CHAPTER 28

542 86 23
                                    

Ding dong 

Natigil sa pag iimpake ng gamit si Rynnah ng marinig nya ang tunong ng doorbell. Iniwan nya ang tinutuping damit sa sala ng unit nya at nag tungo sa pinto.

"Hi crush" masiglang at naka ngiting bungad ni Wayne ng pag buksan sya ni Rynnah ng pinto.

"A-anong kailangan mo?" sagot nya

"Nakapag impake ka na ba?" tanong ni Wayne,

"Nag iimpake palang" unang ginawa ni Rynnah ng makauwi ng unit ay kinuha nya ang mga damit na dadalhin nya at saka nya yun dinala lahat sa sala para doon ayusin kapag ilalagay na sa maleta. Napag usapan nilang mag kakaibigan na didirecho na sila sa Cebu pag katapos nila sa Baguio. Kaya't dadalhin na nila ang mga gamit nila dahil hindi na sila babalik sa kanya kanyang bahay pag punta ng Cebu after ng Baguio.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Wayne

"Hindi pa, nag start na kasi akong mag impake agad pag kauwi ko" saad ni Rynnah "Tapos ka na bang mag impake?" at masayang tumango tango si Wayne sakanya

"Gusto sana kitang ipag luto ulit" saad ni Wayne

"Walang laman yung ref ko, hindi pa ko naka grocery e"

Agad inangat ni Wayne ang isang plastic bag "Ito oh, nag grocery na ko" masayang sabi nito

"Oh sige, pasok ka" anyaya ni Rynnah kay Wayne. Nag tuloy ang dalawa sa unit ni Rynnah. Masayang iginala naman ni Wayne ang paningin sa paligid.

"Nakakakilig naman" napanganga si Rynnah sa sinabi ni Wayne

"Anong nakakakilig?" takang tanong ni Rynnah

"Kasi ipag luluto kita, tapos nandito ako sa unit mo. Tapos kasama pa kita, kinikilig lang ako" halos lumuwa na ang lahat ng ngipin ni Wayne sa pag nginit. 

"Nag shashabu ka ba?" seryosong tanong ni Rynnah, nawala naman ang mga ngiti ni Wayne at napalitan iyon ng itchurang nag tatampo

"Grabe ka naman sakin crush, muka ba kong nag drudrugs?" tanong ng binata

"E anong nakaka kilig don?" inosenteng tanong ni Rynnah "Pinag tritripan mo ba ko?" muling tanong pa nito

"Huy hindi ha! Bakit naman kita pag tritripan?" 

"E anong nakakakilig ba?" muling tanong ni Rynnah

"Ewan, basta kinikilig ako e. Crush nga kasi kita Rynnah Krixel" sinserong saad ni Wayne sakanya

Inilapit ni Rynnah ang muka nya kay Wayne at tinitigan ito sa mga mata. Sinusubukan nyang hulihin ang binata kung pinag tritripan ba sya nito o kung nag bibiro ba ito. Pipikit pikit naman si Wayne na pilit inilalayo ang muka dahil na co- conscious sya sa sobrang pag lapit ng muka ni Rynnah "Eh kung hindi mo ko pinag tritripan bat hindi ka mapakali?" dudang tanong ni Rynnah

"E-eh, ikaw ba naman ilapit ng crush mo yung muka nya mapapakali ka? Shy ako Rynnah" agad naman natauhan si Rynnah ng maalala nya ang pakiramdam na iyon, lalo ng nasubukan na nyang mag lapit ang mga muka nila ni Blake. Kaya't alam nya ang bagay na tinutukoy ni Wayne

"Okay" tiim na sagot ni Rynnah

"Anong okay?" takang tanong ni Wayne

"Crush mo nga ako, tsktsk hirap ng cute" biro ni Rynnah at saka kinindatan si Wayne. Parang natuod naman ang binata at hindi makakilos sa ginawa ng dalaga. Parang may kuryenteng bumalot sakanya

"U-uy Rynnah. W-wag mo na ulit uulitin yang ganyan ha!" pigil hiningang sabi ni Wayne

"Alin ito ba?" at muli nyang kinindatan ang binata. Napasapo naman si Wayne sa muka at pilit tinatakpan ang pag pula ng pisngi habang bitbit parin ang plastic bag ng grocery. Agad humagalpak ng tawa si Rynnah dahil sa reaksyon ni Wayne

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon