Sana talaga ay magkatuluyan na si Harold at Kerstein. Alam ko na rin na may gusto sa akin si Harold NOON. Pero iba na kasi ngayon. Halata naman na mahal nila ang isa't isa. Pinapahirapan pa nila ang mga sarili nila. Sa totoo lang, ako ang nagpu-push kay Harold na ligawan na niya si Kerstein. Totorpe-torpe pa kasi. Alam ko nakapagpaalam na siya sa mama ni Kerstein na manliligaw siya rito pero di ko alam kung bakit parang naudlot iyong dapat na panliligaw niya.
Pinauna ko nang umuwi si Harold. Naikuwento niya kasi sa akin ang tungkol sa diary raw niya. Natawa pa nga ako nang sabihin niya iyon. Hello! 2017 na kasi. Uso pa pala 'yun? Nasabi rin niya ang tungkol sa sulat ni Kerstein. Kinikilig nga ako sa kanila. Sabi ko sa kanya na pagkakataon na niya iyon para makadiskarte kay Kerstein.
Kasama ko si Chris ngayon. Nakita ko siya sa may tindahan ng fishball kanina at sabay na kaming umuwi. Madaldal din siya at hindi mahirap pakisamahan. Parang si Harold lang din.
Natatawa pa rin ako pagkababa ni Chris sa jeep. Pa'no ba naman ay muntikan na siyang lumagpas sa pagkatulala sakin. Agad ko ngang pinunasan ang mukha ko dahil baka may dumi ito kaya siya nakatingin sakin kanina. Hanggang sa makababa na ko sa destinasyon ko ay naiiling pa rin ako sa mga nangyare.
Paikot-ikot ako sa kama at hindi ko makuha ang antok ko. Ano ba naman 'to? Bakit ba hindi ako makatulog?
Napukaw ng cellphone ko ang atensyon ko. Oo nga pala! Meron akong number ni Chris. Agad akong tumayo para kunin ang cellphone ko sa cabinet.
"Gising pa kaya 'to?" Napakagad labi ako at napahingang malalim bago pindutin ang call. Ilang saglit lang ay may sumagot sa kabilang linya.
**
Pagkarating ko sa school ay agad akong tumungo sa gym dahil may praktis kami dahil may laban ang mga university ng basketball at syempre cheering din.
Iginugol ko na ang oras ko sa pagpapraktis dahil malapit na rin ang laban. Simula nang makipaghiwalay ako sa boyfriend ko ay dito na ako naglalagi sa gym. Kung minsan naman ay kasama ko si Harold. Friends na rin naman kami at palagi rin kami nagkakasama dahil nga isa siya sa mga player ng basketball. Magaling din siya maglaro kaya maraming humahanga sa kaniya. Hindi rin mawawala ang mga bulungan tungkol sa tunay na relasyon naming dalawa. Kapag makakarinig kami ng mga bulungan about sa amin ay pasimpleng pinagtatawanan nalang namin ito. Siyempre alam namin kung ano ang totoo.
Hindi naman kami nagkaroon ng ilangan noong nanligaw siya sa akin. Iniwasan ko lang din siya dahil nga sa boyfrend ko noon. Ayaw ko siyang mapahamak nung mga panahon na iyon kaya ako na ang lumayo. Pero nung naghiwalay kami dahil na rin nawalan ako ng oras sa kaniya, at hindi lang dahil sa wala akong oras kaya kami naghiwalay kundi nakita ko na may kahalikan siyang babae! Sobrang sakit nung mga pahanong iyon at ayaw ko nang maalala pa. Kaya ang lahat ng oras ko ay iginugol ko sa praktis namin.
Hindi madaling makapag move on lalo at mahal mo 'yong tao. Oo, minahal ko ang boyfriend ko kahit na sisiga siga siya! Pagdating naman sa akin ay malambing siya. Iyon nga lang ay naghanap ng iba. Alam ko rin ang pagkukulang ko bilang girlfriend niya. Simula kasi ng sumali ako sa cheering squad ay nabawasan ang oras ko sa kaniya. Minsan ay hindi pa ko nakakapagreply sa mga text at tawag niya. Isama mo pa na magkaiba ang school na pinapasukan namin. College na kasi siya samantalang ako ay 4th year high school. Graduating na rin naman ako this year at ang usapan namin ay doon din ako papasok sa school na pinapasukan niya. kahit na may college building dito sa university na pinpasukan ko ay balak ko sanang sumunod sa boyfriend ko. Pero hindi na mangyayari iyon ngayon dahil nga hiwalay na kami. Kaya dito nalang din ako sa University magpapatuloy ng pag-aaral ko.
Pumasok ako sa gym at naabutan ang mga kasama ko cheering aquad. Mga nag-i- stretching na sila dahil nga may practice kami. 6am palang at maaga pa para sa first class namin which is 8am kaya may oras pa kami mag-practice. Nandito na rin pala ang basketball team at naglalaro sila sa kabilang court.
Napalingon ako kay Harold na nakaupo one of the bleachers at umiinom ng tubig. Kaya naman nilapitan ko siya para kumustahin kung ano na ang status nilang dalawa ng bestfriend nitong si Kerstein na ngayon ay nililigawan na niya.
"So.. kumusta naman kayo?" Agaw ko sa atensyon siya. Medyo nasamid pa nga siya dahil siguro sa hindi niya inaasahang pagsulpot ko.
Nang maka-recover sa kanyang pag-ubo ay saka siya sumagot. "Ikaw pala. Ayun, liligawan ko na siya ulit." May sumilay na ngiti sa mga labi nito. Mukhang malakas talaga ang tama nito sa bestfriend niya ah!
"Anong plano mo?" Pag-usisa ko sa kaniya. Syempre dapat supportive tayo. Friends naman kaming dalawa after all.
"Pinag-iisipan ko pa. Sabihan nalang kita kung ano gagawin ko para na rin alam ko kung tama ba 'yon at hindi papalpak." Natawa pa siya at napailing sa sinabi niya. Tinanguan ko lang siya.
Ano kayang pinaplano nito? Nae-excite naman ako! Nakakakilig mag-isip dito parang ako yung liligawan e! Hahaha! Gwapo itong si Harold kaya no wonder na maraming nagkakagusto rito. Ang dami nga niyang fans kahit hindi naman siya yung ace ng basketball team.
Nabalik ako sa katinuan nang biglang may babaeng lumapit sa amin, actually kay Harold. Napatingin ako sa babaeng lumapit at may iniabot pa siyang box na alam kong chocolate iyon at may papel pa na kasama na sa tingin ko ay sulat. Love letter ba 'yon? Nangunot ang noo ko sa iniisip. Ang lakas talaga ng hatak ni Harold sa mga babae!
--
Author's note:
After ilang years nakabalik din ako! Marami lang akong pinagdaanan kaya ganon. Sorry kung natagalan sa pag-update! (ToT) Ini-illaborate ko pa kasi ang mga naumpisahan ko.
Pabasa na rin po ang ibang complete stories ko
KAPATID R18+
MAHAL KO O MAHAL AKO
At yung mga short stories!
Salamat! Love lots!
-Cessay
BINABASA MO ANG
Diary ni Crush
Teen FictionPaano kung ikaw ang makapulot ng diary ng crush mo? Iyan ang tanong ni Kerstein sa lahat dahil sa napulot niyang diary na pagmamay-ari ng kaniyang bestfriend slash crush na si Harold. Will that diary continue their friendship?
