Mabuti na ang lagay ni Reatha, ngunit gusto parin sanang magpaiwan ni Zion sa hospital para mag bantay. But Reatha insisted that Zion should go and help Rynnah and Blake.
Alas syete na ng gabi ng mag tungo ang tatlo sa San Jose Tarlac kung saan sinabi ng matandang kausap nila kanina na doon matatagpuan si Anita.
Nakabibinging hiyawan ng tao ang nabutan nila dahil mukang merong event ngayong gabi. Agad silang nag tungo sa entrance upang bumili ng ticket para manood.
Laking gulat nila ng mapansin na mga Racing Kart ang mga nag kakarera sa track
"Nasan na si Gabby?" tanong ni Blake
"Nasa SCTEX na sila kanina ng tinawagan ko" sagot ni Rynnah
"Mukang mali ang race na inisip natin" seryosong sabi ni Zion, maging si Rynnah ay hindi inaasahan na hindi mala Street race na kagaya ng nakasanayan nyang panoorin kapag nakikipag race si gabby ang maabutan. "Kayanin kaya ni Gabby yan?"
"Malaki ang tiwala ko sa kaibigan ko, hindi pwedeng natupok ang apoy ng kaangasan non sa karera" sagot ni Rynnah
"Ano ba yung evo na sinasabi mo kanina?" tanong ni Blake
"Mercedes-Benz SLS AMG GT3 yun, flavor of the year ni Gabby at pinag kagastusan yun ng husto" sagot ni Rynnah, madalas mag palit si Gabby ng sasakyang pangarera ngunit sa ngayon ay ito ang pinaka latest na paborito nyang sasakyan
Natapos na ang isang karera ng kart ng mag salita ang announcer
"Goodevening ladies and gentlemen, we are now down to our 4th race" sabi ng announcer, kung gayon ay nasa pang apat na race na pala ang naabutan nila "Wala paring humahamon para sa main event natin, mukang takot ang lahat kalabanin si Miss Anita" napantig ang tenga ng tatlo at nag tinginan, nag sigawan ang mga tao at mukang kilala nga ang Anita sa larangang ito "Pero wag kayong mag alala, kahit walang makalaban si Miss Anita paniguradong hindi nya kayo bibiguin mamaya at papakitaan nya kayo" at muling nag sigawan ang mga tao. Muli pang nag salita ang announcer ngunit hindi na ito maintindihan ni Rynnah dahil sa lakas ng hiyawan
"Excuse me manong sino po yung Anita?" tanong ni Rynnah sa katabing lalake na halatang mayaman at pumupusta sa race
"Si Anita ang pinaka magaling na Main Event racer, ang alam ko ay isa palang ang nakakatalo sakanya at ng magkaroon sila ng rematch ng kalaban nya ay nabawi nya din ang title" sagot ng kausap
"Main event po? Kart race din?" tanong muli ni Rynnah
"Bago lang kayo dito ano?" usisa ng lalake
"Oho e" sagot ni Rynnah
"Kapag main event ay parang street racing car ang ginagamit, dalawa lang ang nag lalaban at ang alam ko kung sino ang manalo sakanya mapupunta ang sasakyan ng matatalo. Madami ng sumubok pero wala paring nakakatalo kay Anita" agad tumalim ang paningin ni Rynnah sa narinig, mukang umaayon ang lahat sa kanila
"Paano po mag pa register para sumali sa race?" tanong ni Rynnah
"Pumunta kayo sa loob nun" sabay turo ng lalaki sa maliit na parang opisina
"Maraming salamat po" sabi ni Rynnah, tumayo si Rynnah at sumunod naman ang dalawang lalakeng kasama na kanina pa nakikinig sa usapan ng dalawa kahit na maingay sa paligid "Sya nga pala manong matatalo na ho yung Anita mamaya kaya wag kayo sakanya pumusta ha" sabi ni Rynnah sabay kindat sa lalakeng hindi maintindihan ang sinasabi ng dalaga
Agad kinuha ni Rynnah ang cellphone sa bulsa ng maramdaman na mag vibrate ito habang nag lalakad sila papunta sa office building
"Hello? Nasan na kayo?" bungad ni Rynnah ng makitang si Zhiek ang tumawag. Batid ni Rynnah na isasama ni Gabby si Zhiek dahil hindi papayag si Zhiek na hindi makapanood ng bawat laban ng nobya
