Nag madaling nag tungo sila Blake, Rynnah at Wayne sa hospital. Halos paliparin na ni Wayne ang minamanehong sasakyan para lamang makarating agad sa hospital.
"Sinong nag babantay sakanya sa hospital?" tanong ni Rynnah habang binabaybay ang daan papunta sa hospital
"Si mama" saad ng binata, tumango tango si Rynnah na nakaupo sa tabi ni Wayne
"Kamusta pala ang mama mo?" tanong muli ng dalaga
"She's fine" maikling sagot ni Wayne, tiim naman na nakikinig si Blake na nakaupo sa likuran sa dalawang nag uusap sa harap nya ngunit hindi makakaila na binabagabag parin sya pag tungkol sa nabitawang salita kay Carrie
"Nag pakasal ba ang mommy mo at si Uncle Sean?" sa wakas ay natanong na din ni Rynnah ang tanong na kanina nya pa gustong sabihin. Bahagyang napangiti si Wayne
"No, but they became best of friends." saad ni Wayne "Mahal ni mama si Dad, at noon palang ay malabo na ang relasyon ni dad at ng mother ni kuya pero hindi nila magawang mag hiwalay kaya nag sasama sila noon for the sake of their family's good image." dagdag pa mg binata "Hindi alam noon ni daddy na may anak sya kay mama dahil noong mga panahon na nalaman ni mama na pinag bubuntis nya ako ay sya na mismo ang lumayo kay daddy. Pero si papa sean ang dahilan kung bat nag tagpo muli ang landas ni mama at daddy." nakangiting pag kwekwento ni Wayne habang nag mamaneho. "Gumawa ng paraan si Papa para maging business partner nya si daddy, yun na din ang naging way para mag kita ulit si daddy at mama. Nag hiwalay din si daddy at ang mother ni kuya adrian dahil nag pakasal ito sa iba kaya ng nag kita muli si mama at daddy nag karoon na ng chance na itama nila lahat, at ayun kinasal sila."
"Buti okay lang sa daddy mo na ang mama mo ang nag babantay kay uncle sean?" muling usisa ni Rynnah
"Dahil naging malapit na kaibigan na din ni daddy si papa, para kay daddy malaki ang utang na loob namin kay papa sean."
na putol ang pag kwekwento ni Wayne ng tumunog ang phone nya
"Yes ma?"
"Pumunta ka ng hospital, critical ang lagay ng papa mo" nanginginig ang boses ng ina ni Wayne sa kabilang linya. Agad binaba ni Wayne ang tawag at sumeryoso muli ang matatalim na tingin sa kalsada. Nakaramdam naman si Blake na may mali sa kilos ni Wayne mula ng makatanggap ng tawag
"Tatawagan ko si mama, kailangan ng makita ni ninang si uncle sean." saad ni Blake
"Sa Manila na sila mag hintay, sa main branch." maikling wika ni Wayne, naramdaman naman ni Blake na ililipat si Sean sa manila at pakiramdam din nya ay masama na talaga ang lagay nito
Agad dinial ni Blake ang number ng ina
"Ma, pauwi na po kami"
"Anong nangyari sa lakad nyo?" tanong ng ginang
"Mag kita po tayo sa hospital kung saan nag duduty si Ate Reatha, isama nyo po si Ninang" saglit na nanahimik ang ina ni Blake sa kabilang linya hanggang sa marinig na ni Blake ang pag singhot nito, hindi man nakikita ay batid ng binata na pumapatak na ang luha ng ina sa kabilang linya
"K-kamusta si Sean?" tanong ng ina
"Not good ma, papunta kami ngayon don. Mag kita nalang po tayo sa hospital." saad ng binata "Ma ... kailangan po kayo ni ninang ngayon"
"Alam ko anak, Mag iingat kayo"
Napahilamos sa muka si Rynnah dahil sa frustration na nararamdaman
