CHAPTER 12

570 88 33
                                    

Dumaan ng mall ang mag kakaibigan para mag Grocery. Nag hiwa hiwalay sila dahil hanggang ngayon naiinis parin si Reatha kay Zion. Napag usapan na sila Zion at Blake ang bibili ng mga frozen goods habang sila Reatha at Rynnah naman sa mga kakailanganin gaya ng shampoo, soap etc.

"Bakit ang init ng ulo mo Ate Reatha?" usyoso ni Rynnah habang balibag ng balibag sa basket si Reatha ng kung anong madampot kagaya ng shampoo "Aba Ate hindi lalaban yang Shampoo at Conditioner sayo!"

"Nakakahiya kasi kay Doc Adrian, ayoko yung inasta ni Zion"

"Ano bang inasta?" tanong ni Rynnah

"Pakiramdam ko umasta syang boyfriend kanina nung inakbayan nya ko sa harap ni Doc Adrian"

"Ayh wow choosy? Diba yan nga gusto mo? Yung maging boyfriend mo sya? Ngayon na umaasta sya na boyfriend naiirita ka" sabi ni Rynnah "O di kaya, may gusto ka sa Doc Adrian na yun kaya ayaw mong isipin nya na may boyfriend ka? Ang harot ha! Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako? Haba ng hair!"

"Oo gusto kong maging boyfriend! Pero hindi yung akto lang. Pakiramdam ko kasi nasasama ako sa listahan ng mga babae nya kapag ganun inaakto nya e. Lagi nalang syang ganyan" sagot niReatha habang umiikot ikot at tumitingin parin ng bibilhin

Umabot si Rynnah ng isang papaya soap

"Ayaw ni Zion ng amoy ng papaya" pigil ni Reatha

"Ah ganun ba o sige ito nalang" abot ni Rynnah sa isang whitening soap

"Wag baka mangati sya dyan, kumuha ka ng sabon mo at kukuha ako nung body soap na gamit nya" sabi ni Rynnah.

Maya maya na dumako sila sa toothpaste, muling umabot si Rynnah ng toothpaste

"Ayaw nga ng masyadong maanghang na toothpaste" pigil muli ni Reatha

"O sige ito nalang" muling umabot si Rynnah ng ibang brand

"Organic ang toothpaste nun, sige kumuha ka nyan at kukuha ako ng toothpaste na gusto nya" muling sabi ni Reatha

"Wag na sayang, kung ano nalang toothpaste nya yun na lang" sabi ni Rynnah,

Muli silang umikot para kumuha naman ng mouthwash. Huminto si Rynnah at tinitigan lang ang parte ng mga mouthwash

"O anong tinatayo tayo mo? Bat hindi kapa kumuha? Anong oras na baka gabihin tayo" sabi ni Reatha habang tulaktulak ang cart nila

"E baka ayaw nanaman ni Kuya Zion yung makuha ko, ikaw nalang kaya pumili?" sabi ni Rynnah

"Ikaw na, hindi naman yun mapili"

"ok" masiglang sabi ni Rynnah. Umabot sya ng isang mouthwash "Ito ok na?"

"Okay na din" nag dadalawang isip na sabi ni Reatha "Pero mas gusto ni Zion yung flavored na mouthwash e"

"Zion zion zion, puro gusto ni Zion! Pano kami? Pano ako? Hindi mo manlang ba itatanong kung anong gusto ko?" reklamo ni Rynnah

"Ano bang gusto mo?" tanong ni Reatha

"Puso ni Blake! BOOM! Jan ka na nga kunin mo na lahat ng gusto ng Zion mo at kukuha ako ng madaming chichirya na gusto ng Blake ko!" sabi ni Rynnah at saka umalis

"Hoy hindi sya sayo! Walang "ko"!" sigaw ni Reatha, pinag tinginan sila ng mga tao kaya nakaramdam sila ng hiya

"Akin sya, hindi pa lang nya alam sa ngayon! Malay mo soon. Sumunod ka nalang sa Nova Area!" pabalik na sigaw ni Rynnah.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon