Dear Diary,
Dahil doon sa nangyari kahapon ay naging topic kami ng buong school. Hindi ko pala nasabi na naguidance kami kahapon. Pero syempre absuwelto kami kasi maraming nakakita kung sino ang naunang manakit at gumawa ng eksena kahapon. Dahil doon sa sinabi kong girlfriend ko si Kerstein ay ayun naging sikat kami syempre basketball player ako ng school kaya maraming nakakakilala sa akin. Si Kerstein naman parang biglang nahiya sa akin dahil umiiwas siya. Iniisip ko nga kung nahihiya siya dahil sinabi ko iyon pero hindi e, alam naman niya na ginawa ko lang iyon para tigilan na siya nung syota ni Chris. Kaya imposibleng nahihiya siya sa akin. Totohanin ko na kaya? De Joke!
It's me
Harold
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Fiksi RemajaPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
