PROLOGUE

1.9K 94 17
                                    

Pag karating na pag karating sa parking lot ng eskwelahan ay agad tinignan ni Rynnah ang muka sa rear-view mirror ng kanyang sasakyan. Agad na kinuha ang lipstick para patungan ang ilang bahagi na nabura sa kanyang labi. Himinga sya ng malalim at tinanaw ang dalawang sasakyan na naka parada sa magkabilang side ng sasakyan nya, ng makitang bumaba na ang mga kasama ay agad nyan isinuot ang shades nya at tuluyan na ding bumaba ng sasakyan. Lumapit sakanya ang dalawang kaibigan na galing din sa kanikanilang sasakyan. Mapapansin na ang parking area nilang tatlo ay exclusive lamang para sa kanila

"READY?" tanong ni Carrie isa sa kaibigan ni Rynnah

"Syempre naman" sagot ni Gabby isa pang kaibigan ni Rynnah. Nag simulang mag lakad ang tatlo, nasa gitna si Carrie habang nasa magkabilang gilid naman si Rynnah at Gabrielle. Second year college taking up business management ang kurso nilang tatlo

Mula sa kanan ay si Gabrielle Ferrer, sa tatlong mag kakaibigan ito ang pinaka madaling lapitan. Batid man ng dalaga na kabilang sya sa sikat na grupo ng mag babarkada pero marunong parin itong makisalamuka sa iba. Anak si Gabrielle o mas kilalang si Gabby ng may ari ng malalaking racing car dealer, sila din ang may ari ng pinaka malaking race track sa buong pilipinas na syang tambayan ng mga mayayaman na ang tanging libangan ay makipag race at ipusta ang mga sasakyang nag kakahalaga ng milyon milyong salapi na para sa kania ay barya lang.

Mula sa gitna, Carrah Misakie Acosta mas kilala bilang si Carrie. Nag mamay ari ang pamilya nito ng isang malaking agency para sa mga aspiring artist. Sa kanilang tatlo si Carrie ang madalas pinag kakakaguluhan ng kalalakihan. She's an epitome of perfection. Hindi lamang ganda ang panlaban nito ngunit maging talino. Walang kahit sinong lalake ang hindi mag kakagusto sa dalaga ngunit marahil dahil alam nya ang angking karisma ay hanggang ngayon ay hindi parin ito pumapasok sa mga relasyon. For her relationship is just a game wherein kapag ayaw na nya madali nalang nya itong itatapon.

At ang huling myembro ng grupo na tinatawag na POSH ay si Rynnah Krixel Apostol Lopez. Anak sya ng CEO ng Lopez Group na si Ryder Axel Lopez at ang ina na si Kristina Apostol na nasangkot noon sa isang kontrobersya ng maging isang Alcantara ito noon para lamang hindi matuloy ang kasal nila ni Thomas Blaze Alcantara ngunit naibalik din ang apilyidong Apostol bago mag pakasal kay RARA Lopez.

POSH, yan ang tawag sa kanilang tatlo. Hindi naman sila mean girls kagaya sa mga pelikula pero ang grupo nila ang pinaka matunog sa buong campus ng Mallows Academy - College at maging sa Highschool division.

Wari mo mga modelo silang nag lalakad habang nahawi naman ang nag kukumpulan na mga kalalakihan na humahanga sa kanila maging ang ilang kababaihan na naiingit at nag hahanggad na maging kaibigan ang tatlo.

Tinaas ni Rynnah ang shades na suot at inilagay sa ulo, agad na kumindat ito sa isang lalake na nadaanan nila at akala mo naman mahihimatay ang lalakeng kinindatan nya. Habang si Carrie naman ay patay malisya sa kasikatan na natatamo nilang mag kakaibigan. Maya maya lamang ay hingal na hingal na umakbay si Zhiek ang boyfriend ni Gabby sakanya.

"Late ka nanaman" inis na singhal ni Gabby

"Sorry baby hirap mag park e, bakit kasi hindi pwedeng sabay na tayo pumasok araw araw" sagot ni Zhiek

"Edi na late din ako" mataray na sagot naman ni Gabby

Patuloy na nag lakad ang mag kakaibigan sa kahabaan ng field dahil madadaanan ito bago makarating sa building nila for their next class.

"Tabiiiiii" sigaw ng isang lalake na galing sa football team na nag lalaro sa field, agad tumakbo paiwas sila Carrie, Gabby at Zhiek sa papalapit na bola sakanila habang napatunganga naman si Rynnah na parang nawala sa sarili na hindi alam ang gagawin

"Rynnah umiwas kaaaa!" sigaw din ni Carrie dahil papalapit na ang bola, ngunit parang natuod ang mga paa ni Rynnah.

Papalapit ang bola at napapikit na lamang si Rynnah dahil hindi nya makayang pakilusin ang mga paa. Parang inaantabayanan nalang ng katawan nya ang sakit na mararamdaman sa pag dating ng bola papunta sakanya. Pero may humila sa mga kamay nya, agad napadilat ang mga mata nya at nag tama ang mga mata nila ng lalakeng humila. Parang slowmotion ang naganap ng hilahin sya ng lalake, umikot sila ng ilang beses para makaiwas sa bola na tatama sakanya

Parang may musikang tumunog sa utak nya habang nakatitig sya sa lalake

"Hold my hand, you should feel no shame
Close your eyes, understand that I'll be the one to stand here, to take away your pain"

liriko ng kantang tumugtog sa mga isip nya, sobrang lapit nilang dalawa halos marinig nya ang pag habol ng lalake sa hininga nya marahil sa pagod ng iligtas sya nito at maging ang pag tambol ng tibok ng puso nya.

"B-blake" wari mo'y nasa alapaap na sambit nya, ngunit mabilis na bumalik sa kasalukuyan ang isip nya ng makaramdam na malamig na tumapon sa buong katawan nya.

Nilingon nya ang pinangalingan nito, mula sa taas. May hagdanan na siyang kinatutungtungan ng nag gagarden sa school. Ito ang paraan ng pag didilig nito sa mga halamang nasa mataas na parte at hindi abot ng hose

Nabasa sya ng mabuhos ang laman ng timba sakanya mula sa taas, ito ang tinamaan ng bilang iniwasan nila

"My gaaahhhhdddd!" tiling sigaw nya ng makabawi sa pag kabigla "Bakit hindi ho kayo nag iingat!" galit ni Rynnah sa hardinero

"Maam sorry po, yun po kasing bola na papalapit sa inyo e agad na sinuntok nyang gwapong katabi nyo at tumama po sa timba na nandito sa taas" paliwanag ng hardinero

"Look what you've done!" inis na sambit ni Rynnah kay Blake "Kasalanan mo to!" sisi pa nya

"Ikaw na nga ang iniligtas ikaw pang galit, bakit hindi ka muna mag pasalamat?" walang kagana ganang sagot ni Blake sakanya

"Sino bang may sabi na tulungan mo ko, mas gugustuhin ko pa na tamaan ng bola kesa sa kahihiyan na pumasok na basang basa ang damit" inis na sabi ni Rynnah

Parang tuod naman ang tatlong mga kaibigan ni Rynnah na hindi mapigilan ang dalawang nag aaway

"Oh" sabi ng binata sabay abot ng susi kay Rynnah

"Ano to?" tanong nya

"Susi ng locker ko, nandun yung P.E uniform ko, kunin mo nalang at mag bihis ka" sabi ni Blake at walang ano ano ay tinalikuran sya at nag simula ng mag lakad palayo

"Arrggg! Thompson Blake Zobel Alcantara!!!!!!!!!!!!!!" inis na sigaw ni Rynnah sa lalakeng papalayo sakanya, maangas na humarap sakanya si Blake binigkas ang salitang "Bang" ngunit walang boses sabay akto sa kamay na akala mo binarili si Rynnah. Natigilan si Rynnah ng may sunod sunod na ala-ala na pumasok sa isip nya ng gawin iyon ng binata. Muling nag lakad palayo si Blake at iniwan sya

Agad naman lumapit ang mga kaibigan sakanya

"Hey are you okay?" tanong ni Gabby sakanya, gusto nya sanang sagutin ito ng pabalang dahil sa nakakalokong tanong na alam naman ang sagot

"Did you just say Thompson Blake Zobel Alcantara?" mausyosong tanong ni Carrie tumango sya ng hindi parin makabawi sa ginawa ni Blake "Do you know him?" muling tanong ni Carrie. A thousand memories flashed in her mind about Blake and her. Lumingon si Rynnah sa kaibigan at ngumiti

"I used to" matamlay na sagot nito. Kunot noo naman ang kaibigan sa naging sagot nya. "I used to know him so well" dagdag nya pa at walang ganang nag simulang mag lakad na wari mo mo hindi inisip na iniwan nya ang mga kaibigan.

------------

A/N: Ready na ba kayo kay Rynnah at Blake?

Pakinggan nyo yung Fairy Tale by Jason Recla. Yan yung song na nasingit sa Prologue. Lalagay ko sa taas yun song.

Comment kayo ha.

Tweet #DearPastPrologue please at tweet or dm @TCSwattpad nag hahanap kami ng mga bagong OPERATORS ng twitter accounts ng mga new characters.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon