CHAPTER 24

643 83 25
                                    

Nag tungo si Rynnah sa bahay ng mga magulang para doon mamalagi dahil weekend naman. Masayang masaya naman ang ina nito na si Kristina kahit hindi aminin ng ginang ay namiss nya ang anak, nag karoon muli ng kulay ang bahay nila dahil sa ingay twing nag babangayan ang mag ina.

Mahilig manood ng movies ang mag ina kapag free time nila, isa na din to sa bonding moment nila. Madalas abala ang ama ni Rynnah sa negosyo kung kaya't kadalas ay silang dalawa lamang ng ina ang mag kasama.

Sa bahay ng mga Lopez ay may sariling mini cinema, naroon ngayon si Rynnah at ang ina nito na si kristina. Tutok na tutong ang dalawa sa panonood habang sang katerbang chips ang nilalantakan.

"Oh, yes kaibigan mo 'ko. Kaibigan mo lang ako. And that's all I ever was to you, Ned, your bestfriend. Takbuhan mo kapag may problema ka, tagasunod, tagabigay ng advise, taga-enroll, tagagawa ng assignment, tagapagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka, taga tanggap ng kahit na ano. " linya sa pelikulang pinapanood ng mag ina.

Nagulat nalang si Kristina ng marinig ang pag ngawa ng anak "Waaaahhhh!! Totoo yan! Totoo talaga yan!!! Kaibigan mo lang ako!!!" kumento ng anak habang tinuturo ang screen at may panaka nakang luhang tumutulo sa mga mata. 

Iritableng tinignan ng ginang ang pag ngawa ng anak, hindi na magawang maka focus ng ginang habang pinapanood ang anak na papahid pahid ng luha sa pisngi at pag singhot dahil damang dama nito ang eksena sa pelikulang pinapanood

"And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend... dahil kahit kelan, hindi mo naman ako makikita eh, kahit kelan hindi mo ako kayang mahalin... na higit pa sa isang kaibigan." pag sabay ni Rynnah sa kasunod na linya ni Jolina Magdangal sa pelikulang pinapanood, akala mo't umaarte din ang dalaga habang binibitiwan ang mga linya. Hindi alintana ng dalaga ang sunod sunod na pag patak ng luha nya, ni hindi nya din napansin na kanina pa sya pinapanood at pinag mamasdan ng iba "Waaaaaaah" muling ngawa ng dalaga "Yan talaga yung linya na yun, damang dama. Ahuhuhu" wari mo'y kinakausap nito ang sarili, sabay muling kuha at subo ng chips na hawak. "Ganyan, mga kaibigan kaibigan na yan!" dagdag pa nito.

Agad namang umabot ang ina ng isang panibagong chips, itinapat ito ng ginang sa pisngi, ibabang parte lang halos ng mata ng anak.

"Anong ginagawa mo nay?" nakakunot ang noo na tanong ni Rynnah sa ina, nag tataka sya kung anong ginagawa ng ina.

"Sabi kasi sa chips Tear Here, gusto ko lang try kung mabubuksan pag napatakan ng luha mo" sagot ng ina, agad tinabig ni Rynnah ang kamay ng ina.

"Ewan sayo nay, puro ka kalokohan" 

"Lintik na bata to, ako pa ang puro kalokohan. Ikaw, anong kalokohan yang paiyak iyak mo dyan?" tanong ng ginang

"Nanonood ako Nay! Kanya kanyang emote yan!" sagot ng dalaga

"Tigilan mo ko sa kakatawag mong nanay, MOMMY! Ganyan itawag mo sakin, MOMMY" pag tatama ng ina sa anak

"Bat ikaw, inay tawag mo kay Lola? Tapos ako gusto mo tawag ko sayo Mommy?" maktol ng dalaga

"E ako yun, ako ba ikaw? Ikaw ba ako?" laki sa hirap ang ina ni Rynnah, ngunit gusto nito na hindi mamana ng anak nya ang kajologs-san na kinalakihan. Gusto nyang lumaki at kumilos ito ng marangya naayon sa katayuan nila ngayon sa buhay "Ano bang nangyayari sayong bata ka? Lumipat ka lang ng tinutuluyan naging emotera kana ng taon" pinause ng ginang ay pelikulang pinapanood nila upang makapag usap sila ng maayos. Soundproof naman sa mini cinema kung kaya't walang makakarinig sa kanila kaya mas magandang dito na nito kumprontahin ang nag dradramang anak

"Emotera agad nay? Di pwedeng feel ko lang talaga yung movie?" pag kakaila ng dalaga, ayaw sana nitong ipaalam sa ina ang pinag daraanan dahil pakiramdam nya ang pinsang si Reatha lamang ang mas makakaintindi sakanya.

Hinampas ni Kristina ang anak sa ulo gamit ang hawak na chips. "Anak kita, dinala kita sa tyan ko ng syam na buwan. Alam ko kapag okay ka at hindi, alam ko kung may problema ka. kaya sabihin mo na ano yun?" tanong ng ina

Hindi sanay si Rynnah sa ganitong pananalita ng ina, hinawakan nito ang noo at leeg ng ina "Wala ka namang sakit, anong espirito ang sumapi sayo nay? Napaka seryoso mo ata ngayon? Ang tino mong kausap" pabirong sabi ng dalaga

Muling hinampas ni kristina ang anak, this time sa braso naman "Mag sasalita ka bang bata ka o kokonyatan kita" singhal ng ginang "Si Blake ba?" agad na kabig na tanong nya sa anak.

Tumango si Rynnah bilang tugon sa ina

"Nabalitaan ko nga, nakita ko yung tungkol sakanila ni Carrie sa TV" tatango tangong sabi ng ginang "Sila na pala noh?" 

"Sige pa nay ulit ulitin mo pa, ipaalala mo pa sakin yan ha" 

"Ni hindi mo manlang ba alam na nag dadate na yung dalawa para naman nakapag handa kang masaktan? PAK GANERN!" pang aasar pa lalo ng ginang sa anak

"Makasalita to! Mana lang ako sayo, sinusunod ko lang ang yapak mo nay!" Dahil sa pag kwekwento ng Ninang Skye nya kung kaya't alam nya ang buong kwento at pang yayari sa buhay ng ina noong kabataan nito. Sabi nga ng Ninang nya ay napaka mapag laro ng tadhana dahil daw noon, ang kanyang ama na si Rara at ang ina ni Blake na si Zane ang inakala nilang mag kakatuluyan ngunit dahil sa pag pupursigi ni Thomas Blaze na syang ama ni Blake ay mas nahulog ang puso ni Zane dito. Habang noon naman ay ang kanyang ina na si Kristina ay lihim na nag mamahal sa ama ni Blake. 

Sinong mag aakala na sakabila ng pag ka bigo ni Rara at Kristina ay matatagpuan nila ang pag ibig at sila pa pala ang nakatakda sa isa't isa. At ngayon nga'y sumusunod sa yapak ng mga magulang ang mag kaibigan na si Rynnah at Blake.

"Bastos na batang to, past is past. Aba baka malay mo kagaya ko may iba kang makikilala" sagot ng ginang.

Muling nag maktol si Rynnah ng marinig ang sagot ng iba "Ayoko ng iba nay! Si Blake lang ang gusto ko!" 

"Aba, ako din naman noon. Pero tignan mo naman ang kapalit ng pag tanggap ko ng kapalaran, binigay sakin ang tatay mo. PAK GANERN!"

"Paano mo tinaggap nay na hindi ka nakalaan sa lalakeng gusto mo noon?" seryosong tanong ng dalaga sa ina.

Bahagyang nag isip naman ang ginang, "Dalawang bagay lang ang nasa isip ko noon, ang una kung deserve ko ba ang nakukuha ko at ayos lang ba sakin na yun lang ang meron ako." noong panahon na inakala ng lahat na matutuloy ang kasal ni Zane at Rara ay para namang martyr si Kristina na nasatabi lang ng nag rerebeldeng si Thomas "At yung pangalawa, inisip ko kung mas sasaya ba ako kung ipagpipilitan ko yung bagay na hindi para sa akin" sa bandang huli, sumuko si Kristina at nagpaubaya para kay Zane at Thomas at sya din mismo ang tumulong para magkatuluyan ang dalawa. "Isipin mo anak, kung hindi ko pinakawalan at patuloy kong hinawakan ang bagay na hindi para sakin wala ka sana ngayon sa mundo at wala sana akong ganito kasayang pamilya ngayon"

"So sinasabi mo ba nay na sumuko na ko?"

"Hindi naman sa ganon anak, sa ngayon kasi mag nobyo at nobya palang naman yung dalawa. Saamin noon may kasal ng evolve" sabi ng ginang,

Kumunot ang noo ni Rynnah "Baka involved nay?"

"Involved nga!"

"Hindi e evolve sinabi mo, ikaw nay nag aral ka sa Paris pero medyo sablay ka"

"Ganon talaga, magaling naman ako mag french" bawi ng ina "You cant have it all"

"Nux! San galing yang line na yan?" pabiro ni Rynnah

"Sa commercial" taas kilay na sabi ng ina "Pero ito ang isipin mo anak, kung ang Ninang Zane mo noon at si Thomas sumuko sa isa't isa. Hindi din sana sila masaya ngayon. Kaya depende yan, kung ako kinailangang sumuko para makuha ang deserve kong lovestory sila naman kilailangan nilang lumaban" muling advise ng ina.

"PAK GANERN!" sabay na linya ng mag ina, agad inakap ni Rynnah ang ina dahil pakiramdam nya ay naiintindihan nito ang pinag dadaanan nya.

----------

A/N: Comment please.


Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon