Nabu-bwisit talaga ako kay Harold bakit ganun siya? I mean, parang wala siyang pakiramdam? Nakakainis talaga! Bakit ba kasi ako pa ang nakapulot ng diary niya?
'Bakit kasi binasa mo pa?'
Yan ang binubulyaw ng isip ko. Oo nga naman bakit ko ba kasi binasa pa? Curious lang naman ako eh!
Naglalakad na ako ngayon pabalik sa bahay nang makasalubong ko si Chris sa daan.
"Hey! Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Pauwe na." walang gana kong sagot nabadtrip talaga ako du'n kay Harold e. Kaya sorry nalang kay Chris at napagbuntungan ko siya ng galit.
"Ang taray mo naman, meron ka?"
Napatigil ako sa paglalakad ng sabihin niya iyon. Nakasunod kasi siya sa akin at nang-aasar.
"Wala noh! Tigilan mo nga muna ako!" Sigaw ko sa kanya. This past few days kasi palagi niya ako ginugulo at kinukulit. Sinabi niya rin sa akin na crush daw niya ako. Alam ko namang trip lang niya iyon kaya hindi ako naniniwala a kanya.
"E bakit ka sumisigaw?" Tiningnan ko lang siya ng masama kaya napatigil siya sa pagsasalita. Ang kulit kasi. Kitang badtrip na ako tapos mangungulit pa siya.
Nang makita kong natahimik na siya ay itinuloy ko na ulit ang lakad ko. Akala ko hindi na niya ako sinusundan pero mali pala dahil nakabuntot siya sa akin.
"Bakit ba kasi ang sungit mo?" Pangungulit niya.
"E bakit din ba ang kulit mo?" Teka! Hindi ako yun ah. Sino yung nagsalita? Paglingon ko nakita ko si Harold. Psh. Isa pa 'to.
"E bakit nangingialam ka?" Tanong naman ni Chris kay Harold.
"Paki mo ba?" Pambabara naman ni Harold.
At yun na po nagsuntukan na sila. De Joke. Nagtalo lang sila. Barahan portion.
"God give me some patience!" Nasabi ko nalang dahil masakit na ang ulo ko dinagdagan pa nila.
"Kerstein, mag-usap muna tayo." Narinig kong sabi ni Harold. Ayokong tumingin sa kanya dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Pero, bakit nga ba ako naiinis? Ah, kasi nga hanggang kaibigan lang daw ang tingin niya sa akin.
"Kung pinagti-tripan mo lang ako please, 'wag muna ngayon!" Inis na sagot ko.
"Hindi naman kita pinagti-tripan eh, makinig ka muna kasi sa'kin." Hinawakan niya ako sa braso ko. Shet. Parang may kuryenteng dumaloy sa akin.
Hindi ako makapagsalita dahil kinikilig pa ako. 'Kerstein! Get a grip of yourself!'
"Pare, bitiwan mo siya. Ayaw nga niyang makausap eh!" Singit ni Chris kaya naman nakabalik ako sa reyalidad.
"'Wag ka nga makealam dito. At isa pa, hindi kita kumpare!" Sabi naman ni Harold.
"PWEDE BA! MANAHIMIK MUNA KAYONG DALAWA! KAHIT ISA SA INYO WALA AKONG KAKAUSAPIN!..." Sigaw ko sa kanila bago ako umalis at iniwan silang dalawa na nakabuka ang bibig.
Kakabadtrip! Ang sarap ng higa ko sa kama ko kanina tapos dumating itong si Harold nagyayang pumunta sa park tapos ipapamukha sa aking bestfriend lang niya ako. Sige na! Ako lang ang may gusto sa kanya at siya walang gusto sa akin. Ang sakit sa puso men!
