CHAPTER 29

575 84 9
                                    

Nag hahanda na ang bandang No U-Turn sa kahabaan ng Session Road. habang nasa harapan bandang gilid naman nila sila Wayne, Carrie at Gabby na nag aabang ng performance nila. Madaming kanta na ang nasubukang i practice ng grupo at napag desisyonan nila na With a smile ang tugtugin.

"Go Rynnah crush!" sigaw ni Wayne, at nginitian naman sya ng dalaga. Tinapunan naman ni Blake ng masamang tingin si Wayne

"Oi Rynnah mag focus ka nga sa pag aayos ng gitara mo" bwisit na singhal ni Blake

"Huh? Maayos naman na ah" saad ng dalaga

"Ayusin mo ulit!" bugnot na wika ng binata, Siniko naman ni Zhiek na nasa likod ng dalawa ang kapatid na kumportable ng nakaupo sa harap ng drumset.

"Problema nyang si Alcantara?" tanong ni Zhiek

"Tinamaan ng selos ata dahil kay Avila" sagot ni Khaye

"May gusto ba si Blake kay Rynnah?" tanong ni Zhiek, alam ng binata na may gusto si Rynnah kay Blake ngunit hindi sya sigurado kung si Blake din ba ay may gusto sa dalaga ngunit may duda na sya na meron. Pero kung ganoon ay bakit si Carrie ang niligawan nito?

"Di ako sigurado brother dear, ngayon ko palang naman sila nakasama malay ko ba kung normal pala talaga sa kanilang yang ganyan."

Habang abala naman si Rynnah sa pag dodouble check ng wires at guitar nya, Tiim lamang na pinag mamasydan sya ni Blake, bawat hampas ng buhok nya at pag hangin ng bangs dahil sa simoy ng hangin sa Baguio ay parang nag slowmotion sa paningin nya

"Bakit? May dumi ba ko sa muka?" tanong ni Rynnah, agad natauhan si Blake dahil sa pag sasalita ni Rynnah kung kayat agad nyang binaling sa mag kapatid na nasa likod nya ang atensyon

"C-change song tayo"saad ng binata

"huh? Bakit? Diba request ni Carrie yung with a smile? Theme song mo daw yun sakanya e" saad ni Zhiek

"Palitan natin, yung Simpleng Tulad mo nalang"

"Sure ka Blake? Baka magalit si Carrie" takang tanong ni Rynnah

"Oo, tara na game?" at nag tanguan ang lahat. Pumwesto na ang apat. Para silang naka pa diamond, nasa likod si Khaye, mag kabilang gilid si Rynnah at Zhiek at gitnang harap naman si Blake.

Hinampas ni Khaye ang dumsticks nya ng tatlong beses, hudyat na may sisimula na.

Nakangiti naman si Carrie dahil sya ang namili ng kantang kakantahin ng banda. Nag hiyawan naman si Gabby at Wayne bilang supota sa banda

Nawala ang bakas ng mga ngiti ni Carrie ng mag simulang tumugtog ang intro. "Bakit iba yung kanta?" tanong ni Gabby, dahil maging si Gabby ay naroon nung nag prapractice ang banda at nag request sya ng kanta. "Pinapalitan mo ba?" tanong muli ni Gabby ngunit hindi sumagot si Carrie.

"Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo

Magmula ng nakita ka'y naakit ako
Simple lang na tulad mo ang
Pinapangarap ko ang pangarap ko"  
naka pikit na panimulang kanta ni Blake, may ilang nag lalakad na napahinto sa gilid upang panoorin sila. May ilang sasakyan naman na nag baba sa salamin ng kanikanilang sasakyan habang traffic upang tanawin ang pinang gagalingan ng tugtog

"Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito

Para sayo, dahil."  pasimple na sumulyap si Blake kay Rynnah na masaya ngunit naka focus sa bawat pag tipa ng gitara.

"Simple lang ang pangarap ko mahalin nang katulad mo

Sana ay mapansin mo, dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko 
 
Simpleng tulad mo La la la la la"
kagat labi namang kinindatan ni Zhiek ang nobyang si Gabby na wari mo unang beses nya palamang makita ang nobyo na tumutugtob. Kilig na kilig ito na parang isang taga hanga na pinapanood ang iniidolo.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon