Angel

4 0 0
                                        

3rd quarter na. Bumalik na sa court si Harold. Ang usapan nila ay maglalaro siya hanggang 4th quarter. Isa kasi siya sa taga-puntos sa team. Hindi siya ang ace player ng team pero sa larong ito ay nangingibabaw ang galing niya.

"Ready na team!" Sigaw ni Coach. Kakatapos lang ng timeout at balik na ulit sa laro.

Kanina ko pa tinitingnan si Robert. Tingin siya ng tingin sa gawi namin ni Harold kanina pa. At ngayon siya ang nagbantay kay Harold. Hindi nakatakas sa paningin ko ang sama ng tingin niya kay Harold. May ibinulong siya sa kasama niya... sabay silang pumunta ka Harold. Dalawa ang bantay sa kaniya kaya nahihirapan siya lumusot.

"Bantay sarado na si Harold. Mahihirapan tayo niyan." Naririnig kong nag-uusap si Manager at Coach.

"Kaya nga."Malungkot na tugon ni Manager. "Sana makalusot siya. Malapit na matapos ang third quarter. Lamang pa rin naman tayo." Nakita kong sumulyap siya sa timer at score sa gitna.

Tiningnan ko ulit ang gitna ng court kung nasaan si Harold. Hindi pa rin siya makatakas sa dalawang bantay. parang ayaw siya pahawakin ng bola.

"Angel, 'di ba boyfriend mo 'yung naka number 10 jersey?" Nabalik ang tingin ko kay Manager dahil sa tanong niya.

"Hindi ko na po siya boyfriend. Matagal na po kami hiwalay."

"Ow" iyon lang ang sagot niya at nagbalik ulit ng tingin sa court. Pero may sinabi pa siya ulit. "Close kayo ni Harold, now it make sense kung bakit parang iba ang aura niya habang binabantayan niya si Harold."

Iyan din ang napansin ko. Kanina pa masama ang tingin niya sa amin ni Harold habang magkausap dito sa bleachers. Pero bakit naman? Matagal na kaming hiwalay dalawa dahil niloko niya 'ko!

"Oh my God!" Bulalas ni Manager! Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak at impit na sigaw sa gitna ng court. "Si Harold!" Sigaw pa niya at dali-daling tumakbo sa gitna.

Sumunod din ako kay Manager dahil hindi ko alam kung anong nangyare kay Harold. Pagpunta ko sa gitna ay nakita ko roon si Harold at namimilipit sa sakit at nakabaluktot pa siya sa court at nakahawak sa paa niya! "H-Harold." Napatakip nalang ako sa nasaksihan ko. Namamaga na ang paa niya!

"Padala siya sa puwesto namin para mabigyan ng first aid!" Sigaw ni Manager sa mga nakapalibot doon.

Dali-daling inalalayan si Harold. Pinaupo nila sa mono-block at binuhat iyong ng mga kasama namin. Bago pa ako sumunod sa mga bumuhat kay Harold ay nakita ko pa si Robert na ngumisi. Nag-smirk ba siya? May kinalaman ba siya?

Tumakbo na rin ako kung saan pinahiga si Harold. Dito siya dinala sa parang clinic ng Arena. Nadatnan ko siya na binibigyan na ng first aid.

"Harold?" Tawag ko sa kanya. Nandoon din si Manager. Si Coach ang naiwan sa team para i guide ang team na naglalaro pa ngayon.

Tiningnan niya 'ko. "Nandiyan ka pala Angel."

"Ano bang nangyare sa'yo?" Naunahan na ko ni Manager magtanong.

Umupo muna siya kaya inalalayan siya ni Manager. "Yung ex mo, Angel, kanina pa 'ko ginigitgit. Pero ganon naman talaga sa basketball."

"Iba yung mga galaw non kanina! Gusto ka talaga niya mawala sa laro! Nakakainis!" Galit na bulyaw ni Manager.

"Haha okay lang, Manager. Kaya naman ng mga kasama ko 'yun. Mananalo pa rin tayo." Kakamot-kamot pa siya sa batok niya at tumawa ng alanganin.

"Aba dapat lang! Para maipamukha natin sa kanila na kahit in-injured ka nila ay hindi pa rin sila mananalo sa team natin!" Magka-cross na ang mga braso ni Manager sa dibdib niya.

Diary ni CrushMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon