Nabanggit niya sakin ang tungkol sa love letter daw na natanggap ni Harold kanina. Naisip ko kaagad si Kerstein dahil kaninang umaga rin ay nabanggit niya 'yung salitang 'love letter' nung hinabol ko siya dahil hindi siya namamansin. Iisa lang ba 'yung love letter na tinutukoy niya sa natanggap ni Harold?
Hindi na ko nagtanong pa kung ano pa ang ibang nangyari at kung sino ang nagbigay nun kay Harold. Iniba ko ang topic namin habang naghihintay sa dalawa na kanina pa namin hinihintay. Papaubos na nga itong kinakain namin ni Angel sa tagal nila dumating.
Habang nag-uusap kami nitong si Angel ay hindi ko talaga maiwasan ang mapatitig sa kaniya. Ang ganda niya kasi. Marami rin naman nagkakagusto rito kasi simple lang siya tapos maganda. Magaling din na cheer leader. Mabait din siya at medyo kalog kaya naman kayang kaya niyang pasiglahin 'yung mood.
"Nakikinig ka ba?" Pumalatak na sabi niya.
"Hahaha oo naman!" Sagot ko kahit na hindi ko naman talaga masyado nantindihan 'yung kinukwento niya ngayon.
Actually tapos na kami kumain at nag-uusap nalang kami ng kung anu-ano. Tapos napapatitig nalang ako sa mukha ni Angel. Kung pagmamasdan kasi ng mabuti ay napakaamo ng mukha niya. 'Yung mata niya na kulay brown lalo kapag nasisinagan ng araw. Maputi rin ang balat niya tapos matangos ang ilong at ang mga labi niya mapula. Napangiti ako habang dini-describe ko ang itsura niya sa isip ko.
"Hindi ka naman nakikinig eh!" Parang naiinis na sabi niya kay lalo ako natawa.
Nahinto kami sa pag-uusap nang matanaw namin ang kakapasok lang na si Harold na hila hila si Kerstein dito sa canteen. Dumating din! Napukaw ang atensyon ko sa mga kamay nila na magkahawak ngayon.
Pagkakita samin ni Harold ay agad siyang pumunta sa puwesto namin. Hila pa rin niya si Kerstein na parang wala na naman sa sarili niya.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Harold sa kaniya.
"Kahit ano." 'Yun lang ang sinagot ni Kerstein.
Nagkatinginan pa kami ni Angel at sabay na nagkibit-balikat. Pareho kaming hindi alam ang nangyari sa dalawang ito.
Pinaupo lang ni Harold si Kerstein sa tapat namin ni Angel at saka iniwan. Mag-oorder na yata iyon ng pagkain nilang dalawa. Gusto kong magtanong sa kaniya pero parang nakain ko ang dila ko at wala man lang akong masabi. Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Parang biglang tumahimik sa canteen pagdating nilang dalawa. Gulat din yata sila sa pagpasok nila dito sa canteen ng magka-holding hands.
"Ahm. Bakit ngayon lang kayo pumunta dito?" Sa wakas ay binasag ni Angel ang katahimikan.
"Uh-huh?" tila nagulat pa si Kerstein sa tanong ni Angel. Lutang na naman ba ito?
"Sabi ko bakit ngayon lang kayo ni Harold pumunta rito?" Pag-uulit ni Angel. Tumango tango lang ako. Ganun din naman kasi ang itatanong ko.
"Marami kasing taong nagkumpulan sa itaas kanina kaya nahirapan ako umalis doon. Tapos... tapos si Harold may kausap na babae." Medyo naiilang na sabi niya.
"Ang pogi talaga ni Harold 'no?" Napatingin kami ng sabay ni Kerstein kay Angel. Bigla niya kasi pinuri si Harold sa harap namin. "I mean. No harsh feeling girl!" Depensa pa nito.
"Ah oo." 'yan lang sagot ni Kerstein. Bigla kasi dumating itong si Harold.
Pinapanood nalang namin silang kumain. Parang nagkakahiyaan pa sila dahil hindi nila pinapansin ang isa't isa samantalang magkahawak kamay pa silang pumasok dito kanina. Napailing nalang ako at napaharap kay Angel saka binulungan ito. "Anong problema ng dalawang 'yan?
"Hindi ko rin alam." pabulong din na sagot niya sakin.
"Ahem." Pag-ubo ni Angel kaya napatingin ako sa kaniya. Inaagaw lang pala niya ang atensiyon nung dalawa na napagtagumpayan naman niya dahil tumingin sila sa amin. "A-anong nangyari sa taas at ang tahimik ninyong dalawa?" Pagkuwan ay tanong niya.
"Tsk. Naibalik ko na 'yung kanina." Walang ganang sabi ni Harold at nagpatuloy lang sa pagkain niya.
Nagkatinginan ulit kami ni Angel. Ano kayang problema ng mga ito? Pinagmasdan ko si Kerstein na panaka-nakang sumusulyap kay Harold. Tungkol ba ito 'dun sa love letter na sinasabi niya kanina? Tama ba ako na 'yung natanggap ni Harold kanina ay iyon din ang iniisip ni Kerstein? May alam ba siya? Kaya naman napailing na lamang ako sa naisip.
Tumunog na ang bell sa building namin hudyat na kailangan na naming bumaling sa klase. Naghiwa-hiwalay na rin kami dahil di naman kami magka-kaklase.
--
Uwian na at nandito ako ngayon sa bungad ng building namin. Dito ang hintayan namin. Ako ang unang na kababa sa kanila dahil maaga kaming pinalabas ng adviser namin. Mayamaya'y nakita ko ng sabay bumaba ng hagdan si Angel at Harold at tila nag-uusap pa ang mga ito.
Nilapitan ko sila kasi mukhang di nila ako napansin. "Angel, pauwi na kayo?" tanong ko sa kanila.
"Hindi pa. Papunta kami sa gym kasi may practice pa kami. You know naman diba na malapit na ang laban?" Oo nga pala. Next week na iyon!
"Oo pala." Nginitian ko sila. "Hintayin ko nalang si Kerstein. Sabay nalang kami uuwi." Tiningnan ko si Harold para makita kung ano ang reaksyon niya.
"Naku. Naitext na raw ni Harold kanina at ang sabi ni Kerstein ay manonood daw siya ng practice." Si Angel na ang sumagot sakin. "Ikaw ba baka gusto mong manood din? May gagawin ka ba?"
Nag-isip ako saglit. Wala naman akong gagawin kaya sige manonood nalang muna ako sa kanila. "Sige."
"Yun! Sige wait mo nalang si Kerstein ha? Sabay nalang kayo pumunta sa gym. Need na kasi namin mauna do'n." Halatang nagmamadali na sila kasi hinila na niya si Harold at halos patakbo na silang umalis. Tinanaw ko nalang sila hanggang sa lumiko na papunta sa direksyon kung nasaan ang gym.
After 5 minutes ay natanaw ko na si Kerstein na pababa ng hagdan kaya sinalubong ko na siya. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko rito. Kaunti nalang kasi ang mga estudyante na bumababa.
"May inayos pa kasi ako. Tsaka nahihiya akong lumabas kanina ng room ang dami kasing nakatingin sakin."
Out of curiosity ay tinanong ko siya. First time kasi yatang mailang ito sa mga tumitingin sa kaniya. Maganda rin naman siya, mas maganda nga lang para sa akin si Angel. "Ano bang meron kanina? At magka-holding hands pa kayo ni Harold ah!"
Nakita ko siyang bahagyang namula sa sinabi ko. "Ano kasi... ano nakita ko si Harold na may kausap na babae. Binalik yata niya 'yung binigay sa kaniya tapos nung nakita niya ako bigla nalang niya ako hinila."
"Holding hands? Kayo na ba? Yiiee!" Pangangantyaw ko pa sa kaniya.
Lalo siyang namula at hinampas ako. "Hindi ha! Hinila lang niya 'ko kanina sa kamay. 'Di 'yun holding hands!"
"Eh bakit sumisigaw ka?"
"Ikaw kasi eh! Kung ano ano sinasabi mo! Hmp!" At saka ako nilagpasan. hahaha cute. Nag-walkout.
Hinabol ko siya para masabayan sa paglalakad. "Manonood ka ng praktis nila diba? Tara sabay na tayo." Hindi niya ako pinansin kaya naman hinayaan ko nalang at tahimik namin nilakad ang daan papunta sa gym.
--
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Fiksi RemajaPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
