"Umuwi na tayo" nanghihinang sambit ni Rynnah, hindi maipinta ang muka ng dalaga sa pag ka bigla.
"Pero kararating palang natin" naguguluhang tanong ng binata dahil pag iba ng timpla ng dalagang kasama.
"D-dalhin mo ako sakanya" natatarantang wika ni Rynnah, gulong gulo na si Wayne sa kakaibang kinikilos ng dalaga. Hindi nya maintindihan kung bakit para itong nakakita ng multo ng banggitin nya ang palangan ng kanyang kinilalang ama noon.
"Kanino?" takang tanong nito "Napapano ka ba?" dagdag na tanong pa nito ng mapansing nababalisa na ang kasama
Saglit pang hinabol ni Rynnah ang pag hinga, hinawakan nito ang kamay ni Wayne at saka tumingin ng direcho sa mga mata nito. "Kay Sean Cade" seryosong tugon ng dalaga ng hindi kumakawala sa pag titig sa mga mata ni Wayne
Namilog ang mga mata ni Wayne "B-bakit?"
"Si Sean Cade ang Uncle na tikutukoy namin ni Blake na hinahanap namin"
"Ano bang pinag sasasabi mo Rynnah?"
"Ang tinutukoy mong pasas at super hot ay ang mga magulang ni Blake" she's trying to give him hit, dahil batid ng dalaga na hindi naniniwala ang kausap
"Imposible" hinawi ni Wayne ang mga kamay ni Rynnah at saka tumalikod upang pag takpan ang kabang nararamdaman sa sinabi ng dalaga, akmang mag lalakad na sana ito ng muling mag salita si Rynnah
"Kailangan na nilang mag kita ni Madeline" napahinto si Wayne ng bangitin ni Rynnah ang pangalang pamilyar sakanya, ang pangalan ng babaeng ilang dekada ng hinihintay ng kanyang tatay-tatayan "Si Madeline Skye Go ang ninang ko. Kapatid sya ng nanay ni Ate Reatha" ngunit hindi parin kumbinsido si Wayne, nag karoon na sya ng pangamba ng dahil kay Carrie na noon ay hinanap din si Sean. "Tatay ko ang muntik ng pakasalan ni pasas at nanay ko ang muntik ng makatuluyan ni super hot" muling dagdag ni Rynnah, pag tukoy sa mga magulang nya. Unti-unti pang binalot ng kaba si Wayne dahil pamilyar din sya sa kwentong iyon. "Si Zane Creed ang tinutukoy na pasas ni Uncle Sean at si Thomas Blaze ang Super Hot. Mga magulang sila ni Blake"
Lumingon si Wayne kay Rynnah "Nasan ang susi?" tanong ni Wayne, ngunit hindi ito naintindihan ni Rynnah
"Anong susi?"
"Susi na si Madeline lang ang pwedeng makakuha" batid din ni Wayne ang tungkol sa pag iiwan ng ama ng mga clues sa mga lugar kung saan ito nag lagi para matunton sya ni Madeline.
Naalala naman ni Rynnah ang daladala nilang saranggola na nakuha nila. "Bumalik tayo sa hotel" saad nito.
Tahimik ang dalawa habang binabaybay ang daan pabalik ng movenpick, pinag halong kaba at excitement ang nararamdaman ni Rynnah dahil sa wakas makikita na nila ang matagal na nilang hinahanap. Ngunit sa kabilang banda napansin ni Rynnah na may malalim na iniisip si Wayne, kinutuban si Rynnah ng masama dahil sa aura ni Wayne.
Agad nag tungo ang dalawa sa Ibiza Loft kung saan sila tumutuloy. Nadatnan nila si Blake na nakaupo sa sala
"Buti naman at umuwi na kayo" bungad nito, pero hindi sya pinsansin ng dalawa, agad nag tungo ang mga ito sa kwarto nila Rynnah at sumunod naman si Blake sa mga ito dahil sa hindi magandang pakiramdam nya sa nangyayari, nagulat naman si Gabby at Khayeden na nanonood ng movie sa kwarto ng pumasok ang dalawa.
"Tapos na yung date nyo?" tanong ni Gabby, ngunit agad lang nag tungo si Rynnah sa mga bagahe ng hindi pinapansin ang mga kaibigan.
"A-ano bang nangyayari?" tanong ni Blake, ngunit patuloy parin sa pag ka aligaga si Rynnah sa pag hahanap kung saang bag nya ba nalagay ang Glassbox na may saranggola.
