*The first chapter 14 was deleted, i dunno why. I dont have softcopy of that chapter, retype ko lang so malamang sa malamang may maiiba.
--------
Nag hiwahiwalay na ang apat na mag kakaibigan para makapag pahinga na. Mag kasama sa iisang kwarto si Rynnah at Reatha habang mag kahiwalay naman sa kwarto sa itaas si Zion at Blake.
Hindi dalawin ng antok si Blake kaya napag desisyonan nyang mag pahangi muna sa terrace, pag karating nya doon ay nakita nya ang naninigarilyo na si Zion
"Oh bro? Di ka makatulog? Natatakot ka sa multo? Wag kang mag alala walang multo dito" biro ng binata
"Psh, hindi ako takot sa multo" sagot ng binata sabay muling hithit sa sigarilyong hawak
"Sabagay, kay Ate Reatha ka nga lang pala takot" natatawang sabi ni Blake. Pinitik ni Zion ang upos ng kanyang sigarilyo at saka inalok si Blake
"Yosi bro?" alok ng binata
"Hindi ako naninigarilyo" sagot ni Blake "Bat di ka makatulog?" tanong muli ni Blake sa binatang walang humpay sa pag hithit ng kanyang sigarilyo
"Bro, what if. What if ligawan natin sila? What if gusto din pala nila tayo hinihintay lang nila tayong maunang mag sabi? What if bro all this time sinasayang lang pala natin yung oras natin na ilihim tong feelings natin? What if bro?" sunod sunod na tanong ni Zion
"Baka ang susunod mong line nyan, I want to stop wondering what if, I want to know what is? Popoy Basha ba to? Lakas mo maka bading bro ha!" pabirong sagot ni Blake
"Hindi kita maintindihan, dati pilit ka ng pilit na umamin ako"
"Ikaw ba Zion Ylevol nauubusan na ng babae at kung ano ano ng iniisip mo?" tanong ni Blake
"Ikaw din, baka maunahan ka." sabi ni Zion "Maganda si Rynnah ha, kung hindi ko nga lang pinsan yun baka pumila na ko don"
"Sige subukan mo at baka nakakalimutan mong bestfriend ng nanay ko ang nanay ni Ate Reatha, siguradong mas boto sakin si Tita Max kesa sayo" sagot ni Blake, muling nag sindi ng sigarilyo si Zion, hinithit ito at saka ibinuga kay Blake
"Ligawan na kaya natin sila? Paano natin malalaman kung anong mangyayari kung wala tayong gagawin?" tanong ng binata sabay muling hithit at buga ng sigarilyo nya. isinandal ni Blake ang dalawang braso sa rehas ng terrace at tumingin sa malayo
"Sige mauna ka"
"Scared ka bro?" biro ni Zion
"Hindi pa pwede ngayon"
"Bakit naman?" muling tanong ni Zion sa kausap
"Narinig mo na ba yung banda na binuo namin?" tanong ni Blake habang malayo parin ang tingin
"Oo, sikat na nga agad kayo e. Mag sama sama ba naman sa isang banda ang anak ng produkto ng Zobel at Alcantara isama mo pa yung anak ng Lopez pati yung mag kapatid na Ford, paano ba namang hindi ko mababalitaan yun bro. So ano kailangan mo muna sumikat bago ka manligaw kay Rynnah?" muling pinitik ni Zion ang sigarilyo upang itapon sa malayo
"Kailangan ko kasing manalong King of the night sa socialization para maging Cum Laude, yun nalang ang huling alas ko sa extra curricular. At kailangan ko ng madaming boto kaya kailangan mas maging matunog ang pangalan ko kesa sa kalaban ko" sabi ni Blake
"So anong problema? Pwede mo naman ligawan si Rynnah habang nasa banda ka"
"Ilang taon nang nananalo si Wayne na King of the night at ganun din si Carrie, napapatanyan ko na si Wayne oo, pero kailangan ko lumamang. Kaya nag offer si Carrie na mag panggap na girlfriend ko para mas pag usapan ako" sabi ni Blake