Harold

3 0 0
                                        

Sobrang saya ko ngayong araw at siyempre araw-araw na. Nakalabas na kami sa gym at hawak kamay kaming naglalakad ni Kerstein papalabas ng University. Mabuti nga at pumayag si manager sa ginawa ko kanina. Kinikilig daw siya sa ideya ko kaya naman hindi niya ako hinadlangan sa plano ko na panliligaw kay Kerstein sa loob ng gym at harap ng maraming schoolmates namin. Isa rin siya sa naging supporters ko sa panliligaw ko kanina. Kaya laking pasasalamat ko sa kaniya at sa teammates ko pati narin sa cheering squad na nag effort pang samahan ako sa gitna para hindi ako kabahan. Nagulat kasi ako sa dami ng tao ang nanood ngayong araw, Iyon pala ay inimbitahan ng mga kasama ko 'yung mga kakilala nila tapos kumalat na 'yung balita na may liligawan ako sa araw na ito. Dahil sa kagustuhan na masaksihan ang panliligaw ko ay nanood sila ng practice namin pati ng panliligaw ko.

Nagulat ako dahil biglang huminto si Kerstein kaya napatigil din ako sa paglalakad nahigit niya kasi 'yung kamay ko. "Hala sila Chris naiwan!" Pagkuwan ay sabi niya na tila ngayon lang niya naalala na may kasama kami. Ang cute talaga nito!

"Hahaha hayaan mo na sila. Malalaki na iyon. Tsaka sabay naman na si Chris at Angel umuwi iisa lang din naman ang daan nila pauwi."

"Okay."

"Lakad nalang tayo pauwi, malapit lang naman."Pag-alok ko sa kaniya. Gusto ko rin siya makasama ng matagal ngayong araw kasi mag-boyfriend at girlfriend na kami. Susulitin ko lang muna kahit na alam kong araw-araw naman na kaming magkakasama.

"Ang galing mo palang kumanta. Bakit ngayon mo lang 'yon ginawa?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Napakamot ako ng ulo ko kahit wala naman akong kuto.

"Wala naman akong hilig sa pagkanta." Binalik ko ang tingin ko sa daang tinatahak namin.

"Tapos marunong ka rin maggitara ang galing!"

Natatawa ako sa reaksyon niya. Hindi ko pa kasi siya tinutugtugan dahil hindi ko rin naman hilig iyon pero libangan, oo. Kapag boring ako ay tumutugtog ako. Hindi ko alam kasi pokus ako sa pag-aaral ko. Kapag may extra time lang at boring ako ay ginagawa ko iyon.

"Nandito na tayo, pa'no ba 'yan?"

"Pasok ka muna kaya sa loob?" Tinuro pa niya 'yong pinto nila.

"Hindi na. Anong oras na rin. Bukas punta ako rito labas tayo?" Sabado bukas kaya wala kaming pasok.

"Sige. Sunduin mo nalang ako para makapagpaalam ka na rin kay mama." Nakangiting sabi niya sakin.

Niyakap ko siya at hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya. Mahal na mahal ko talaga itong babaeng kaharap ko. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya at iniharap siya sa pintuan ng gate nila. Marahan ko siyang itinulak. "Sige na pumasok ka na. Kita nalang tayo bukas."

"Bye." iyon na lamang ang sinabi niya at pumasok na siya ng tuluyan sa bahay nila.

--

*Kinabukasan*

Maaga akong nagising kasi susunduin ko pa si Kerstein sa kanila. Dali-dali akong nagbihis. "Ma! Aalis na po ako!" Paalam ko kay mama na nasa kusina ng mga oras na ito. Busy akong nagsusuot ng sapatos.

"Ang aga mo naman? May pasok ka ba ngayon?" Lumabas si mama sa kusina at may hawak pa na sandok.

"Wala po, Ma. May lakad lang kami ni Kerstein. Pupuntahan ko pa po kasi siya sa kanila." Tapos na rin akong magsapatos at saka tumayo at hinalikan sa pisngi si mama.

"Hindi ka na ba kakain dito?"

"Hindi na po."

"Sige hintayin mo nalang itong niluluto ko at pagdalhan mo sina Alma ng ulam." Pagtukoy nito kay Tita Alma na mama ni Kerstein.

"Opo." Wala na akong nagawa kung hindi hintayin matapos iyong pagbabalot ni mama ng ulam.

"Ito na, anak. Ibigay mo 'to ha." Iniabot sa akin ni mama 'yung paperbag na dala-dala niya galing kusina.

"Opo."

--

Naglalakad na ako papunta sa bahay nila Kerstein. Ilang bahay lang naman ang layo namin sa isa't isa. Pinindot ko ang doorbell pagkarating ko dito sa tapat ng bahay nila. Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan nila at lumabas doon si Tita Alma. Agad niya akong pinagbuksan ng gate at pinapasok.

"Ikaw pala iyan, Harold. Pasok ka." Binuksan niya ng malaki ang gate para makapasok ako.

"Salamat po."

"Ang aga mo yata? May lakad ba kayo?" Tanong niya sakin habang sinasara niya ang gate nila.

"Opo. Ito po pala tita pinabibigay ni mama." Itinaas ko ang hawak kong paperbag. "Nagluto po siya ng ulam at pinagbalutan niya kayo nung malaman niya na rito ako pupunta." Paliwanag ko pa.

"Naku nag-abala pa si mama mo. Pakisabi salamat." Kinuha niya sakin ang hawak kong paperbag at pumasok na kami ng tuluyan a loob ng bahay nila.

"Tita si Kerstein po pala?" Tanong ko dahil wala pa siya rito sa sala nila.

"Tingnan mo na lang sa itaas at baka hindi pa bumabangon. Ayain mo ng bumaba rito para mag-agahan. Ikaw ba kumain na?" Umiling ako bilang sagot. "Sige maghahanin na 'ko at sumabay ka na rin mag-agahan sa amin."

"Sige po."

Umakyat na ako sa kuwarto ni Kerstein. Kumatok ako ng dalawang beses bago iyon bumukas. Bumungad sa harap ko si Kerstein na magulo pa ang buhok at halatang bagong gising. Naniningkit pa ang mata niya nung tignan ako at bahagyang lumaki nung nag-sink in siguro sa kaniya kung sino ang nasa harapan niya ngayon kaya natawa ako. "Bilisan mo na kumilos at kakain na daw tayo sa baba sabi ni tita." Natatawang sabi ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko at niyakap ko siya at hilakan ang tuktok ng ulo niya. "Sige hintayin mo nalang ako sa baba maligo lang ako." Gaya ng sabi niya ay bumaba na ako.

Naabutan ko sa kusina si Tita Alma na nag-aayos ng mga pinggan sa lamesa. "Maupo ka na rito, Harold. Si Kerstein ba nakaayos na?" Umupo ako sa upuan na hinila pa ni Tita para sakin.

"Nagbibihis pa po siya. Sabi niya ay bababa na rin daw siya mayamaya."

"Hmm." Nagsasandok na siya ng pagkain nang bigla siya nagsalita ulit. "Kumusta pala ang panliligaw mo sa anak ko?"

"P-po?" Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa tanong niya. "A-ah. 'Yun nga po Ti-tita, si-sinagot na po ako ni Kerstein." Nauutal na sabi ko sabay hawak sa batok ko. Parang biglang nangati kasi.

"Ganun ba?" Masayang sambit nito sakin. "Maganda naman pala kung gano'n. At least I know that my daughter is in good hands." She smiled at me. Nakaramdam ako ng hiya dahil napaka-genuine ng ngiti ni Tita. Ginantihan ko rin siya ng ngiti kahit parang ang awkward ng nararamdaman ko.

Mayamaya ay dumating na rin sa kusina si Kerstein. Simple lang ang suot niya shirt at jeans lang pero ang ganda pa rin niya. Isa rin ito sa mga nagustuhan ko sa kaniya, napaka simple lang niya at di na kailangan pa ng mga abubot sa mukha bago lumabas ng bahay.

--

Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon