CHAPTER 44

533 70 20
                                        

"Mom!" sigaw na hanap ni Carrie ng makarating sa bahay. Nauna nyang pinuntahan ito sa office sa pag aakalang naroroon ang ina dahil mas madalas naman itong nasa opisina kesa sa bahay na kasama sya. "Mommy!" sigaw nito sa sala palang, agad lumapit ang isang katulong sakanya.

"Miss Carrie" tugon nito ng makalapit sa amo

"Nasan si mommy?" tanong nito

"Nag papahinga po miss" saad ng katulong "Kabilinbilinan po ng moomy nyo na wag daw po syang istorbuhin miss" dagdag pa nito

Hindi ito pinansin ni Carrie at humakbang palayo sa kasambahay, sinundan naman sya nito "Mom!"  muling sigaw ni Carrie habang nasa likuran ang sumusunod na kasambahay

"Miss mapapagalitan po ako nyan, sabi po ng mommy nyo maski kayo po ay hindi sya pwedeng istorbohin" takot na wika muli ng kasamabahay

Binuksan ni Carrie ang pinto ng kwarto ng ina, ginala nya ang paningin ngunit wala doon ang ina.

"Nasan si mommy!"  inis na singhal na nito

"Miss . . ."

"Sasabihin mo o hahanap ka na ng bagong amo? SAGOT!" pananakot ng dalaga. Nagulat naman ang katulong sa asta ng dalaga, ngayon nya lamang ito nakitang nag taas ng boses. Madalas ay tahimik lamang si Carrie sa bahay at mabait ang pakikitungo nito sa mga kasambahay. Hindi gaya ng Carrie na galit na galit sa harap ngayon ng kasambahay.

"N-nasa attic po miss" takot na sagot nito

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at agad na nakaramdam ito ng kaba. Matagal na noong huling beses na nag tungo ang ina nito sa attic, at ginagawa lang ito ng ina kapag inatake ng depression. Her mom found their attic as her safe haven. If she was stressed nor depressed she felt relieved in the darkness of their attic.

Agad tumakbo si Carrie patungo ng attic "Mom?" kasabay ng pag katok nito sa pinto "Mommy buksan mo ang pinto" patuloy ang malakas na pag katok ng dalaga sa pinto ng attic

Ilang saglit lang ay pinag buksan sya ng ina, naka ngiti sya nitong sinalubong "Carrah Misakie, my perfect daughter. Anong kailangan mo?"  bungad nito

Agad nilapitan ni Carrie ag ina para tignan kung ayos lamang ba ito "Mom, are you okay?"  tanong nito habang tinigtignan ng mabuti ang mga parte ng katawan ng ina. Noong highschool sya ay nag tangka ang ina nya na mag laslas noong na depressed ito at nag tago sa attic kung kaya't ganito nalang ang pag aalala nya.

"Yes, im okay. May inayos lang ako sa attic. Tara? Baba na tayo?" nag patimauna ng lumabas ng kwarto ang ina ni Carrie, taka naman itong sinundan ng dalaga. Suot parin nito ang damit na suot nito mula ng nakita nya sa simbahan at dala parin nito ang bag na gamit nito. Mukang dito sa attic dumirecho ang ina ng makauwi ito. Hindi mapakali si Carrie habang pinag mamasdan ang kabuuan ng ina ng mapansin nya na may kung anong bagay na naka dungaw sa bahagyang bukas na bag ng ina.

"Wait mom"  saad ng dalaga, napahinto sa pag lalakad si Anika at nakangiting humarap sa ina

"Yes Carrie?" kalmadong tanong nito

"What that thing inside your bag?" dudang tanong ng dalaga

Nag simula nanamang mabalisa ang ina N-nothing" saad nito

Mas lalong nag duda si Carrie sa inasta ng ina, nilapitan nya ito "May I see?" tanong nito. Akmang kukunin na sana nya ang bag ng ina ng hawiin nito ang kamay nya.

"Bakit ba? Kelan ka pa natutong mangeelam ng bag ng iba?"  giit ng ina

Kung madalas na takot si Carrie sa ina ay muka nag iba ang ihip ng hangin ngayon, may iba syang pakiramdam sa kung anong tinatago ng ina. Kung kaya't walang ka abog abog nyang hinablot ang bag ng ina kahit anong pumiglas nito. Binuksan nya ito at tumambad ang isang metal cutter na may dugo na halatang matagal ng nakakapit dahil tuyo na ito.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon