Harold

154 12 0
                                    


Nakakasira talaga ng araw itong panget na 'to eh. Umalis tuloy si Kerstein. TSK.

"Ayan, umalis tuloy si Kerstein, ikaw kasi!" Sisi sa akin nitong mokong na 'to.

"Bakit ako? Ikaw lang naman ang epal sa buhay namin!" Naaasar na talaga ako sa isang 'to. Sarap upakan.

"Pwede ba, pare--"

"Sabing hindi kita kumpare at isa pa wala pa akong inaanak!" Putol ko sa sasabihin sana niya. Kakabadtrip kasi e. Panira ng araw.

"E Di hindi na. Para kang babae, meron ka ba ngayon?.. Uy, Joke lang! Ito naman di na mabiro." Aambahan ko kasi ng suntok. Mukha ba akong babae? Bwisit!

"Tumigil ka nga! Seryoso ako!. Maiwan na nga kita, istorbo." Sabi ko at nilayasan na siya. Bahala siya sa buhay niya! Aasikasuhin ko naman ang buhay ko.

***

Babalik ako sa bahay nila Kerstein, susuyuin ko siya. Ang hirap pala talaga ang manligaw 'no? Ang dami mong kailangan gawin para lang mapapayag siya.

"Tita, si Kerstein po?" Tanong ko sa mama niya. Close na kami ng mama niya, sa tagal ba namang namin magkaibigan e palagi akong nandito sa bahay nila.

"Nasa taas na. Akala ko ba aalis kayo? Hindi ba kayo natuloy?" Alam kong nagtataka ito dahil ang bilis lang naming nawala.

"Umalis na po kami kaya lang biglang nagyayang umuwi si Kerstein eh."

"Ay oo nga pala, sabi niya sa'kin ngayon masama raw ang pakiramdam niya. Akyatin mo nalang sa kwarto niya. Painumin mo rin ng gamot ah. Nahihirapan akong painumin yun e, alam mo na, matigas ang ulo." Mahabang sabi niya. Si Kerstein kasi yung tipo ng tao na hindi umiinom ng gamot ewan ko ba dun, dahilan niya gagaling din naman siya kahit hindi na uminom pa ng gamot.,

"Sige po tita, pupuntahan ko nalang siya."

Sana'y na si Titang paakyatin ako sa kwarto ni Kerstein wala namang malisya sa akin yun at isa pa, wala akong balak gawin yun, mahal ko yun e! Ganito pala kapag inlove ka, nagiging korni.

Kumatok ako sa kwarto niya at narinig kong sabi niya. "Ma, sabi ko masama pakiramdam ko, hindi ako kakain!"

"Ako 'to Kerstein! Papasok ako ah?" Sigaw ko pabalik. Wala naman akong narinig na sagot kaya binuksan ko ang pinto ng kwarto niya, hindi naman ito nakasara.

"Anong ginagawa mo dito?" Salubong na tanong niya sa akin.

"Para namang hindi ako welcome?" Kunwari'y nagtatampong sabi ko.

"Ano nga kasing ginagawa mo dito?" Pagtataray niya. 'Ang hirap naman nitong amuhin.' sabi ko sa isip.

"Ahm. Tatanong ko lang sana kung galit ka sa akin." Bakit hindi ko masabi ang dapat sasabihin ko? Kinakabahan na naman ako kapag kaharap ko siya, dati naman hindi eh bakit ngayon?

"Hindi ako galit."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang noo niya. "Hindi ka naman mainit ah, bakit sabi ni Tita may sakit ka daw?" tanong ko sa kanya. Paniguradong nagsisinungaling lang ito.

"Paki mo!" Sigaw niya sa akin.

"Bakit mo ko sinisigawan?!" Napapalakas na rin ang boses ko.

"E ikaw, bakit mo ko sinisigawan?!"

"Hindi kita sinisigawan!"

"E ayan nga o, sumisigaw ka!" Sabi niya at nakikita kong nagluluha na ang mata niya.

"Ikaw kasi e, bakit ka ba nagkakaganyan?" Maamong tanong ko sa kanya.

"W-Wala lang. Sige na umalis ka na!" Taboy niya sa akin. Alam kong may dahilan ito kung bakit siya nagkakaganyan. I've known her for 8 years na magkasama kami at alam kong may ayaw siyang sabihin sa akin.

"Bakit kayo nagsisigawan? Nag-away ba kayo?" Napatingin ako sa pintuan at nakita doon si Tita na may pag-aalalang tono sa pananalita niya.

"Hindi po, tita. Sige po, mukhang kailangan magpahinga ni Kerstein kaya uuwi na po ako." Sabi ko kay tita.

"Dito ka na maghapunan, Harold." Pag-aaya niya.

"Hindi na po Tita, salamat nalang po. Sige po at mauuna na ako."

Tumingin muna ako ng isang beses kay Kerstein at nakitang nakayuko lang ito. Ano bang problema niya? Naguguluhan na ako sa kinikilos niya. May nagawa ba akong mali at nagkakaganyan siya?

Lumabas na ako ng bahay nila nang gulong gulo ang isip. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko. Bakit ba siya nagkaganun?




Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon