Chris

1 0 0
                                        

.....

Matapos ang mahabang lakaran ay nakarating din ako sa tapat ng bahay nila Angel habang buhat siya. Pinindot ko ang doorbell nila ng dalawang beses. Sinulyapan ko ang relo sa aking mga bisig. "11pm na pala. Gising pa kaya 'to sila?" Para akong sira na kinakausap si Angel kahit na kanina pa malalim ang tulog sa likod ko.

Muli akong nag-doorbell at may narinig at nakita kong bumukas na ang main door nila. Lumabas doon ang isang ginang.

"Si Angel ba 'yan, hijo?" Tanong niya sa akin pagkabukas ng gate.

"Opo. Naparami po yata siya ng inom kasi nagkaroon ng after party matapos manalo ang university namin kanina." paliwanag ko.

"Ang apo ko talaga." Umiiling na sabi niya. "Sige hijo, paki dala nalang siya sa loob. Hindi ko naman siya kayang buhatin papasok." Binuksan niya ng malaki ang gate nila at nauna nang maglakad sakin para ituro kung saan ko dadalhin ang apo niya.

"Dito ang kuwarto niya, hijo." Binuksan niya ang kuwarto na itinuro niya at pumasok kami sa loob. Tiningnan ko ang kabuuhan ng silid. Baby pink ang pintura ng silid at malaming nakasabit na medalya at picture. Marami rin siyang trophy na nakapatong sa cabinet.

Napansin siguro ng lola ni Angel na pinagmamasdan ko ang kabuuhan ng silid kaya nagsalita ito, "simula elementarya ay mahilig nang sumali sa mga contest sa school si Angel."

Nakikinig lang ako sa kaniya habang marahan na ibinababa si Angel sa kama nito.

"Maraming salamat sa paghatid sa apo ko, hijo."

"Walang anuman po." Magalang na tugon ko. Tiningna ko siya at saka ngumiti. Anything for Angel naman.

"Magkaklase ba kayo ng apo ko?"

Muli kong sinulyapan si Angel na mahimbing pa rin ang tulog. "Hindi po kami magkaklase... schoolmate lang po kami. Magkaibigan po."

"Hmm. Halika muna sa kusina at para makainom ka ng tubig. Sigurado kong nauuhaw ka na dahil binuhat mo si Angel papunta rito."

Dahil sa alok ng lola ni Angel ay nakaramdam nga ako ng uhaw. Sinundan ko siya papunta sa kusina nila. Isang palapag lang ang bahay nila at mayroong dalawang kuwarto, may kusina at maliit na sala.

"Dalawa lang po ba kayo rito?" Hindi ko mapigilan ang sarili sa kuryosidad. Iniabot niya sa akin ang isang baso ng tubig kaya tinanggap ko agad ito at ininom.

"Oo hijo.  Dalawa lang kami rito. Bata palang si Angel nung mawala ang mga magulang niya kaya ako na ang nagpalaki sa apo ko." Tumango-tango lang ako sa mga sinabi ng lola ni Angel.

Hindi na rin ako nagtagal sa kanila at nagpaalam na rin ako sa lola niya.

"Mag-iingat ka sa daan hijo. Salamat ulit sa paghatid sa apo ko."

"Opo. Salamat din po."

---

Pagkapasok ko sa campus namin ay kita ko agad ang malaking tarpulin ng cheering squad at basketball team na may nakalagay na congratulations dito. Agad akong napangiti pagkakita sa larawan ni Angel. Napakaganda talaga niya. Nag-champion ang team nila Harold matapos manalo sa finals.

Patapos na ang school year namin at pinaghahandaan na ang graduation sa buong campus. Pumasok na ako sa building at nakita ko na naman ang tutulang si Kerstein.

"Kerstein!" Tawag ko sa kaniya at hinawakan ang balikat niya.

"AY KALABAW!" Natawa ako sa reaksyon niya. Lutang na naman talaga siya ang aga-aga. "Ano ba, Chris? Palagi mo nalang ako ginugulat!?" Bulyaw niya sa akin sabay hampas sa braso ko.

"Ow! Hahaha kasi naman... tulala ka na naman diyan. Ano bang iniisip mo?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Inirapan lang niya ako nang makitang tinatawanan siya. "Wala! Iniisip ko lang kung saan makikita si Mr. Reyes dahil kahapon ko pa siya hinahanap at siya nalang ang hindi nakakapirma rito sa clearance ko." Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang papel.

"Ah... goodluck! Hahaha!" Sinimangutan niya ako kaya tumigil ako sa pagtawa.

"Nakapagpapirma ka na ba sa mga teacher mo?" sunod na tanong niya sakin.

"Oo, kahapon pa ko tapos." Tumatangong sagot ko. Hindi naman kasi mahirap hanapin ang mga teacher ko.

"Buti ka pa." Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan niya.

Naglalakad lang kaming dalawa hanggang madaanan namin ang canteen. Nakita kong huminto si Kerstein kaya tinanong ko siya. "Hindi ka pa ba kumakain?"

Umiling-iling siya. Pumasok siya sa loob ng canteen at agad ko namang sinundan. "Maaga akong pumasok para hanapin si Mr. Reyes pero bigo pa rin ako." Lugmok na sabi nito. "Hanap ka ng mauupuan natin, bibili lang ako."

Naghanap na 'ko ng mauupuan naming dalawa. Pagkaupo ko palang ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Nakita kong si Angel ang nagtext kaya agad ko iyong binuksan.

From Angel:
Pumasok ka ba?

Napangiti ako sa text niya.

To Angel:
Oo, nandito kami ni Kerstein sa canteen.

Natanaw kong papalapit na si Kerstein sa puwesto ko na may bitbit ng tray ng pagkain.

From Angel:
Okay. Papunta kami ni Harold diyan.

"Oh, bakit parang kilig na kilig ka riyan sa cellphone mo?" Nag-angat ako ng tingin kay Kerstein na nakaupo na ngayon sa harapan ko. "Ito binilhan na rin kita ng sandwich para naman hindi ako mailang dito habang kumakain at ikaw ay hindi."

Iniabot niya sa akin ang egg sandwich na binili niya. "Salamat. Si Angel ang nagtext... sabi niya pupunta raw sila ni Harold dito." Paliwanag ko bago kumagat sa egg sandwich na binigay ni Kerstein.

"Okay." Ngumunguyang sagot niya.

Hindi pa man kami tapos sa pagkain ay sumulpot na si Harold at Angel sa tabi namin.

"Hi!" Masiglang bati ni Angel at umupo sa tabi ko.

"Hello?" Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng kaba pagkadating niya.

Si Harold naman ay pumunta sa gawi ni Kerstein at hinalikan ang tuktok ng ulo nito bago umupo sa tabi.

"Natapos niyo na ba ang clearance n'yo?" Tanong ni Angel samin kaya naman si Kerstein ay biglang sumimangot ulit.

"Oo tapos na 'ko." ngiting sabi ko.

"Ikaw Kerstein?" Baling ni Harold sa katabing nakasimangot.

"Hindi pa nga. Si Mr. Reyes kasi hindi ko mahagilap. Siya nalang ang kulang ko." Nakasimangot na sabi nito.

"Galing ako kay Mr. Reyes, nasa faculty siya ngayon kadarating lang."

"Talaga?" Muling nabuhayan si Kerstein sa narinig.

"Oo. Bilisan mo na riyan at samahan na kita sa kaniya."

Tumango naman si KErstein at nagmadaling ubusin ang pagkain niya. Mayamaya ay nagpaalam na rin silang dalawa. Kaming dalawa nalang ni Angel ang naiwan dito sa canteen.

"Ano palang kukunin mong course sa college?"

"Anong ite-take mo sa college?"

Halos sabay na tanong namin kaya pareho kaming natawa.

"Culinary kukunin ko. Mahilig kasi akong magluto."

"Hmm. Pareho pala kayo ni Kerstein."Sabi ko.

"Talaga?" Namilog ang mga mata niya sa pagkabigla kaya natawa ako.

"Oo. Siya mismo nagsabi niyan. Gusto raw niya kasi mag-business ng restaurant kaya iyon ang kukunin niya."

"Ang galing naman. Pareho pala kami! Sana magka-klase kami 'no?" Nakangiting sabi niya. "Teka ikaw? Anong kukunin mo?" Tanong niya ulit.

"Hindi pa ko sigurado. Pag-iisipan ko muna." Tumango nalang siya.

Hindi ko pa rin kasi napag-iisipan kung ano nga ba ang kukunin kong course sa college kaya ayaw ko pang magdecide ngayon.

----

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon