CHAPTER 38

637 79 7
                                    

Pupungay pungay ang mga mata ni Carrie ng magising sya, ngunit laking gulat nya ng mapansin na wala sya sa sariling kwarto. Una nyang kinapa ang sarili kung may suot pa ba syang damit. Nang makasigurado na suot pa nya ang naturang damit na suot nya kagabi ay inalala nya kung anong nangyari.

"Nananaginip ba ko? Nakita ko ba si Blake kagabi?" tanong ny dalaga sa sarili

"Nope, totoo lahat" napabalikwas ng bangon si Carrie ng marinig ang boses ni blake. Naka dekwatro ng upo ito sa upuan malapit sa kama.

"Kanina ka pa ba nandyan?" tanong ni Carrie

"Kagabi pa" sagot ni Blake

"E anong ginagawa mo dyan?"

"Dito ako natulog, at ikaw dyan sa kama" saad ni Blake, tumayo si Blake at may kinuha sa closet. Inilapag nya iyon sa kama malapit kay Carrie

"Ano to?"

"Damit" sagot ni Blake "Maligo at mag bihis ka na"

Chineck ni Carrie ang mga iyon "Bakit may undies ka? Bakla ka ba?" tanong ni Carrie

"Disposable yan, may mga iniwang ganyan ang nanay ko para kapag binibisita nya ko may magagamit sya." Sagot ni Blake

"E yung damit? Sa mama mo din?" tanong ni Carrie

"Kay Rynnah yan, mag kasing katawan lang naman siguro kayo. Kaya baka kasya mo yan"

"Bakit may damit ka ni Rynnah sa unit mo?" usyosong tanong ni Carrie

"Nung wala pa syang unit dito sa condo ka to, dito sya sa unit ko tumutuloy. Kaya may mga damit sya dito" walang ganang sagot ni Blake

"Mas sexy ako sakanya!" biglang tugon ni Carrie pag tukoy sa sinabing nauna ni Blake na mag kasing katawan sila

"Ganun ba? Okay, mas maganda naman sya" dipensa ni Blake

"M-mas maganda ako sakanya noh! Kahit itanong mo pa sa buong campus!" tutol naman ni Carrie

"Ganun ba? Hindi naman buong campus yun mata ko. Basta sa mga mata ko pinaka maganda sya" natameme si Carrie sa sinabi Blake

"Gusto mo talaga sya noh?" tanong ni Carrie

"Wala ka ngayon dito kung hindi" tiim na sagot ni Blake, isa ito sa dahilan kung bakit gusto nyang tulungan si Carrie, para na din hindi madamay si Rynnah "Labas si Rynnah sa lahat ng to"

"Ang swerte naman nya" sinserong saad ni Carrie "May isang tulad mo na handa syang protektahan sa iba"

"Hindi lang ako nag iisa, madami kami" saad muli ni Blake "Sige na maligo kana at mag bihis, mag hahanda lang ako ng pag kain"

"Blake salamat" sinserong tugon ni Carrie, tanging tango ang sinagot ni Blake sa dalaga at tuluyang iniwan si Carrie.

Habang abala naman sa paliligo si Carrie ay nag simula ng mag luto si Blake ng almusal para sa kanilang dalawa.

Nang matapos sa pag luluto ay nag hain na ito. Ngunit halos kalahating oras na ang lumilipas pero hindi parin tapos ang kasamang dalaga, kung kaya't nakapag desisyon si Blake na maligo na din gamit ang banyo na nasa may sala.

Hindi nya alam kung anong plano ni Carrie, pero balak nyang tanungin ang lahat ng plano nito mamaya.

Nang matapos maligo si Blake ay saka nya lang naalala na wala syang nakuhang pamalit na damit sa kwarto, mabuti nalamang ay may extra towel na nasa cr kung saan sya naligo. Nag tapis ang binata at saktong pag labas nya ay palabas na din si Carrie sa kwarto.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon