CHAPTER 8

707 86 23
                                        

Naabutan ni Blake na masayang nag kwekwentuhan ang mga magulang kasama ang kanyang Tito Cyrus at Tita Quinn. Matapos nyang sumabay pauwi kay Rynnah ay nag shower lamang sya at dumirecho na sa bahay ng mga magulang.

"Nandito na pala ang paborito kong pamangkin" bungad sakanya ni Cyrus. Yumakap sya dito at hinalikan ang nobya ng tito. Naging magulo ang pamilya nila dahil sa pinag tagpi tagping storya. Ang alam nya, ampon ang kanyang tita Quinn ng kapatid ng lolo nya. Habang huli na ng malaman ni Ginang Zobel na half brother nya si Cyrus. Nag asawa muli ang ama ng kanyang Tito Cyrus ngunit hindi na ito biniyayaan ng anak kaya't nag ampon din ang mga ito, na syang kuya naman ni Quinn. Ganun kagulo ang storya ng pamilya nya sa nakaraan pero ang kasalukuyan ang mahalaga sakanila ngayon.

"Sus kuya, kung makapag sabi ka naman ng pinaka paboritong pamangkin parang may iba ka pang pamangkin ah" biro naman ng ina ni Blake na si Zane.

"Technically meron, yung anak ni Cloud. Pero hindi ko pa na meet" sagot ni Cyrus sa kapatid

"Ako din hindi ko pa nakita yung anak ni Kuya pero siguro mas bata lang ng konti kay Blake yun" Dugtong naman ni Quinn

"You mean nag kaanak si Cloud? Kanino kay Anika?" usyosong tanong ng Ginang. Minsan nang nakita ni Blake ang tinutukoy na Cloud ng mga kaharap na nag uusap pero hindi sya aware sa pamilya nito.

"Oo, pero ang alam ko hindi gaanong nakikita ni Cloud yung mag ina nya dahil may topak parin yung Anika" sagot naman ni Cyrus

"Maupo ka sa tabi ko anak" pag iwas ng ama ni Blake na si Thomas sa usapan dahil ayaw na nyang maalala pa ang Anika Charmaine na pinag uusapan ng bayaw at asawa nya. Agad namang naupo si Blake sa tabi ng ama "Oh diba ang gwapo gwapo ng anak ko? Manang mana sakin" pag mamalaki ni Thomas

"Baka gusto mo namang i acknowledge ang kapatid ko. Kamuka din naman nya si Blake" sabi ni Cyrus

"Pwede na yung ugali, namana nya ang kabaitan ng asawa ko" sagot naman ni Thomas at nag tawanan sila

"Bakit ba hindi nyo pa sundan si Blake? Aba hindi na kayo mga bata" sabi ni Quinn

"Nako bago kami ang isipin nyo. Bakit kaya kayong dalawa muna, bakit hindi pa kayo mag pakasal?" tanong naman ni Zane. Nag tinginang ang mag nobyong si Quinn at Cyrus at saka itinaas ni Quinn ang kaliwang kamay nya na mag suot na diamond ring

"Kaya kami uwi dito dahil" nakangiting panimula ni Quinn habang winawagayway ang kamay kung saan nakasuot ang singsing

"Totoo na ba to?" gulat na gulat na tanong ni Zane, agad itong lumapit kay Quinn at inakap ito ng mahigpit "Finally! Im so happy for the both of you" sabay akap din sakanyang kapatid. "Kailangan nating mag reunion dahil sa magandang balita!" suwisyon ng ginang "Mahal ko this weekend kaya mag set tayo ng party para ma kumpleto naman tayo" tanong ng ginang sa asawa

"Sige tatawagan ko ang mga boys para malasing na namin si Cyrus. I cleclear ko na din ang schedule ko" masiglang sagot naman ng Mister nito. Kinawit ng Ginang ang braso sa mister at hinilig ang ulo sa balikat nito. Nangingiting tinignan ni Blake ang mga magulang. Natutuwa sya twing nakikita na sa dami ng pag subok na pinag daanan ng mga magulang nya ay nananatiling matibay ang mga ito.

"Isama nyo ang mga bata" suwesyon ni Cyrus "Isama mo din ang girlfriend mo Blake, meron na ba?" tanong pa nito

"Wala pa ho sa isip ko yang mga bagay na yan tito" sagot ni Blake

"Nako mukang hindi mo namana katinikan ng Tatay mo sa babae ah" pagbibiro ni Cyrus

"Bayaw isang babae lang naman" pag tatama ni Thomas "Si Zane lang"

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon