Naabutan ko sila mama at Harold sa kusina na masayang nag-uusap. Pagkarating ko roon sa harap nila ay ang ganda ng mga ngiti nilang dalawa sakin.
"Anak, maupo ka na rito para makapag-agahan muna kayo bago pumunta sa pupuntahan ninyo." Sabi ni mama.
Nakapagpaalam na pala si Harold sa kaniya.
Umupo ako sa tabi ni mama na katapat ni Harold. Tiningnan ko si Harold at hindi pa rin naaalis ang mga ngiti niya sa akin kaya naman na-concious ako sa itsura ko. Pinanlakihan ko siya ng mata para malaman niya na naiilang ako sa pagtitig at pagngiti niya sakin.
Para pa siyang nagpigil ng tawa base sa nakita kong reaksyon niya. "Mga anak, masaya ako para sa inyong dalawa. Basta pag-aaral muna ang uunahin ninyo ha?" Napalingon ako kay mama.
Nagtataka ang itsura kong bumaling kay Harold dahil siya ang sumagot kay mama. "Opo, Tita." Ngiting sabi niya bago ako binalingan at nginitian din. Napangiti nalang ako ng pilit dahil hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Natapos ang pagkain namin kaya nagpaalam na rin kami kay mama.
Naglalakad kami ngayon ng magkahawak kamay. Iba 'yung saya ng puso ko ngayon.
"Kerstein, saan mo gusto pumunta?"
Nag-isip naman ako ng magandang puntahan namin ngayon. "Sa may mall nalang tayo."
"Sige."
Sumakay kami ng jeep at pumunta sa SM. Pagkarating namin ay tumungo agad kami sa arcade. Doon nagpalipas ng oras. Naglaro kami sa basketball at nagpataasan kami ng score. Siyempre dahil basketball player siya ay kahit isang beses hindi ako nanalo sa kaniya. "Ang daya!" Reklamo ko.
"Hahahaha! Galingan mo kasi!" Pang-aasar pa niya sakin.
"Tara doon naman tayo sa toy catcher!" Pag-aaya ko. "Kuha mo ko nun o si Spongebob!" Turo ko pa sa isang machine.
"Mahirap yata 'yan."
"Hindi mo pa nga sinusubukan suko ka na?" Napairap ako sa kanya at sumimangot. Kasi naman. Wala pa nga siyang ginagawa nahihirapan agad?
"Oo na. Ita-try ko na nga haha" Pagpayag din niya kaya napangiti ako ulit.
"Ayan! Ayan na! Ay!Hahahaha" Nakuha na kasi niya tapos nabitawan ulit.
"Sabi sayo may daya iyan eh!" Reklamo na naman niya. Pang limang beses na kasi niya itong sinubukan kunin.
"Sige na please. Last nalang!" Pagkukulit ko sa kaniya.
"Sige na nga! Last na ah?" Tumango naman ako. Wala siyang nagawa kaya naghulog ulit siya. This time ay seryoso na talaga siya sa ginagawa niya. Sinipat sipat pa talaga niya ng mabuti yung claw kung sakto ba ito sa kukunin niya.
Nag-cross finger pa 'ko dahil last na talaga iyon at ayaw na ni Harold kasi madaya daw. Ayan pinindot na niya ang catch. Sabay namin sinundan ang claw na pababa. Nakuha na siya si Spongebob at iniangat ito. Dahan dahan pa at parang naka slow motion. Nung malapit na siya sa butas ay biglang lumuwag 'yung pagkakahawak ng claw kaya nabitawan niya si Spongebob. Mabuti na lang ay tumama ito sa isa pang manika kay bumanda siya papunta sa butas! "Yehey!" Napatalon ako dahil nakuha niya si Spongebob. Agad kong kinuha iyon at niyakap.
"Tsamba. Hahahaha!" Nagtawanan kaming dalawa dahil sa nangyare.
"Swerte!Hahahaha"
"Saan na tayo? May dalawang token pa ako rito." Sabay pakita sakin ni Harold ng hawak niyang token.
"Doon tayo!" Turo ko sa live karaoke. 2 tokens ang kailangan doon para makakanta. Hinila ko siya para walang kawala at hindi na makaapela.
Paglapit namin doon ay may mga nakapila pa na kakanta. Tatlo pa naman 'yon kaya may oras pa kami para makapili ng magandang kantahin. "Ano gusto mong kantahin?" Siniko ko siya dahil hindi ako makapili.
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
JugendliteraturPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
