CHAPTER 25

588 82 19
                                    

A/N: Basahin nyo yung Pakisabi Nalang, nakahiwalay yung story ni Zion at Reatha pero medyo SPG yun.

Game UD na


------------


"Why are you doing this young lady?" tanong ni Cloud ang ama ni Carrie. Walang nakakaalam na anak sya ni Cloud Agustin dahil ginamit nya ang apilyido ng ina na Acosta.

"For mom" Carrie replied. Bata palang si Carrie ay inasam na nito na mahalin sya ng buo ng ina kung kaya't ginagawa nya ang lahat ng gusto ng kanyang nanay para maging masaya ito. 

Mula pag kabata ay ang mga pag kakamali nalang nya ang napapansin ng kanyang ina kung kaya't ginawa nya ang lahat para hindi ito ma disappoint. 

"Labas ka sa kung ano mang plano ng nanay mo laban sa mga kaaway nito anak" pangaral ng ama nito. Bata palang sya ay itinanim na sa utak na nya na balang araw maipaghihiganti din nya ang kanyang ina. "Hindi sila masamang tao anak" dagdag pa ng kanyang ama

Alam ni Carrie iyon, napaka babaw lamang ng dahilan ng kanyang ina para kamuhian ang ina ni Blake na si Zane Creed ngunit marahil ay masyadong naapakan ang ego ng kanyang ina kasabay ng mga naging maling desisyon nito sa buhay noon ng dahil sa nabubuhay ito sa galit kung kaya't nag hanap ito ng sisisihin.

"I know dad" tiim na sagot nya.

Ang tanging hanggad nalang ni Carrie ay matapos ng ang lahat ng ito para na rin makumpleto ang pamilya nila. Alam nyang pilit iniintindi ng ama nya ang kanyang ina, hanggad nya na mabuo ang pamilya nya at alam nyang matatapos lamang ang lahat ng kinikimkim na galit ng kanyang ina kung susundin nya ang gusto nito. 

Kung hindi man nakaganti noon si Anika Charmaine na kanyang ina noon ay sya ang mag papatuloy ngayon. Tiyak daw na masasaktan ang ina ni Blake kung sasaktan nya ang damdamin ng binata. 

Paiyakin mo si Thompson Blake yan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip nya dahil iminulat sya ng ina nya dito, na isang araw ay maaakit nya ang kaisa isang anak ng kaaway ng kanyang ina at sisiguraduhin nyang sya ang kaunaunahang heartbreak nito.

"Matalino ka, at alam kong hindi ka basta mag papagamit sa mommy mo ng walang dahilan"

"Pinangako nya na babalik kami sayo at mag sasama sama na tayo bilang pamilya kapag dumating ang araw na makaganti ako sakanila" sagot ni Carrie. Alam nya na mahal ng mga magulang nya ang isa't isa ngunit sadyang nilamon nalang talaga ang ina ng galitat ingit.

Her mom was suffering from Post-traumatic embitterment disorder, it was a psychological disorder about mental illness. Those person who's diagnose on Post-traumatic embitterment disorder cant deal with rejections they mostly felt being victimized, patient who's suffering from this disorder become angry, pessimistic, aggressive, hopeless haters and always seeking for revenge. 

Madalas umiyak si Carrie noon sa twing na di- disappoint nya ang kanyang ina dahil madalas itong sumpungin ng sakit, kung nakamamatay lamang ang panlilisik ng mga mata ng ina ay siguro matagal na syang napatay nito sa bawat mali na nagagawa nya.

"Im sorry anak" pag hingi ng paumanhin ni Cloud "Hindi dapat ikaw ang gumagawa nito, ako dapat ang gumagawa ng paraan para maayos ang mommy mo."

"Sabi ng doctor ay maaring maging tuluyang okay na si mommy kapag nangyari na ang gusto nya. Dahil iisipin nya na pumapabor na sakanya muli ang mundo" sabi ng doctor ay madalas daw na pakiramdam ng mga taong may ganitong sakit na unfair ang kapalaran sakanila. "After nito dad magiging okay na lahat, mararanasan ko ng mag karoon ng buong pamilya, mararamdaman ko ng mahalin ng buo ng isang ina" maluha luhang sabi ni Carrie.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon