabas at hindi ako makapag focus. Pano ba naman yung tao sa harapan namin ay lingkisan ng lingkisan akala mo mga sawa! Hello!Horror po ang palabas hindi adult movie! Grr! Kainis! Gusto ko sila sigawan kaya lang baka makaistorbo ako sa ibang nanonood dito sa loob.

"Bakit parang inis ka riyan?" Bulong sakin ni Chris. Napansin niya pala na nababadtrip ako.

"Tingnan mo naman kasi." tinuro ko sa kaniya yung nasa harapan namin na nagtutukaan na. Get a room! Sigaw ng isip ko. "Nadidistract ako sa kaharutan nila." Iritang sabi ko.

Tinawanan lang ako ni Chris kaya tiningnan ko siya at sinimangutan. Sinilip ko rin itong si Kerstein sa tabi ko at nakatakip yung kamay ni Harold sa mga mata niya. Habang si Harold ay nakatingin din doon sa harapan namin na naghahalikan. Kulang nalang ay mag make out na sila sa loob ng sinehan.

Binalingan ko nalang itong popcorn na hawak ko at dito itinuon ang atensyon ko. Kumain lang ako ng kumain. At panaka-nakang kinakausap si Chris para hindi ako mapatingin sa harap ko. Mabuti nalang at nakaramdam din itong si Chris at hindi niya ako ini snob.

Natapos ang palabas at wala akong naintindihan. Ni hindi nga ako natakot dahil mas nangibabaw ang inis ko doon sa nasa harap namin kanina!

"Hahahaha"

Inis na nilingon ko itong si Chris dahil hanggang ngayon ay pinagtatawanan pa rin niya ako. Nakalabas na kami ng sinehan at heto't naglalakad papunta sa food court dito sa SM. "Tigilian mo nga ako!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Bakit ka ba kasi inis na inis? 'Di ba nagkaroon ka na ng boyfriend? Dapat hindi ka na naiilang kapag nakakita ka ng may naghahalikan." At dahil sa sinabi niya ay namula naman ako.

"Oo, nagka-boyfriend ako pero never ako nakipaghalikan sa kanya! Hmp!"

Nakakainis! Anong akala niya sakin porque nag boyfriend e nakikipaghalikan na? Conservative pa rin naman ako! High school palang ako duh!

"Hindi ka pa nakipag-kiss?" Hindi makapaniwalang sabi ni Chris.

Sinamaan ko siya ng tingin at pinagtaasan ng kilay. "Paulit-ulit?!"

Mabuti at hindi na siya nagsalita pa. At tahimik kaming naglalakad. Nakasunod lang sa amin sina Harold sa likod kaya naman ay binagalan ko ang paglalakad para makasabay ko sila.

"Harold, may practice nga pala tayo bukas. Cheering at basketball. Sa tuesday na ang laban kaya dapat ay galingan ng school natin." Paalala ko rito. "Natext ka naman siguro?

Kinapa nito ang bulsa ng pantalon niya at kinuha ang cellphone doon. Ngayon lang yata siya magtitingin ng mga text sa kaniya. "Okay." Sabi lang niya at ibinalik ulit sabulsa ang cellphone.

Inirapan ko lang siya ulit at bihilisan ng konti ang lakad para mahabol ko naman si Chris na tahimik pa rin. Iba talaga si Harold kapag kasama si Kerstein. Wala lang naman sa akin iyon dahil alam ko na sinusulit nila ang kanilang date ngayon. At supportive ako sa relasyon ng kaibigan ko.

"Mauna na kami." Paalam ni Harold sa amin.

"Okay"

"Sige 'tol, ingat kayo. Bye, Kerstein." Kumaway pa si Chris sa papalayong mag jowa.

"Bye!" Habol ko pa.

--

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon