Panghihinayang ang bumabalot sa kalooban ng dalawang mag kaibigan na si Blake at Rynnah. Ilang araw ang ginugol nila sa pag hahanap ng kahit anong bakas manlang o pahiwatig sana ng kinaroronana ng kanilang hinahanap. Ngunit tila umasa lang sila na meron, dahil kahit halughugin nila ang buong bahay ay walang kahit anong clue. Batid ng dalawa ang kabiguan dahil sa pag aakala na matutulungan nila ang kanilang Ninang Skye ngunit uuwi sila bukas na walang kahit ano mang napala.
"Bakit ba kasi hindi nalang natin ipahanap sa NBI yang si Uncle Sean e" sabi ni Rynnah sabay inom ng beer na hawak nya. Nasa Balibago Pampanga sila ngayon, isang lugar sa Pampanga kung saan hirehirela ang mga Chill out place. Napag desisyunan ng mag kaibigan na lumabas para uminom ng ilang bote ng beers para ma punan ang pang hihinayang na nararamdaman at dahil ito na din ang huling gabi nila sa Pampanga.
"Tingin mo ba, bakit ayaw ipahanap ni Ninang si Uncle Sean?' tanong ni Blake
"Dahil nga naniniwala sya na hindi daw hinahanap ang pagibig" sagot ni Rynnah habang ngayon naman ay nilalantakan na ang nakahaing sisig sa harapan.
"Hindi" tiim na sagot ni Blake, napatigil naman si Rynnah sa sunod sunod na pag subo ng sisig sa sinagot ng binata "Hindi bat ni mga magulang ni Uncle Sean ay hindi alam kung nasaan sya? Isang patunay na maski sila ay nagawa na din na ipahanap sya pero hindi nila ito natunton" paliwanag ni Blake "Takot si Ninang, natatakot sya na baka kapag ginawa nya ding ipahanap si Uncle Sean posibleng hindi din sya mahanap ng mga tauhan na babayaran nya. Maaring natatakot din sya na baka kapag nahanap muli naman si Uncle e baka may pamilya na ito" dagdag pa ng binata "Natatakot syang umasa"
"Takot syang masaktan? Yun ba ang ipinupunto mo?" tanong ni Rynnah at tumango ang binata "E ngayon naman na hindi sila mag kasama nasasaktan parin naman sya ah. Kahit anong piliin nya nasasaktan o masasaktan parin naman sya"
"Sa ginawa nating to binigyan natin sya ulit ng isa pang option na makaka sakit sakanya" sagot ni Blake at tumungga na din ng beer "Dahil sa ginawa natin, binigyan natin sya ng pag asa. Pero nabigo lang din tayo"
Hindi na nakasagot si Rynnah at hinukay na sya ng malalim na pag iisip. Hindi nya alam kung pano nya haharapin ang Ginang bukas pag balik ng Manila. Sinisisi nya ang sarili dahil sya ang may idea nito. Hindi nya naisip na mas malaki ang magiging epekto nito sa pinag dadanan ng Ginang ngayong hindi sila nag tagumpay.
Nakakailang bote na ang mag kaibigan at tumatama na ang alak kay Rynnah. Bahagyang umiikot na ang paligid nya.
"Okay ka lang? Uwi na tayo?" tanong ni Blake sa dalaga, umiling ang dalaga at patuloy na tinitigan si Blake
"Wag na wag mong gagawin sakin yung ginawa ni Uncle Sean ha" wala sa wisyong sabi ni Rynnah
"Ang alin?" takang tanong ni Blake
"Ang lumayo sakin" sagot ng dalaga, natahimik si Blake sa sinabi ng dalaga. Kahit may kaingayan sa paligid ay parang tanging boses lamang ni Rynnah ang naririnig nya "Wag na wag kang aalis sa tabi ko ha, ayaw kong maranasan yung sakit na nararamdaman ni Ninang" dagdag pa ng dalaga
"Hinding hindi" sagot ni Blake, bahagyang ngumiti si Rynnah at saka na napapikit sa antok dahil sa tama ng alak "Basag trip!" sambit ng binata habang tinitignan ang kaharap na kainuman. "Nakakainis ka talaga minsan e, ngayon naman tutulugan mo ko"
Inakay ni Blake si Rynnah papasok ng sasakyan. Sinuutan nya ito ng seatbelt at nagitla ang dalaga kaya napadilat
"Ashan na ba tayo?" halata sa pananalita ng dalaga ang kalasingan
![](https://img.wattpad.com/cover/51776361-288-k887804.jpg)