Chris

100 5 0
                                    



Seryoso na rin pala si Harold na ligawan si Kerstein. Kaya lang mas nauna akong magpaalam sa magulang ni Kerstein. Hindi ako aatras, lalabanan ako.


"Kerstein!" Tawag ko sa kanya. Dinaanan niya lang ako. Parang wala ito sa sarili niya. Siguro ay naguguluhan siya kung sino ang pipiliin niya sa amin ni Harold.


"Kerstein!" Tawag ko ulit. Hindi niya ako pinapansin at dirediretso lang siya sa paglalakad.


"Kerstein!" Sa pagkakataong ito ay nilapitan ko na siya at hinawakan sa balikat.


"Ah!" Gulat na sambit niya.


"Hayy, buti naman at napansin mo na ako. Kanina pa kita tinatawag hindi mo ako nililingon. May problema ka ba?" 


"Ha?" Para siyang zombie. Wala ata rito ang katauhan niya eh.


"Sabi ko kung may problema ka?" Pag-uulit ko.


"W-Wala.. Ikaw pala yan Chris," Eh? Kanina ko pa siya kinakausap tapos 'di niya alam na ako kausap niya? Nakadrugs ba 'to? Kung oo, okay lang naman sa'kin, gusto ko parin siya.


"Naka-drugs ka ba?"


"Sira! Hindi 'no!" Sabi niya sabay hambpas sa braso ko. Ouch ha! Palagi niya itong ginagawa sa akin. Nasasanay na nga rin ako sa mga hampas niya eh. I find it sweet.


"Hahaha. Biro lang. Ikaw kasi. Kanina pa kita kinakausap tapos 'di mo pala alam na ako kausap mo." Kunwari'y malungkot kong sabi.


"Huy, madami lang talaga ako iniisip. 'Wag ka na magtampo d'yan."


"Sige sabi mo eh." At nginitian ko siya. Arte ko lang naman yung kanina eh.


"Wow. Mood swing? Kanina malungkot ka tapos masaya ka na ngayon?"


"Hahaha." Tinawanan ko lang siya.


"Psh. Baliw." Narinig kong bulong niya.


""Baliw sa'yo. " Nakangiting sabi ko.


"Che!" Irap niya sa'kin.


"Pero seryoso. Bakit tulala ka kanina? Dahil ba sa amin ni Harold?" I asked straight to the point. 


"Ha? Ah.. Eh.." Nabigla siya sa tinanong ko. Tama pala hinala ko. Dahil sa'min ni Harold kaya tulala itong si mahal. 


"Ih.. Oh.. Uh?" Tuloy ko sa sinabi niya.


"Never mind! 'Wag mo ng intindihin yung tanong ko. Uuwi ka na ba?" Pagbabago ko ng topic. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya. Dalawang gwapo ba naman ang manligaw sa'yo 'di ka ba maguguluhan?


____



Diary ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon