Nasabi ko na kay Kerstein ng personal na gusto ko siya, hindi bilang kaibigan kun'di bilang siya, bilang isang babae. Pero mukhang hindi siya naniniwala sa'kin. Sabagay minsan ko na siyang niloko about sa feelings ko para sa kanya. Tanda ko pa noon, 1st yr palang kami sa high school noon. Trip lang namin iyon ng mga tropa ko. Sinabi kong mahal ko siya pero hindi naman talaga. Alam kong sineryoso niya iyon, hanggang sa prangkahin siya ng isa kong tropa na pinagti-tripan lang namin siya. Na-guilty rin ako noon. Kahit sino naman masasaktan kapag pinagtripan ng ganu'n. Ilang araw rin niya akong hindi kinibo. Kahit kinukulit ko siya ay para lang akong hangin sa kanya. Pero isang araw ay natuwa ako dahil kinausap niya ako. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na siya bibiruin ng ganu'n.
Siguro ngayon yun ang iniisip niya. Na binibiro ko lang siya. Pero hindi. Dapat ipakita ko sa kanya na seryoso ako at gusto ko siyang ligawan. Magpapaalam na rin ako sa mama niya na manliligaw ako sa kanya. Malakas ang kapit ko doon. Hahaha. Vibes kami nu'n e!
Tapos na ang klase namin ngayon at naglalakad na ako papalabas ng gate. Doon ko na lang hihintayin si Kerstein para sabay kaming pumunta sa kanila. Syempre ngayon na ako magpapaalam kay Tita. Baka maunahan pa ako.
Nang makarating ako sa gate ay may nakita akong dalawang pamilyar na tao. Lumapit pa ako. Tama nga, sila iyon. Bakit magkasama sila? Nilapitan ko sila. "Hi Kerstein!" Pansin ko kay Kerstein. Tinapunan ko lang ng tingin si Chris. Ayoko siyang kausapin. Kakabadtrip mukha niya.
"Hi!" Sagot ni Kerstein sa'kin.
"Ano tara na?" Singit naman ni Chris. May pupuntahan ba sila? Bakit 'di ako na-inform? 'Kailangan bang sabihin pa sa'yo?' napataas ang kilay ko sa bulyaw ng utak ko. Oo nga naman. Pero hindi, dapat sabihin niya sa'kin kasi...kasi... kasi bestfriend niya ako! Tama! Ay hindi! Manliligaw na pala ako.
"Ahhh Kerstein, gusto ko sana pumunta sa inyo. Sabay na lang tayo pag-uwi?" Sabi ko.
"Ehh.. May pupuntahan pa kami ni Chris." sagot niya. Panandalian akong natigilan. Kelan pa niya pinipiling samahan itong ugok na 'to?
"Pare, may pupuntahan pa kami. Next time na lang iyang gusto mo." Sabi ni Panget.
Tiningnan ko siya ng masama. "Kulit mo rin 'no? 'Sabing 'wag mo 'kong mapare-pare d'yan. Hindi tayo magkumpare. At higit sa lahat, HIN-DI TA-YO CLOSE!"
"Pasensya na Harold. MAuna na kami. Bye." Sabi ni Kerstein na nagpabagsak ng facial expression ko. Ang sakit naman ma-reject. Sana naman may pag-asa ako sa kanya. 'Wag naman sana akong ma-reject.
Pinagmamasdan ko lang ang daan na tinahak nila papalayo. Alam kong may gusto si Panget sa bestfriend ko. Gusto rin ba siya ni Kerstein? Sana ako nalang ang gusto niya. Mahal ko na siya eh. Mahal na mahal!
Nagpagulong gulong na ako sa kama ko. "SHIt!" Sambit ko. Dapat pala sinundan ko sila. Para alam ko kung ano ang gagawin nila at saan sila pupunta. Baka may date lang sila kaya ayaw akong isama kasi hindi sila mag-eenjoy. Baka gumawa na ng damoves si Panget. Ala sais na ng hapon at nakapagpasya na akong pumunta sa bahay nila. Siguro naman ay nakauwi na siya. Magpapaalam na ako kay Tita.
Nagdali-dali akong naligo at nagbihis. Dapat fresh kasi hihingin ko na ang kamay ng anak nila... Dejoke lang manliligaw pa lang ako. Saka na yung mamamanhikan ako. Dalawang kanto lang naman ang layo ng bahay nila sa amin kaya lalakarin ko nalang.
"Wooh!" Humugot muna ako ng malalim na paghinga. Nasa tapat na ako ng bahay nila. At saktong binuksan ni Tita yung pinto nila kaya hindi na ako kumatok pa. "TITA!" Tawag ko.
"Ikaw pala Harold. Napadalaw ka ata?" Sabi ng mama ni Kerstein at lumapit sa'kin para buksan yung gate.
"Si Kerstein po?"
"Wala pa rito. Pasok ka. Hintayin mo nalang siya sa loob. May niluto ako doon kain ka muna." Alok niya sa akin.
"Sige po."
Wala pa pala si Kerstein. Gabi na. Saan kaya dinala ni Panget ang Kerstein ko? Wow inangkin ko na. Hahaha. Syempre magpapaalam na ako sa mama niya kaya akin na siya..
Dumiretso kami sa kusina ni Tita dahil dito siya nagpunta at pinasunod lang niya ako. "Maupo ka at maghahain lang ako." Sabi ni Tita.
Habang kumakain kami ay nagku-kwentuhan din kami. Nauna na siya kumain dahil gutom na raw siya at hindi na niya mahintay si Kerstein. Gusto ko sana hintayin si Kerstein bago kumain kaya lang nakakahiya naman kay tita.
"Bakit ka nga pala pumunta dito?" Tanong niya ulit sa'kin. "Wala pa dito si Kerstein. Ano ba sadya mo?" dagdag nito.
"Ikaw po ang sadya ko, Tita." Diretso kong sabi.
"Oh?" Gulat na reaksyon ni tita sakin. Hindi niya kasi aakalain na siya talaga ang ipinunta ko rito sa kanila.
"Opo. Magpapaalam po sana ako dahil.."
Shit kinakabahan ako!
"Dahil?"
Pumikit muna ako bago sabihin ang gusto kong sabihin. "Dahil gusto ko pong ligawan si Kerstein." Yes nasabi ko na!
Tiningnan ko siya dahil para siyang nasamid na ewan nang sabihin ko iyon. "Okay ka lang po, Tita? Tubig?" Alok ko sa kanya ng tubig.
Inabot naman niya ito at ininom. "Talaga? Liligawan mo ang anak ko?" Tanong niya ng makarecover siya.
"Opo."
Pagkasabi ko nu'n ay biglang dumating si Kerstein. "MA!!!" Tawag nito sa mama niya. Nandito na pala siya.
"Nandito ako sa kusina anak!" Sigaw pabalik ni Tita.
Naririnig ko ang mga yabag na papalapit sa amin. Ang dami ata? Don't tell me...
"Ma-" Natigilan si Kerstein nang makita ako. 'Di niya kasi expected na magpupunta ako ng gabi sa kanila.
Humarap ako sa direksyon niya dahil nakatalikod ako sa pintuan ng kusina. Pagharap ko ay ako naman ang natigilan. Hanggang dito kasama pa rin niya 'yan? "Anong ginagawa mo rito Harold?" Baling niya sa'kin.
"Sinagot mo na ba si Chris anak?" Singit ni Tita. Dahil sa sinabi niya napaharap ako sa kanya. What? Sinagot?
Tumingin ulit ako kay Kerstein. Gusto kong malaman kung sinagot na nga niya. "H-Hindi pa po." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Pero ano daw? Hindi PA po. PA? Meaning may tyansang sagutin niya si Panget?
"Hmm... May pag-asa ka pa." Sabi ni Tita sabay tapik sa balikat ko. Nagpaalam na rin pala ito na manliligaw siya? Naunahan na pala ako. "Ah Chris, gusto kong sabihin sa iyo na itong si Harold ay nagpaalam din na liligawan niya si Kerstein. Manligaw kayo ng patas at 'wag niyong dadaanin sa dahas iyang ANAK KO para lang sagutin kayo! May the best man win. Nagkakaintindihan tayo?" Talagang in-emphasize pa ni tita ang word na 'anak ko'.
"Opo."
"Opo." Sabay naming sabi. Tumango-tango kami. Para kaming estudyanteng sinesermonan ng aming guro.
May the best man win nalang ang labanan namin. Ang sino mang manalo ay ang puso ni Kerstein ang premyo.
____
A/N: Hahahaha. Puso talaga? O well, sabog ang utak ko ngayon. Lagi naman :) Pagtiyagaan niyo na muna. Kidding. Sana magustuhan niyo. Sino ba ang bet niyo sa kanila?
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Novela JuvenilPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
