Buong araw nag practice ang bandang NO U-TURN at madami daming kanta na din ang na practice nila at kaunting polish nalang ang kailangan. Sinagad na talaga nila ang practice dahil pupunta sila Rynnah sa Tarlac para ipag patuloy ang pag hahanap sa kanilang Uncle Sean.
Pasado alas syete na ng matapos ang practice nila. Nag madaling umuwi sila Rynnah para makapag bihis dahil a-attend sila ng dinner dahil mag kakaroon ng mini reunion ang mga kaibigan ng mga magulang nila na gaganapin sa bahay ng kanilang Ninang Skye.
Noong mga bata palamang sila ay twing linggo ay nag laan ang mag kakaibigan kasama ang mga anak anak nila na mag sama sama. Ngunit ng malaunan at lumaki na ang mga anak at mga negosyo ay dumalang na ang pag kikita kita ng mga ito.
Ito din ang dahilan kung bakit lumaking mag kakaibigan ang apat na sila Rynnah, Blake, Zion at Reatha. Si Zion ay ang anak nila Sarah at Ziggy, may roon itong nakababatang kapatid na siguro ay nasa edad pito pa lamang, si Zian. Habang si Reatha naman ay ang nag iisang anak ng mag asawang Maxine at Reaker.
Sa edad na bente syete, si Zion na ang namamahala sa kumpanya ng pamilya nila. Nasa contractual industry ito. Sila ang nakikipag bidding sa gobyerno kung may proyektong road widening, pag papaayos ng tulay o dam at iba pa.
Habang ang bente singko anyos na si Reatha naman ay nag dodoctor. Nasa ikapitong taon na si Reatha sa pag dodoctor. Isa sya sa mga masweswerteng nakapasa para makapag aral sa University of The Philippines para sa programang INTARMED. Ang INTARMED ay isang programa para sa mas mabilis na pag dodocotor. Ang mga normal na unibersidad ay inaabot ng sampung taon pwera pa ang bilang ng taon na gugugulin para sa residency. Sa INTARMED, sa libo libong nag exam sa UPCAT ay tanging 50 lalake at 50 babae lamang ang mapipili para umusad sa interview. Matapos ang interview ay tanging top 40 lamang ang maaaring makapasok sa programa at isa si Reatha dito. Dalawang taon lamang nya tinapos ang kursong BS BIOLOGY para sa kanyang premed habang nakakuha naman sya ng 99+ sa kanyang National Medical Admission Test ng sya ay umusad sa Medical School na apat na taon nyang ginugol. At ngayon ay nasa kalagitnaan na sya ng kanyang Intern. Reatha Alexine Go Lopez MD, ilang taon na lamang matapos mag board ay mag sisimula na ang kanyang residensy.
Malapit na mag kakaibigan ang apat kahit na ilang taon ang mga pagitan ng edad nila. Excited ang dalawang mag kaibigan dahil sa wakas ay makakasama na ulit nila ang dalawa. Pinsang buo ni Rynnah si Reatha sapagkat mag kapatid ang kanyang ama na si Rara at ang ama ni Reatha na si Reaker. Habang pinsan naman nya si Zion sa side ng inang si Kristina dahil kapatid nito ang nanay ni Zion na si Sarah.
"RYNNAH BILISAN MO NGA!!" pasigaw ng sabi ni Blake habang patuloy sa pag pindot ng doorbell.
Lumabas si Rynnah suot ang simpleng Longsleeves na blue na naka tuckin sa kulay puti nitong palda. Habang naka tali naman ang kulot nitong buhok na bumagag sa bangs nya.
Ang kaninang inis na si Blake ay halos matulala ng makita ang magandang dalaga
"Oh longsleeves palang yan natutulala kana. Pano pa kaya pag nag effort na kong mag ayos" taas noong sabi ni Rynnah saka kinabig ang pinto at nilagpasan na ang binata
"A-anong sabi mo!!" sabi ni Blake ng makabawi, humarap naman ang hindi pa nakakalayong si Rynnah.
"Wala sabi ko yung laway mo" sabay kindat sa binata.
------------
Nang makarating sa bahay ng kanilang Ninang Skye ay dumirecho sila sa garden kung saan madalas ginaganap ang salo salo kapag nag sasama sama ulit sila. Mayroong dalawang lamesa dito kung saan ang mga magulang nila ay nag sasama sama habang sa kabilang lamesa naman humihiwalay silang apat.
Agad sinalubong ang dalawa ng mga magulang
"Nandyan na pala yung gwapong anak ko e" sabi ni Thomas,